Chapter Seventeen: My Process Of Moving On

195 22 5
                                    

Charlyn's POV:


It's SUMMER!!!! My favorite part of the year!!! 2 months na punong-puno ng kalayaan!!!


Ngayon ko uumpisahan ang proseso ng pagmo-move-on. I need to forget HIM and EVERYTHING!!! Tsk, sisiw lang 'to!!! Taas self-confidence no?? Kailangan eh!!


First stop --- SALON!!!

Pumasok na 'ko sa suki kong salon para magpa-ayos.

"Good Morning Ms. Charlyn. Anong treatment ang gagawin ko for you?" tanong nung baklang laging nag-aayos sakin.

"I want my hair rebonded, ipapa-cellophane ko na rin. I want bangs, full bangs to be exact. Don't cut it short, I want it long" I smiled at him/her? Nah! I prefer her.

"Ang tarayyy!!! Bet ko sayo yun!" sabi nya.

After 8 and a half hours ng pagi-stay ko sa salon ay sa wakas natapos narin ang make-over sa buhok ko.

"You look stunning Ms. Charlyn, lalo 'yang gaganda kapag nagka-volume na yung buhok nyo. Bongga!"

"Thanks, Steph!" pagkasabi nun ay nagbayad na 'ko sa counter at syempre nagbigay na rin ako ng tip. Kanina ko lang nalaman yung pangalan nung bakla kaya naman nagulat sya nung tawagin ko sya sa pangalan nya.

"Salamat po, sa uulitin Ma'am" pagkasabi nya nun ay lumabas na 'ko ng salon. Madilim na so I checked my phone para malaman ang oras … 7:15 pm, maaga pa pala.


Dumiretso ako sa mall para mag-SHOPPING!!!

'Pag nagmo-mall ako, unang-una kong pinupuntahan ay ang National Bookstore then diretso Book Sale ako. Mahilig kasi ako sa mga libro.

Dahil siguro sa napaka-hilig ko sa libro, inabot ako ng 2 hours sa paghahanap ng magandang libro and I end up buying 'The School For Good And Evil' tsaka yung 9th book ni Bob Ong (if I'm not mistaken) entitled 'Lumayo Ka Nga Sa Akin'

Dahil pasado alas-9 na ay umuwi na muna ako. Bukas nalang ako babalik dito sa mall.


*Kinabukasan*

Maaga akong bumangon para mag-ayos kasi magsha-shopping ako!!!

Pagdating sa Mall ay 'di na 'ko pumunta sa National, naka kasi dun na naman maubos ang oras ko. Instead, pumunta muna ako sa Jollibee at nag-order ng Garlic Pepper Beef.

Pagkatapos kumain ay naglibot-libot ako … I was looking around nang mahagip ng mga mata ko ang EX ko at ang GF nyang panget! Kung minamalas ka nga naman oh!

Imbes na magpakita ay umiwas nalang ako. Hindi pa kasi tapos ang pagme-make-over ko at isa pa, masakit parin.

Dumiretso nalang ako sa isang perfume store. Magpapalit na kasi ako ng brand ng pabango.

"Good Morning Ma'am, anong brand ng pabango po ang hinahanap nyo?" tanong sakin nung saleslady.

"Do you have the signature perfume of Taylor Swift?" Hoho! Bet ko kasi si Taylor and for sure namang mabango yun.

"I'm sorry Ma'am, out of stock"

Aish!! Yun pa naman ang gusto ko. 'Di bale na nga, 'di nalang ako magpapalit ng brand.

"Penshoppe nalang, yung strawberry" buti naman meron sila. Ayun, binayaran ko na at inilagay ko nalang sa bag ko.

"Hahahaha, you're so funny hon" nagpanting naman ang tenga ko sa narinig ko, ang liit talaga ng mundo. Umalis na agad ako sa perfume store baka kasi masapak ko yung mga mukha nila.

I decided to buy a hat, yung pang-summer. Then, I also bought sunglasses para in case na masalubong ko sila ay di nila 'ko makilala. Iba na kasi ang hair style ko, remember?


After that, nagpalipat-lipat ako ng punta sa mga tindahan ng damit gaya ng Cinderella, Candy, Maldita, Oxygen, Penshoppe, Riss at Bench.

Napaka-rami kong napamili … ang bigat!!! Pero okay lang kasi may susundo naman sakin, yung mama ko.

Papunta na 'ko sa may exit nang mapadaan ako sa stall ng Swatch … hmmm, bumili kaya ako? Tama!

Lumapit ako sa may stall at nagtingin-tingin ng relo.

"Yes Ma'am?" sabi nung saleslady.

"Patingin naman ako nun" sabay turo ko sa isang relong mukhang vintage pero blue modern-style ang strap. Inilabas naman ito nung babae at ibinigay sakin.


Sinukat ko naman ito at -- OMG!! I never thought na bagay pala sa wrist ko ang mag-relo. I decided to buy the watch. 'Di ko na sya ipinabalot kasi sinuot ko nalang sya.


Lumabas na 'ko sa mall at dumiretso sa may parking lot. Naghihintay kasi dun yung Mama ko.

For the whole month of April, puro pagmo-mall at pagga-gala ang ginagawa ko. Ini-improve ko narin ang pananamit ko at ang pagkilos ko.

Sa month naman ng May, isinubsob ko ang sarili ko sa pagbabasa at pagsusulat ng kung anu-ano. Part din kasi yun ng pagmo-move on.

1 week nalang pasukan na so I decided to go to the mall. As expected, nakita ko sina Marco at Hazelle.


I instantly smirk when I saw them. Aaminin ko, may kirot parin, 'di na mawawala yun. Pero ngayon, tanggap ko na ang lahat.

Mabuti nalang hindi ako ganun ka-attached sa kanya kundi baka nasa Mandaluyong na 'ko, sira na ang ulo.


I think isang step nalang ang kailangan ko … isang step na sa tingin ko matatagalan pa bago ko magawa … pero pipilitin ko … pipilitin kong patawarin sila at patawarin ang sarili ko …

Dapat 'di ako magalit kasi masaya naman sila. Tatanggapin ko nalang na 'di talaga kami para sa isa't-isa. Hindi man malinaw kung bakit nya 'ko ipinagpalit, iintindihin ko nalang. Mas mabuti na rin sigurong 'di ko alam, at least bawas sakit.


I think I'm ready … ready na kaya talaga ako?? Hmmmm … abangan nyo nalang ;) …

(Keep Supporting Charles812's Stories. Thanks!)

Bittersweet Memories (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon