Daniel's POV:
Naglalakad ako kami ni Julia sa mall ay napatigil ako at pinakatitigan ko yung dalawang pamilyar na pigura sa di kalayuan. Tama ba? Nakikita ko ngayon si Kath... kasama si ALBIE?!
Paanong di ko mapapansin eh kalaki nung blue na bear na hawak nito at nakikipagtawanan pa siya kay Albie.
Bakit sila magkasama sa mall at ang sweet sweet nila?
Sila na ba?
Kailan pa?
Anong oras?
Habang nag-iisip pa ako, hinila ako ni Julia B. papalapit sakanila. May date kasi kami. Ohhh date nga ba? Taga-bitbit lang ako ng mga pinamili niya sa Forever 21 at sa kung san san pa. Sobrang adik nito sa dami at ayaw umulit.
Nakita ko na nakatingin si Julia B. sa kung nasan sina Kath at Albie, agad niya akong hinila papunta dito.
"Teka lang!" protesta ko, pero nakalapit na kami. Ganun kabilis niya akong hinila!
"Hello Kath... Hello Albie!" bati ni Julia B. sakanila.
"Hello Julia!!! Bakit nandito kayo?" tanong ni Albie at medyo hinila papalapit sakaniya si Kath. Tsk.
Bakit? Kayo lang ba ang pwedeng magmall dito? Kayo lang ba ang pwedeng magdate?!
"Kasi may date kami ni Daniel! Kayo ni Kath?" sabi ni Julia at nahuli ko siyang tinaasan ng kilay si Kath.
Nagkibit-balikat lang si Albie. "Date din..." sagot nito.
So tama ako? Date talaga. KAASAR naman oh!!! Bakit pumayag si Kath?
Bakit ba ako apektado?
Kausap ko nanaman sarili ko... Hay!
"Albie! Nagugutom na ako, tara kain na tayo?" sabi bigla ni Kath. Kung makapagshorts naman ang isang 'to wagas. Sobrang ikli =___=. AHHHHHH!!!! Not a morning person pala ah?
Ano ba sakin kung anong suotin niya?
"Ako din eh." tumawa si Albie at humarap kay Julia B. "Pano ba 'yan? Gutom na yung KADATE ko." diniinan niya yung word na KADATE.
Kailangan idiin yung KADATE?
Nang-aasar ba 'to?
Bakit ba naasar naman ako?
Pumalakpak si Julia B. "Sakto! Gutom na din kami! Tara sa Starbucks. My treat!" magiliw na sabi ni Julia B. sakanila.
"Uhmmm. Ano sa tingin mo Kath?" tanong ni Albie kay Kath.
Tumango naman si Kath
Ang date namin, naging double date
****
[Starbucks]
"Anong order niyo?" tanong ni Julia. At sinabi na namin Mocha frap sakin tapos yung sa dalawa ay Choco Chip. Umorder na din kami. Nakaupo kami sa pang-limahan. Kasi naman yung bear ni Kath, napakalaki. Mas malaki pa sakaniya.
"Ang cuuuuuuuuuuute naman niyan Kath! Binili mo?" pag-iintriga ni Julia B. Biglang nagblush yata si Kath? Mukha siyang nahiya sa pagpansin dun sa bear na yun.
"Binigay ni Albie..." bulong nito. ALBIE. ALBIE. ALBIE. Puro nalang Albie! Pagbuhulin ko sila ehhh =___=
"Daniel, bakit mo ginaniyan yung tissue? Kawawa! HAHAHAHA." sabi ni Albie tapos tumawa siya. Napatingin ako sa nalamutak kong tissue. Kawawa nga...
Bakit ko naman ginanito yung tissue?
Anyway, napansin ko isang BLUE na BEAR yun. BLUE BEAR?! Bakit hindi man lang nag-rereact itong si Julia B? Sana man lang sabihin niya.
"Blue Bear? Blue Bear si Daniel ^____^"... Pero hindi eh.
"Ahem ahem..." nagparinig ako kay Julia B.
"Anong meron sa'yo Daniel? May sakit ka ba?" imbes na mapansin na nakatingin ako sa BLUE BEAR ni Kath, tinanong ako kung may sakit ako... Di na niya maalala? Agad agad?!
Umiling ako at nanahimik nalang. Dumating na yung order namin at nagsimula kaming kumain...
Tahimik na sana nung biglang nagsalita si Albie.
"Kath... Alam ko na yung gusto ko." sabi nito.
Anong gusto? O_____O
"Ano iyon Albie?" tanong ni Kath.
Ano ba! Gulong gulo na ako dito ahhhh!

BINABASA MO ANG
Textmate [Kathniel]
Hayran KurguOne wrong send that leads to one great love story. This is Blue Bear and Ms. Loner's story :) (started writing this story when I was in 3rd year high school. I'm sorry for errors and typos! Hello to my friends Bert, Rafael and Lette who inspired me...