Chapter Four: Separate Paths

232 31 25
                                    

Charlyn's POV:

"Master, may susuotin ka na ba para sa graduation party natin?" pambungad na tanong ni JC.

"Wala pa eh," sagot ko.

"Okay lang ba na sabay na tayo bumili?"

"Hmm, pwede naman. Pasama nalang tayo kay mama," suhestiyon ko.

"Oo nga, ayos yun."

Pupunta na naman kami ng mall. Maaalala ko na naman yung unang beses na pumunta kami doon. Tinutukso pa ako ni mama na para daw kaming magkasintahan na nagde-date.

Natatawa na naaasar ako dahil doon. Lalo tuloy akong nagkagusto sa kanya dahil sa panga-asar ni mama.

"Master tara na," yaya ni JC.

"Saan?"

"Sa mall. Papunta na si Tita Joyce dito."

"Nakapagpaalam ka agad?"

"Yup," at eto na naman siya, nakangiti.

Sandali lang ay dumating na si mama. Hinatid niya kami sa mall at iniwan din para daw magkaroon kami ng moment. Tingnan mo nga naman talaga siya.

"Master, unahin na nating bilhin yung sayo."

"Uh, wala pa kong maisip na bibilhin eh. Yung sayo muna."

"Sure ka ba?" tumango naman ako. "Sige sa bench muna tayo."

Sumang-ayon naman ako at nagtungo na kami doon. Medyo kabisado na namin itong mall kaya hindi na kami nahirapan hanapin yung store.

Pumasok na kami ng Bench at nagsimulang mag-ikot ikot. Maya maya pa ay kinulbit ako ni JC at may ipinakitang blue polo shirt na may maliit na polka dots.

"Ano sa tingin mo Cha?"

"Sukatin mo kaya," suhestiyon ko.

Tumango lamang siya at dumiretso sa fitting area. Sandali lamang ay lumabas na ito. Ayoko ipahalata pero bagay na bagay sa kanya yung polo.

Hindi athletic ang build ng katawan ni JC. Siguro dahil ang bata pa namin.

"Hmm, okay na rin."

"Sige bibilihin ko na ito."

"Sigurado ka?"

"Oo naman," ngumiti siya at nagtungo na sa counter.

Pagkatapos niya magbayad ay tinanong niya ako kung saan ako magtitingin ng damit. Wala akong maisip kaya nagbigay siya ng suggestion na pumunta daw muna kami sa Cinderella.

"Master, magde-dress ka ba?"

"Pwede rin naman. For a change?" naisip ko na rin yan na mag-dress ako. Special naman ang okasyon.

"Nice nice."

Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero nalulungkot talaga ako sa darating na graduation. Mapapalayo kasi ako kay JC.

Nang makapasok kami ng store ay pumukaw agad sa akin yung nakasuot sa mannequin. Lumapit agad ako sa saleslady kung mayroon ba sila nung size ko. Luckily, meron sila.

"Isusukat ko lang to Pet."

"Sige Master, antayin kita dito sa labas."

Pumunta na ako sa fitting room at isinuot yung dress. Color blue siya, katulad nung binili na polo ni JC. Off-shoulder din siya tapos may split skirt at pa-peplum ang design.

Lumabas na ako ng fitting room at isang nakangiting lalaki ang sumalubong sa akin.

"Ang gorgeous mo talaga Master," papuri niya sa akin. "Bilihin mo na iyan."

Bittersweet Memories (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon