Chapter Five: Finally, A Bestfriend

213 30 19
                                    

Charlyn's POV:

It's been 2 months since I graduated elementary. Pasukan na naman, and this time high school student na ko.

Naglalakad na ko papasok sa bago kong school, ang Stone Business High School, ang eskwelahan kung saan nagtuturo ng mga business subjects like entrepreneurship, business english, business math at iba pa.

Pinili ko dito mag-aral dahil sa mga itinuturo nila. Wala namang bayad dito bukod sa bibili ka lang ng student handbook na nagkakahalaga lang ng 50 pesos.

Lumapit ako sa may bulletin board upang alamin ang section ko. De Vega . . . De Vega . . . De Ve -- Ayun! De Vega, Charlyn Nicolai. Section Diamond. Room C12.

Umalis na ko sa may bulletin board at umakyat sa 2nd floor para hanapin ang room ko.

Wala dito, so akyat ulit. Sa 3rd floor naman ako naglibot. Aba! Wala parin, matindi to. Mukhang nasa 4th floor pa yung room ko, Argh! Buwis buhay pala ang araw-araw kong pagpasok sa school na to.

Nakarating na ko sa 4th floor at inilibot ko ang paningin ko para hanapin ang room ko. Sa wakas ay nahanap ko na rin. Masyado akong pinahirapan nito.

Lumapit ako sa may room at sakto namang may teacher. Kumatok ako ng bahagya kahit na bukas naman ang pinto. Nasa harapan na rin kasi yung guro at nagsasalita.

Napatingin naman lahat ng mga estudyante at lumapit sa akin yung guro.

"Yes? Anong kailangan mo hija?" tanong nung teacher.

"Good morning Ma'am, this is First year section Diamond, right?"

"Yes, do you belong in this section?"

"Yes Ma'am," then I handed out a form to her.

Kinuha naman nya ito at binasa. Nginitian muna niya ako bago nagsalita. "Okay Ms. De Vega, I am Mrs. Delos Santos your Advisory Teacher. Diamond, welcome your new classmate."

"Hi Classmate," bati nila sakin.

Hindi ako sanay pero ngumiti nalang din ako sabay bati rin ng "Hi Classmates."

Umupo ako sa may bakanteng upuan katabi ng isang napakagandang babae. May pagka-artistahin ang dating nya.

"Hi, ako nga pala si Princess Macion, you can call me Cess."

"Hi din, ako naman si Charlyn Nicolai De Vega, Cha nalang."

"Bestfriend na tayo ah," ano daw? Bestfriend agad? Maganda nga siya pero fc naman.

"Uhh, sure," pinili ko nalang na sumang-ayon dahil baka ma-hurt siya kapag tumanggi ako.

"Okay class, since first day natin ito, let's introduce ourselves," biglang sabi ni Mrs. Delos Santos.

Ugh! Yeah right, ang walang kamatayang pagpapakilala. Every year ganito nalang lagi ang first day. Okay na rin naman, at least chill muna kami.

Nagsimula sa row 1 yung introduction. Nasa row 2 ako kaya naman inaabangan kong natapos ang mga nasa row 1.

After some time ay ako na ang magsasalita. Tumayo na ako at habang papunta ako sa harapan ay narinig ko pa si Cess na pumalakpak at nagsabi ng "Go, bestfriend."

"Hi Diamond, I'm Charlyn Nicolai De Vega, graduated from Star Elementary School Central. First and foremost, di po ako mahilig makipag-usap so bear with me. Secondly, I'm trying my best to be able to socialize. Yun lang, thank you."

Uupo na sana ako nang biglang nagsalita si Cess. "Palakpakan naman natin yung bestfriend ko," dahil na rin siguro sa pagiging jolly niya ay pumalakpak din ang iba naming kaklase.

Ano bang problema nitong babae na ito? Kani-kanina lang kami nagkakilala tapos ganyan na siya umasta sa akin. She's so weird.

Turn naman ni Cess kaya naman tumayo na ito at pumunta sa harapan.

"Hi Classmates, Princess Macion here! Call me Cess. I graduated from St. Luke Academy. Uhhh! I love volleyball, english and of course eating! hahaha, sana maging friends tayong lahat pero hindi na pwede yung bestfriend kase meron na ko, si Cha. Yun lang, thanks!"

Oh my gosh! Saan niya ba nakukuha yung energy niya sa totoo lang. Kaya ko ba itong matiis na kasama? Iwan ko nalang kaya siya? Alam ko na, tatakasan ko siya sa recess.

"Cha, anong favorite subject mo?"

Napa-"Ha?" lang ako sa biglaang open niya ng topic.

"Sabi ko, anong favorite subject mo? Hindi mo kasi nabanggit kanina sa introduction."

" Uhh, it's not a subject but I love writing."

" Oh! That's cool. Turuan mo ko minsan."

Tumango nalang ako at bigla kong naalala na gusto ko pala ng Math kaya "Oh and I like math a little bit."

"I see. Do you have sport?"

"I don't," hindi naman kasi ako pala-kaibigan so hindi ako naaalok maglaro ng kahit na anong sport.

"Well, pwede kitang turuan mag-volleyball if you want," suwestiyon niya habang nagniningning ang kanyang mga mata.

Sa buong klase ay puro siya tanong ng tanong sa akin. Buti nalang ay hindi kami pinapansin ng guro namin. Wala rin kami halos na ginawa kundi maki-interact sa mga kaklase namin.

On our first day of classes, hindi muna magpapalit ng guro at classroom. Kung noong elementary ay guro ang lumilipat tuwing magpapalit ng subject, dito ay kami ang lilipat ng silid.

Natapos na rin ang first half ng klase at recess na. Salamat po mapapahinga na yung tenga ko sa kadaldalan ng bestfriend ko kuno. Akma na akong lalabas at tatakas sana nang biglang magsalita si Cess. Mukhang wala talaga akong takas dito.

"Bessy, tara sabay tayong mag-recess."

Ha? Seryoso ba sya? Gusto ba talaga niya akong mabaliw? Ayoko na! Gusto ko na ipahinga yung tenga ko. And what's with Bessy? Ang baduy ah.

"Hahahahaha!" biglang tawa ni Cess.

"Anong nakakatawa?"

"Ikaw bessy haha, nakanganga ka kasi kanina habang nakatingin sakin,"

Sige lang tawa ka pa, mamaya may kabag ka na.

Hindi nalang ako kumibo. Bigla naman akong hinawakan sa kamay nung babaeng may sayad yata.

"Kumain na tayo Bessy, gutom ka lang."

So I really need to deal with her for the whole school year? What a pain. I guess I can say that I finally have a bestfriend and her name is Princess Macion. Mas hyper pa at mas feeling close ito kesa kay JC. Buti nalang talaga maganda at mabait siya.

Mukhang magiging masaya at magulo ang pag-aaral ko dito sa MBHS ah, and that's a good thing right?

(READ ( ˘ ³˘)♥ VOTE ( ˘ ³˘)♥ COMMENT)

Bittersweet Memories (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon