Chapter Nine: My First Love

231 27 17
                                    

Charlyn's POV:

"O MY GAHD! Bebe seryoso? Niyakap ka talaga ni Marco? Tapos nagkaaminan kayo ng feelings? Teka, akala ko ba galit ka sa kanya? Sabi mo pa nga naiirita ka diba? Eh bakit? -- omg I can't take this anymore," oa na sabi ni Nhinz.

"Can you please stop acting like an alien. Nandoon na nga tayo na naiirita ako sa kanya but that doesn't mean na ayaw ko sa kanya."

Bumuntong hininga sya "So kayo na?" nakataas kilay nyang tanong.

"Wag kang excited Bebe. Uhmm, MU lang kami," nakangiti kong sabi.

"Ahhh, malanding ugnayan," pilyang sabi nya.

"Bebe naman eh! Mutual understanding."

"Sus, parehas lang yun. Tara na nga kumain nalang tayo," at naglakad na kami papuntang canteen.

Papasok na sana kami ng canteen nang mahagip ng mata ko si Marco.

"Bebe, si Marco," bulong ko.

"So? Kakain lang naman tayo eh! Bakit maglalandian ba kayo?"

"What? No! Ano lang kasi . . . "

Hinigit ni Nhinz yung kamay ko at hinila papuntang counter.

"Ay, nakalimutan kong magpapalit ng pera. Wait lang bebe ah?" palakad na sya nang hinigit ko.

"Ako nang magpapapalit," ngiting sabi ko.

"Ano ka ba bebe, alam mo namang ayokong napapagod ka," nakangisi nyang sabi.

Bruha talaga yung babaeng yun! Paano ko haharapin itong si Marco?

Nakalabas na si Nhinz ng canteen nang bigla akong batiin ni Marco.

"Hi Cha," shet! Si Marco, anong gagawin ko?

Lumingon ako sa likod at, shemay, Kinikilig ako!

"Hi?" yung puso ko!

"Tara, upo muna tayo," sabay kuha nya ng kamay ko ay iginiya papunta sa may pwesto niya.

Iniurong nya ang isang silya para makaupo ako. Hindi ko alam may pagka-gentleman pala sya. Akala ko kasi puro kagaspangan ng ugali ang alam nya eh.

"So, what do you want to eat?" tanong nya.

"Ikaw," nakangiti kong sabi, say WHAT? O my gosh, watch your words Charlyn.

"Haha, what?" natatawa nyang tanong.

"What I mean is ikaw bahala," o sige, magpalusot ka pa.

"Ahh, akala ko kasi, sige ako na ang bahala, wait lang," tumayo na sya at pumunta sa may counter.

"So, I guess wala na akong ililibre ngayon?" biglang bungad sakin ni Nhinz nang makaalis si Marco.

"Bebe! Ikaw talaga, nakakahiya kay Marco."

"Nahiya ka pa! Boyfriend mo naman na sya."

"What? Di ko sya boyfriend okay?"

"Sige, i-deny mo pa. Buking ka na bruha!" at bigla syang tumawa.

Sasagot pa sana ako nang dumating si Marco dala yung pagkain namin.

"Hi Nhinz," bati nito kay bestfriend kong tamang hinala.

"Hi, so matanong ko lang, kayo na ba?"

"Bebe," madiin kong sabi.

"What? I'm just asking," nakangisi nyang sagot.

"Diba sinabi ko na sayo? Diba?"

"Malay ko ba kung nagsasabi ka ng totoo."

At talaga namang pinagmukha pa kong sinungaling, tapos sa harap pa ni Marco. Nakakahiya ka talaga Nhinz!

"Malay mo mamaya kami na," sagot ni Marco habang natatawa.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Don't tell me tatanungin na niya ako mamaya.

Paglingon ko ay isang Nhinz na naka-ngisi ang nasilayan ko.

"Omygosh! Sabi na eh! Ikaw talaga Bebe indenial. Buti pa si Marco honest."

Hindi ko na sinagot pa yung panga-asar ni Nhinz. Nahihiya na talaga ako kay Marco kaya pinili ko nalang na manahimik.

"Cha, may prob ka?" tanong ni Marco.

"Nako, kinikilig lang yan," isa pa talaga mananapak na 'ko ng bestfriend.

Buong recess time ay puro pangbubuking ang ginawa ng walang hiya kong bestfriend. Kung sa kanya ko kaya gawin yun? Kanino ko kaya sya aasarin.

Hmmm, think Charlyn. Think! Aha, wait alam ko na.

I grin evilly.

Nasa room na kami at kasalukuyang hinihintay ang teacher namin.

"Ayieeh! Charlyn Marco sitting on a tree. K-I-S-S-I-N-G," pang-aasar nya with matching tawa.

"Gusto mo bang gantihan kita ng pang-aasar dyan?" sabay ngisi ko.

"Haha, as if kaya."

"Jet! Tawag ka ni Nhinz," sigaw ko kay Jet Torres, ang kasabwat ni Nhinz para asarin ako nung Poster Making Contest.

"Bebe," pabulong na tili ni Nhinz.

Binelatan ko lang si Nhinz. Maya-maya'y lumapit na si Jet samin.

"Nhinz, bakit mo ko tawag?" tanong ni Jet.

"Ha? Uh, Wala. Si Cha? Tama! si Cha ang tumawag sayo diba? diba? Siya tanungin mo," oh ano bestfriend, nabahag buntot mo no? Hahaha.

Tumingin sakin si Jet at parang na-gets ko siya kaya naman tumayo ako para lumipat ng upuan. Siya naman ay umupo sa kaninang pwesto ko na katabi ni Nhinz.

Pagkaupo ko ay bigla nalang akong napabuntong-hininga. Naalala ko kasi bigla si Marco. Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako sa nararamdaman ko.

Ano nga ba si Marco para sa akin? Pinilit kong pakalmahin ang naghuhurumintado kong puso. Kailangan kong kumalma para makapag-isip ng tama.

Pumikit ako at pilit paring nagpapakalma. Nakiramdam ako sa buong paligid. Mga ingay mula sa mga kaklase ko ang tanging naririnig ko.

Alam kong maingay ngayon pero Marco, ano ka nga ba para sa akin?

Parang on cue, biglang hindi ko na narinig ang mga kaklase ko. Siguro masyado na akong engrossed sa kakaisip kay Marco

Oy, Marco, nandyan ka na ba sa puso ko? Mahal na ba kita? Marco Rey Santillan!

Alam kong nasa isip ko lang ito pero naiirita ako sa hindi pagsagot ni Marco. Feeling special ka? Well, special ka naman talaga.

Wait, what? Special na siya sakin? O my gahd!

Bigla akong napahawak sa kaliwang dibdib ko nang maramdaman kong bumilis pa ulit yung tibok niya. Para akong nakikipagkarera.

Napadilat ako at napatulala. Hindi ko namamalayang hinahabol ko na pala ang paghinga ko. Pumikit akong muli at tanging mukha ni Santillan ang nakikita ko.

Napangiti ako . . . No doubt, mahal ko nga sya. Mahal ko nga!! Si Marco Rey Santillan ay mahal ko. Sya ang First Love ko!! My hateness for him suddenly disappeared.

"Cha?" napadilat ako bigla.

"Yes Bebe?" nakangiti kong sabi.

"I'm happy for you. You finally admit it"

"What?"

"You said it all ALOUD!!!"

Napanganga naman ako at napatingin sa mga kaklase ko. OMYGOSH!!!!!

(READ ( ˘ ³˘)♥ VOTE ( ˘ ³˘)♥ COMMENT)

Bittersweet Memories (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon