Chapter Twenty-Three: Confused

44 2 0
                                    

Charlyn's POV:

Nakakainis talaga, bakit kasi kailangan pang i-bring up ni mama yung issue kay papa. Dagdag pa tong si Nhinz, mukhang mainit ang ulo.

Ang sakit na ng ulo ko, makakain na nga lang. Habang kumakain ako ay biglang may nagtext sakin.

From: 0930*****03
I want you back.
I love you.

Ano daw?? Want me back?? I decided to ignore the message. Baka mamaya nangtitrip lang.

After ko kumain ay nagtoothbrush ako sabay alis na ng bahay. Medyo malayo ang Festival Mall sa bahay kaya kailangan kong bumiyahe ng mas maaga.

Nakarating ako ng 12:30 sa Festi (Festival Mall) so I decided na dumaan sa National Bookstore.

Nagtitingin-tingin ako hanggang sa makita ko yung gusto kong book. The School for Good and Evil mabibili din kita. Mag-antay ka lang.

Dahil nakakahiya namang lumabas ng NBS nang walang binibili, humanap nalang ako ng magandang ballpen at binili ito.

Timecheck: 1 pm

Nasaan na kaya yung mga bruhang yun? Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Nhinz.

The number you have dialled . . .

Aish! Si Cess naman ang tinawagan ko. After ilang ring ay sinagot na nya ito.

"Hello Bessy, nasan na kayo?"

"Sorry Bessy pero malelate kami ni Ambal."

"Sinong Ambal?"

"Si Nhinz. Sige na ibababa ko na 'to."

"Wait - "

Teka, wala na kong maintindihan sa mga nangyayari. Una yung panaginip, tas yung pag-bring up ni mama sa issue, tas yung pag-init ng ulo ni Nhinz at yung pagmamadali ni Cess.

Naguguluhan na talaga 'ko. Ikakain ko nalang to. Haha! Ang takaw ko. Pumunta nalang ako sa Mcdo at umorder ng cheeseburger.

Hindi ko alam kung anong meron pero ang daming tao sa Mcdo tapos ang sabi nung cashier ihahatid nalang daw ang order ko. Naghanap nalang ako ng mauupuan at tiyempo may isang vacant seat.

Saktong pagdating ko ay sya namang dating din ng isang lalaki. Pareho kaming nagulat at napatitig sa mata ng isa't-isa. Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa kanya.

"Sorry this seat is taken." sabi ko sa lalaki.

"Hindi ba pwedeng share tayo? Wala na kasing vacant seat."

"Ayoko. Hindi ako nakikishare ng upuan sa manloloko."

"Cha, please."

Sasagot na sana ako nang biglang dumating ang order ko at ang order nya. Kainis no choice, kasabay ko 'to kumain.

Kumain nalang ako ng tahimik at di sya kinikibo kahit na daldal sya ng daldal.

"Kausapin mo naman ako oh."

" . . . "

"Cha please. 'Di mo parin ba 'ko napapatawad?"

" . . . "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bittersweet Memories (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon