Chapter Three: Puppy Love

243 29 25
                                    

Charlyn's POV:

Yung araw na pumunta si JC sa bahay ay siyang araw kung kailan ko hinayaan ang sarili ko na magkaroon ng kaibigan. Iyon din ang araw na nakita ko ulit si mama na masaya at tumatawa. Hindi ko alam na darating pala ang araw na kung saan masasabag ang yelong iniharang namin sa sarili.

Halos araw-araw din kung pumunta sa bahay si JC, nakikikain at nakikipagkwentuhan siya sa Mama ko. Paminsan-minsan nama'y sumasali ako sa usapan nila.

"Okay class, see you on Monday," nagsigawan ang mga kaklase ko nang makaalis ang aming guro.

Friday kasi ngayon kaya masaya sila. Dalawang araw na namang walang klase. Ang iba sa kanila ay narinig ko pang nagku-kwentuhan. May mga plano sila sa weekends.

Ang iba'y maglalaro ng computer games. Ang iba nama'y pupunta ng mall para kumain at gumala. Ako? Siyempre sa bahay lang ako. Magbabasa ng kung ano o di kaya'y magsusulat ng mga istoryang likha ng isipan ko.

"Gorgeous, uuwi ka na?" si JC.

"Obvious ba?" pagtataray ko. Oo, kaibigan ko na si JC pero hindi ibig sabihin magiging sobrang mabait na ako sa kanya.

"Tara hatid na kita."

"As always. Makikikain ka lang eh," sabay tayo ko at kuha ng bag.

"Eto talaga, laging ang sungit," natatawang sabi nya.

Inirapan ko nalang sya at nagdiretso na sa paglalakad. Narinig ko pa siyang humalakhak. Di ata to nauubusan ng positive energy sa katawan. Kahit anong taray ko, ni hindi ko siya nakitaan ng kahit konting inis sa akin.

"Akin na nga yang bag mo Gorgeous," nakangiti nyang sabi.

"Quit calling me Gorgeous, nakakairita okay?" hindi naman talaga ako naiirita. Hindi lang ako sanay na may tumatawag sakin ng gorgeous.

"Okay, madali naman akong kausap eh, Master," nakangiti na naman sya.

Tingin ko may problema to sa gilagid, ngiti ng ngiti kasi eh. Kailangan na niyang itigil yan. Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko, minsan parang hinahabol ko ang hininga ko tuwing ngumingiti siya o di kaya'y tumatawa. Minsan din parang naririnig ko ang tibok ng puso ko.

May sakit na kaya ako sa puso? Kailangan ko na yatang sabihin kay mama para ma-check up ako ng isang doktor. Mamaya magulat nalang ako bigla akong atakihin.

Nakarating na rin kami sa wakas sa bahay.

"Tita Joyce, I miss you!" sigaw ni JC habang patakbo sa Mama ko at yumakap. Edi sila na magnanay.

"I miss you too JC anak," nakangiting sabi ni Mama.

"Master, anak na daw ako, tara pakasal na tayo," si JC.

DUGDUG. DUGDUG

Heto na naman ang puso ko. Grabe ang bilis ng tibok. Aatakihin na ba ako? Mamamatay na ba ako? No! Masyado pa kong bata.

"Uhh, Master? . . . Cha?" biglang sabi ni JC.

Naputol ang paglalakbay ng isip ko nang magsalita si JC at napa- "Ha?" na lamang ako.

"Kumain na nga kayong dalawa. Gutom lang yan," singit ni Mama.

Nagpaalam muna ako na magbibihis sa kwarto ko. Sila namang dalawa ay dumiretso sa kusina upang ihanda ang meryenda namin. Pagkapasok sa kwarto ay bigla akong napaupo sa sahig.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ko sa kanya. Pinakiramdaman kong maigi ang tibok ng puso ko. Unti unti na siyang bumalik sa normal na pagtibok.

Ayoko mang isipin pero, gusto ko na ba sya? Inlove na ba ako? Uhh, no way. Masyado pa kong bata para dyan. Masyado pang maaga.

Knock Knock

"Master, bilisan mo daw para makakain na tayo," si JC.

Bigla kong nahigit ang hininga ko. Bumilis ulit ang tibok ng puso ko. Ayoko nitong nararamdaman ko. Kung ano man ito, sana tumigil na.

Bumuntong hininga muna ako bago lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina. Sa mini bar counter kami kakain ng meryenda.

"Ang tagal mo naman," biglang sabi ni JC nang pumasok ako ng kusina.

"Sino ba nagsabi sayo na hintayin ako?" sige lang Cha, tarayan mo lang. Wag pahalata, wag paapekto sa kanya.

"Oh, wag na kayong mag-away. Kumain nalang," singit ni mama.

" Sorry tita. Sorry din Cha."

" Bakit ka nagso-sorry?" may ginawa ba siyang mali? May ginawa ba siyang ikakainis ko?

"Nothing. Uhh, busy ka ba bukas?" pagi-iba niya ng topic.

"Bakit anak? Ide-date mo ba si Cha?" bigla akong nasamid sa sinabi ng nanay ko. Yung totoo ma? Binubugaw mo ba ko?

"Ma!" protesta ko.

"What? Nagtatanong lang naman ako. Hindi naman masama kung mag-date kayo. Payag naman ako basta ba dito lang sa malapit." natatawang sabi ni mama.

Kahit kailan talaga to si mama. Ang babata pa namin tapos okay lang sa kanya na mag-date kami.

"Kung okay lang po kay Cha, gusto ko po siyang yayain pumunta sa mall." nakangiti niyang sabi.

Dugdug. Dugdug.

Eto na naman siya. Ayoko na siyang makitang ngumiti. Tsaka ano na namang gimik to? Yayayain niya akong mag-mall? Magde-date kami? Ano kami, teenagers? Mag-kasintahan? Mag-asawa?

"Syempre pumapayag yang anak ko. Anong oras kayo aalis?"

"Ma!"

"Wag ka ng umarte. May tiwala naman ako kay JC eh. Tsaka ihahatid ko kayo sa mall at susunduin din."

" Talaga po tita? Salamat po ah!"

Dugdug. Dugdug.

Ahh! Sumasakit na yung ulo ko. Ayoko na! Bakit ba kasi ganito tong puso na ito? Sige na! Gusto ko na siya. Aaminin ko na sa sarili ko. Ayoko man itong nararamdaman ko pero ano bang magagawa ko?

Kasalanan nya to eh! Kung di ba naman nya 'ko nginitian nung araw na yun, edi sana hindi ako nagkakaganito. Kung hindi sana niya ako sinundan nung pauwi ako. Kung hindi sana niya ako sinamahan bumili ng mga art materials. Kung hindi sana niya ako hinatid pauwi. Hindi ako magkakaganito.

Si Juan Carlos Padilla, ang escort ng section Neptune, isa daw sa mga poging nilalang sa school, isa rin sa mga matatalino, ang unang nagpatibok sa puso ko.

Ang batang puso ko na puno ng poot at galit dahil sa ginawa ng tatay ko ay ngayo'y napalitan ng saya dahil sa kanya.

Ngayon masasabi kong marunong pala akong magmahal kahit ako'y bata pa, and I'm proud to say that he is my PUPPY LOVE.

(READ ( ˘ ³˘)♥ VOTE ( ˘ ³˘)♥ COMMENT)

Bittersweet Memories (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon