Chapter Two: Friendship Starts

309 34 23
                                    

Charlyn's POV:

"Make sure to bring all the material for tomorrow's activity."

Sabay sabay kaming sumagot ng "Yes Ma'am."

Last period na namin ito kaya nang marinig namin ang bell, nagu-unahan ang mga kaklase ko na makalabas ng classroom. Ang iba naman ay kagaya ko na naghihintay na makalabas ang karamihan bago umalis.

Nang matapos ang pagsisiksikan ng mga kaklase ko ay siya namang labas ko. Dadaan muna ako sa coop upang bumili ng materyales para sa arts activity namin bukas. Nang marating ko ang coop at nakita ang sitwasyon ay hindi na lamang ako tumuloy.

Mukhang sa ibang tindahan nalang ako bibili. Habang naglalakad papuntang gate ay nakita ko pa ang ilang kaklase kong lalaki na pinagsasabong ang kanilang mga gagamba. Ano kayang napapala nila sa pagbili at pagsasabong ng gagamba?

Nang makalabas ako ng gate, mga kaklase kong babae naman ang nakita ko at naga-agawan pa sa sticker na high school musical. Napailing na lamang ako. Hindi siguro ako normal dahil hindi naman ako nahilig sa mga ganyan.

Maya maya, nararamdaman kong parang may nakamasid sa akin. Sakto namang napadaan ako sa isang sasakyan at nahagip ng aking mata sa side mirror na nakasunod sa akin si JC. Ano na naman kayang kailangan nito? Hindi ko alam na stalker na din pala siya.

Dire-diretso lang ang lakad ko na parang walang nakita. Maya-maya'y may palikong eskinita sa gawing kanan ko, kaya naman lumiko ako doon kahit di naman yun ang daan pauwi samin.

Sumilip ako ng bahagya upang siguraduhing nakasunod parin sya. Baka kasi mamaya, nag-assume lang ako na sinusundan niya ako. I automatically grin when I saw him looking around trying to find me.

Sumandal ako sa pader habang inaantay siyang makalagpas ng eskinita. Hindi naman niya ako basta basta makikita dahil may poste ng kuryente sa bukana.

Wait for it . . . Wait for it . . . Patience . . .

I heard his footsteps and his whispers.

"Saan na ba nagpunta yung babaeng yun? Ang bilis maglakad," palinga-lingang sabi ni Pet.

Dahan dahan ako lumapit sa kanya at . . .

"Huy!" bigla kong sigaw dahilan upang mapatalon siya sa gulat. Hahaha! His face was priceless.

"Grabe ka, nakakagulat yun ah," nakapout nyang sabi. Tss pacute.

"Bakit mo ba ko sinusundan?" tanong ko.

"Gusto sana kitang samahan bumili ng art materials kasi alam kong di ka pa nakakabili."

"So, kanina mo pa talaga ako sinusundan? Stalker!"

"Nahihiya kasi akong tanungin ka."

"Nahiya kang magtanong pero mag-stalk hindi. Pero sige, samahan mo ko bumili."

Para siyang bata na binigyan ng candy nang marinig na pumayag ako. Naglakad na kami papunta sa tindahan na nagtitinda ng school supplies. Halos lahat ng kailangan namin ay nabili namin doon.

"Oslo and japanese paper nalang ang kulang natin," ani ko.

"Try natin dun sa isa pang tindahan."

"Okay."

Tinungo namin iyon at salamat dahil mayroon sila ng kailangan namin. Nang matapos kaming mamili ay inilibre ko siya ng ice pop. Pasasalamat ko sa pagsama niya sakin.

"Hatid na kita," bigla niyang sabi.

Nagulat ako sa sinabi niya. Tinitigan ko siyang mabuti. Ganito ba? Ganito ba siya maglaro? Hanggang ngayon, palaisipan parin sa akin kung totoong pakikipagkaibigan ang habol niya sa akin.

"Since gusto mo akong ihatid, sige buhatin mo lahat ng gamit ko," at binigay ko yung backpack ko na punung puno ng libro. Masipag kasi ako magdala.

"Ang bigat naman nito Cha," angal nung isa.

"Umaangal ka ba? Sige wag mo na 'kong ihatid," I was about to get my things when his words stop me.

"Nag-aalala lang naman ako sayo. Babae ka tapos ganito kabigat yung dinadala mo."

Di nalang ako sumagot at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Konting konti nalang talaga at maniniwala na akong sincere siya. Few minutes after, nakarating na kami sa bahay.

"Pasok ka muna," yaya ko sa kanya. Di naman ako rude. Kahit man lang painumin ko muna siya bago pauwiin.

Pumasok na kami at naabutan namin si Mama na naghahanda ng pagkain. Oo nga pala, nakalimutan kong nandito si mama. Baka kung ano pa isipin niya.

"Oh may kasama ka pala," gulat na sabi ni Mama. First time kasi ito na nagdala ako ng kasama pauwi, what do you expect? I'm a bully and brat sa mata ng mga tao. I don't have any friends.

"Anong pangalan mo?" tanong ni Mama.

"JC po Ma'am," magalang na sagot nung kupal. Hays, dagdag points to kay Mama.

"Tita Joyce nalang itawag mo sakin. Tara saluhan mo kami ni Cha sa pagkain"

I knew it, sabi na eh! Yayayain niya yan kumain tapos magkukwentuhan sila about him, school, and me. Ang mahirap pa diyan, baka gawan pa kami ng issue ni mama.

Habang kumakain ay silang dalawa lang ang nag-uusap. Yeah right, ako yung outsider. Ako yung hindi anak. Sige! Huwag niyo akong pansinin, okay lang ako dito.

Pero in fairness, ngayon ko nalang ulit nakita si Mama na ganyan kasigla kapag nakikipag-usap sa ibang tao. Thanks to my Pet.

"Pet, di ka pa uuwi?" singit ko sa pag-uusap nung dalawa, hapon na kasi baka pagalitan sya.

"Oo nga pala, Tita Joyce kailangan ko na pong umuwi, don't worry dadalaw po ulit ako."

"Ganun ba? Sayang naman. Pwede ka bang bumalik bukas? Kwentuhan ulit tayo." nakangiting sabi ni Mama.

Patay tayo dyan, araw-araw na tong kupal na to dito. Well, okay lang din naman at least masigla si Mama. Baka sakaling malimutan na niya ang mga mapapait na alaala.

Lumabas na kami ni Pet at hinatid ko sya sa may sakayan. Siguro hindi naman masama kung susubukan kong isipin na totoong pakikipagkaibigan ang intensyon niya sakin.

Darating ba siya sa puntong gusto niyang bumalik sa amin para makipagkwentuhan kay mama kung naglalaro lamang siya? Sa tingin ko hindi. Pero kung magkamali man ako, at least sinubukan kong makipagkaibigan.

"Pet, thank you ah!"

"Wala yun, My Gorgeous Master," nakangiting sabi nya.

Bigla akong napangiti din na siyang ikinagulat ko. Bakit biglang hindi ako nainis o naasiwa sa pagngiti niya?

"Ngumiti ka," gulat nyang sabi.

"Ha?"

"Napangiti kita, so friends?" tanong nya habang nakalahad ang kamay.

Wala namang masama kung susubukan ko kaya ngumiti ulit ako at inabot ang kamay nya "Friends."

(READ ( ˘ ³˘)♥ VOTE ( ˘ ³˘)♥ COMMENT)

Bittersweet Memories (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon