Chapter Thirteen: Field Trip Part II

171 20 10
                                    

Charlyn's POV:

"Enchanted Kingdom is hart hart!" sabi ko.

"'Di ka naman masyadong excited hon" naka-ngising sabi ni Marco.

"Paki mo ba!" back to being mataray ulit ako. Huh! Kasalanan nya yun. Kanina kasi sa may pagawaan ng noodles, nakita ko syang kalandian si Hazelle.

Nakoooo! Nakakagigil silang dalawa. Ang landi nila pareho!!! May pahampas-hampas pa sa brasong nalalaman yung Hazelle na yun, kala mo maganda -_- mas maganda naman ako sa kanya no!!

Nakaka-badtripppp!!!

"Ba't ba ang sungit mo?" halata na ang irita sa boses nya.

"Itanong mo dun sa haliparot na humahampas ng braso mo habang tumatawa na akala mo kagandahan, eh mas maganda naman ako!!"

"HAHAHAHAHAHA!!!" biglang tumawa ng malakas si Marco, buti nalang nagkakantahan 'tong mga tao dito sa bus kundi napagtinginan na kami.

Problema ng kumag na 'to??

"Hon, nagseselos ka ba kay Hazelle?" tanong nya bigla habang tumatawa mg bahagya.

"Ano? Ako?? Nagseselos??? Kay Hazelle???? AKO TALAGA?????" Fvck! I'm not jealous!!!

"It's obvious hon" sabay kindat nya.

Obvious ba talaga??? 'Di naman ah! Sadya lang talagang magaling manghula 'tong si Marco, siguro kamag-anak nya si Madam Auring.

"Ewan ko sayo" sabay tingin sa may bintana. Dun kasi banda ang pwesto ko.

Yumakap naman bigla si Marco, a back hug. The sweetest hug para sakin. I really love it!!!! Hoho! Sige na, makikipag-bati na 'ko!!!

Lumingon ako sa kanya at medyo nag-puppy face.

"Sorry hon sa pagsusungit ko"

Ngumiti naman sya sabay sabing "It's okay hon, sanay na 'ko sayo but please next time, wag basta magseselos okay?"

"Pa'nong 'di ako magseselos eh ---"

"Yan ka na naman hon" pinanliitan naman nya 'ko ng mata, yay! ang cuteeee!!!!

"Nandito na tayo class!" masiglang sabi ni Mr. Pangilinan. Nagsimula naman maghiyawan ang mga tao dito, pa'no ba naman nakarating na rin kami sa wakas sa ENCHANTED KINGDOMMMMMM!!!!!

Whooo! First time ko dito at ang mas masaya pa eh --- Kasama ko ang Bestfriend kong si Nhinz at syempre ANG MAHAL KONG BOYFRIEND, si MARCO!!!!

"Class, I'm sorry to tell you pero sabi ng management ay bawal daw magdala ng pagkain o kahit inumin sa loob ng EK, so I suggest na kumain na muna kayo" balita samin ni Ma'am Hipolito.

"Awwww, sayang naman" reklamo ng mga kapwa ko estudyante.

"Bebe, kain na muna tayo! Hintayan tayo ah para sabay sabay tayo" si Nhinz.

"Sure Bebe" ngiting sabi ko.

Kumain na muna kami ng kanin at ulam. Bumili naman kanina si Marco ng Fries at Burger nung mag-stop over kami kaya yun ang kinakain nya.

"Wala ka bang baon na kanin?" tanong ko.

"Meron" tipid nyang sagot.

"Nasaan na? Ba't 'di mo nilalabas?" meron naman pala syang baon eh bakit bumili pa sya ng fries at burger? Adik talaga!!!

"Wag na, para kasi sayo yun. Alam ko kasing mamaya gutom ka na" naka-ngiti naman nyang sabi.

"Awww, ang sweet naman" naiiyak tuloy ako, shetttt!!!!

Bittersweet Memories (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon