Chapter Fifteen: The Unexpected Break-Up

168 22 10
                                    

Charlyn's POV:

*Recess Time*

Lumabas na kami ni Nhinz at Jet ng classroom para pumunta sa canteen. Makikipag-ayos din ako kay Marco, di ko kasi kayang may tampuhan kami. Isa pa pala, napapansin ko din na parang lagi ng nag-aaway sina Jet at Nhinz. Ano? Sumasabay sila ganun??

Pagkadating namin ng canteen ay nagdilim na naman ang paningin ko. Si Marco kasi … katabi nya naman si Hazelle, nagtatawanan sila. Mukhang ang saya-saya ni Marco. Ganyan din naman sya sakin eh! Kaya lang, dati pa yun.

Simula nung maging kami which is 7 months ago, naging sobrang saya ko at parang sa kanya lang umiikot ang buhay ko. August 3, napaka-espesyal ng date na yan dahil yan ang araw kung kailan ko sya sinagot.

Ang saya namin sa mga unang buwan na magkasama kami until January 27 came. Saktong araw na yan, napapansin ko na parang nagbabago si Marco, yan din ang araw kung kailan naging 'BESTFRIEND DAW' sila nung Hazelle.

Nung naging close silang dalawa, parang nabawasan na rin yung time nya sa akin. Puro Hazelle nalang ang bukang bibig nya sa tuwing pinapa-kwento ko sya about sa nangyayari sa kanya.

Alam ko naman na dapat wag akong mag-isip ng masama tungkol sa kanya. Binigyan nya ko ng closure na 'NEVER NYA KONG IPAGPAPALIT AT LOLOKOHIN DAHIL MAHAL NA MAHAL DAW NYA AKO!' Syempre, pinaniwalaan ko sya, mahal ko eh!

Napa-buntong hininga nalang ako at umupo sa tabi ni Nhinz. Si Jet naman ay bumili ng kakainin namin.

"Hon" napa-lingon naman ako bigla dahil narinig ko si Marco na tinawag ako.

Kumunot naman ang noo ko nang makitang naka-upo parin si Marco sa tabi ni Hazelle at naka-ngiti pa ito.

"Hon, puntahan mo na kaya si Charlyn. Baka kasi nag-nga-ngawa na yun kasi 'di mo sinundo" tatawa-tawang sabi nung Hazelle.

A-ano daw? HON??? Pucha, ano bang nangyayari??? M-meron ba silang relasyon? Niloloko ba 'ko ni Marco?? Ang kapal naman ng mukha nya.

"Wag na Hon, hayaan mo sya mag-isa. Bagay lang yun sa kanya" sabi ni … M-marco???

A-ano daw??? Bagay lang sakin mag-isa??? Huh! Coming from him????

"Poor little girl" yan yung sabi ng malanding Hazelle at ang 'di ko matatanggap ay bigla nyang hinalikan sa labi si Marco. Smack lang sya pero PUCHA!!! Ako nga, di ko pa nagagawa yun kay Marco, to think na girlfriend ako.

Lecheng luha, sunud-sunod nang umaagos palabas ng mga mata ko. S-si Marco … si Marco na 'MAHAL KO!' … si Marco na 'MAHAL DAW AKO' … si Marco na 'BOYFRIEND KO!' … si Marco Rey Santillan … p-pinagpalit na ko.

"Bebe? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Nhinz.

"Sa labas nalang tayo kumain Bebe" yaya ko sa kanya sabay tayo at walang lingon likod na naglakad palabas ng canteen.

Feeling ko, anytime matutumba ako. Nanghihina ang mga tuhod ko. Nanlalabo na rin ang mga mata ko dahil sa luha. Yung lakas ng katawan ko bigla nalang naglaho.

Yung mahal ko … yung unang lalaking minahal ko ng totoo … yung lalaking nagparamdam sakin na may nagmamahal sakin bukod sa nanay at bestfriend ko … yung lalaking pinagkatiwalaan ko na hindi ako sasaktan tulad ng ginawa ng tatay ko …

Bakit?? Bakit kailangang saktan nya 'ko??? Ano bang nagawa kong kasalanan?? Dahil ba minsan nagsusungit ako? Dahil ba minsan wala akong time? dahil busy din naman ako tulad nya. Dahil ba hindi ko syang magawang halikan? dahil ang katwiran ko ay bata pa kami para dun.

Ang sakit!!!! Bakit kailangan ganito kasakit???

"Bebe!" sabay hawak sakin ni Nhinz sa beywang.

Umupo naman muna kami ni Nhinz bago ko sya yakapin at ibuhos lahat ng luhang meron ako. Hindi ko na kasi kayang pigilan pa.

"Bebe! Okay lang yan. Sinapak ko na yung pagmumukha nung gag*ng Marco na yun. Sinampal ko rin yung Hazelle" lalo lang akong napaiyak sa sinabi ni Nhinz, bestfriend ko talaga sya.

"Bebe, tama na yung iyak. Papangit ka lalo, sige ka! Yung ilong mo kamatis na pati 'yang pisngi mo puputok na sa sobrang pula at 'yang mata mo, singkit na nga lalo pang sisingkit" sabi nya at napansin kong basag na yung boses nya, meaning umiiyak na rin sya.

Nag-angat na 'ko ng ulo mula sa pagkaka-subsob sa balikat nya. Sumi-singhot-singhot pa 'ko habang nagsasalita.

"B-bebe, ma-mahal ko si Marco …" at humagulgol na naman ako.

"Wag ka ng umiyak, mukha kang tanga. Lalaki lang yan Charlyn, wag mong panghinayangan"

"Bakit ka ganyan Bebe? Parang 'di mo ko ma-gets. Mahal ko nga si Marco at ayoko syang mawala"

"So ano? Magpapaka-martir ka? Harap-harapan ka ng niloloko mahal mo parin? Masokista ka na?"

"Pero, B-bebe …"

Sinampal ako bigla ni Nhinz. Para namang nawindang ang buong sistema ko.

"Oh ano? Gising ka na ba? Kung hindi pa, pwede ko namang uli --"

"Gising na ko Bebe, grabe ka sino ba talagang kaaway mo?? Ang sakit mo manampal" sabay hawak ko sa pisngi ko.

"Kaaway ko 'yang katangahan mo Charlyn. Kapag 'di mo yan itinigil, mamamaga lalo 'yang mukha mo"

"Bebe, alam kong alam mo na masakit 'tong pinagdadaanan ko" medyo humihikbi-hikbi pa 'ko.

"Alam ko yun Bebe, ang ayoko lang kasi ay magmukha kang tanga lalo na sa harapan nung dalawang kumag na yun!"

"So? Meaning b-break na kami?" napa-iyak na naman ako dahil dun.


Tiningnan naman ako ng masama ni Nhinz at naka-amba na yung kamao nya para suntukin ako.

"Biro lang, haha. Ikaw talaga ang pikon mo, sabi ko nga break na kami" tumingin naman ako sa taas para pigilan 'tong mga luha ko.

"Makakahanap ka rin ng iba. Wag kang mag-alala, di mo 'to kawalan okay?"

"Okay" at tinulungan na nya 'ko tumayo. Dumiretso na kami sa classroom dahil tapos na yung break time.

Umupo na 'ko at dumating naman kaagad yung teacher namin. Nag-lesson lang sya pati na rin yung ibang teacher na sumunod sa kanya. Usually, isa ako sa mga nakikinig pero ngayon parang lutang ako, walang pakiramdam.

March 13. Tatandaan ko 'tong araw na 'to. 2 days after nung Field Trip. Araw kung kailan nabasag ulit ang pagkatao ko. Araw kung kailan harap-harapan 'kong nakitang niloloko na pala ako.

I feel like dying. Just because of that jerk, nagkaka-ganito ako. Hindi 'to pwede, matapang akong babae. Kaya kong maka-move on.

'Pag dumating na yung araw na naka-move na 'ko, WHO YOU SILANG DALAWA!!!


'Di ako papayag na wala akong gagawin. Masama man 'tong binabalak ko pero pucha! Gaganti ako! Gagantihan ko sila sa panloloko nila sakin.

Tingin ko, simula nung naging mag-'BESTFRIEND' daw sila, umpisa na yun ng ka-traydor-an nila. Huh! So ganun na pala katagal. Almost 2 months na pala akong nagpapaka-tanga.


I smirk by that thought. Masakit maloko pero mas masakit ako gumanti.


(Keep Supporting Charles812's Stories. Thanks!)

Bittersweet Memories (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon