Chapter Eighteen: He's Gone ... For Good!

145 21 8
                                    

Niña's POV:

1st day of school … Finally 3rd year na 'ko! Hmmmm, miss ko na si Cha. Ano kayang ginawa nya buong summer?? Ako? Nako! Halos buong summer … umiyak lang ako.

Bakit?? Eh! Wala na eh!! Wala na si Jet!!! Hindi naman sya patay … Wala lang sya … wala na sya sa buhay ko … b-break na kami sa madaling salita.

Pa-no?? Bakit??? Ka-kasi … I deeply sigh … He's gone, gone for good … Lumipat na sila eh! … Sa Davao na sila nakatira ngayon.

Hindi namin kaya ang pressure ng long distance relationship … masyado bang lame ang excuse namin para mag-break?? Well, kung inaakala nyong yun lang ang dahilan, mali po kayo. May isa pa …

"BEBE!!!" napatalon naman ako sa gulat. Bigla-bigla naman kasi si … wait, s-si C-cha?? Si Cha ba 'tong kaharap ko?? Hindi sya yan, baka alien.

"Oh! Ba't napatulala ka?" tanong nung alien sa harap ko.

"ET phone home?" sabi ko sabay turo sa kalangitan.

*Pak*

Isang malutong na batok ang inabot ko sa kanya. Walang duda … ALIEN NGA!!!! Waaaah! Bakit ganyan na hitsura ng alien ng buhay ko???

"Maka-batok ah?? Nagulat lang naman ako sa hitsura mo. Akala mo naman ikina-ganda mo ang pagba-bangs. Nagmukha ka lang Dora, oh! Nasan na si Boots?"

"Una si ET, ngayon si Dora … Hinahanap mo pa si Boots, OM! Di ka ba na-inform na ikaw yun??" sabi nya sabay tawa.

Okay! Nag-counter attack na sya!! In fairness, gumanda sya. Di ko na sinabi kasi baka di nya tanggapin. Di kasi marunong si Cha tumanggap ng Compliments, mas gusto nyang nilalait sya. Abno po kasi sya.

"Section Diamond ulit ako, ikaw Nhinz??"

Diamond ulit sya … meaning back to top na sya … meaning … haist!!!

"Ahh, Amethyst ako. Ano ba yan, wala na nga si Jet pati ba naman --" Omygosh! Nadulas ako dun ah!

"Wala na si Jet? What do you mean by that?? Magkaiba kayo ng section? Hahahaha, wawa naman yung bata. Tara iyak tayo" pang-aasar nung alien na Dora.

"Ewan ko sayo" sabay walk-out ko. Badtrip eh!

"Uyy! Ang sibuyas naman. Nasaan na ba kasi si Jet para mabatukan ko. Na-miss kong bugbugin yun eh!"

"Wala na nga sya!" medyo napalakas ang boses ko dun.

"Ano ba kasing wala na? Patay na ba?? O na-comatose? Baka naman nakagat lang ng aso yan ah!" San ba kinukuha ni Cha yang mga pinagsasabi nya?? … Oo nga pala, ALIEN SYA!!

"Sira talaga yang tuktok mo eh no?! Alugin ko na ba??"

"Grabe ah! Kung sinasabi mo na kasi sakin edi sana hindi ako mag-iisip ng kalokohan" nakapa-meywang nyang sabi.

Huminga muna ako ng malalim … hayyy! Bakit kasi kailangan pang mangyari yun? …

"He's gone … gone for good"

"Lumipat na sila? Saan??" seryoso nyang tanong.

"Sa Davao" tipid kong sagot.

"Sus naman Nhinz, malapit pa yan! Sana nag-long distance relationship nalang kayo. Medyo mahirap sya pero tingin ko naman kaya nyo yun"

Sh!t … It triggers me … wala na … eto na ko … UMIIYAK!!!!

Bigla namang yumakap yung abno na alien na dora na bestfriend ko … yumakap na rin ako … parang 2 months ago sya yung umiiyak … ngayon ako naman … ano kami? Take turns sa pagtanggap ng sakit??

Bittersweet Memories (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon