Huhu after ilang days naayos din yung signal. Sorry po ulit at ito na!!!!
******
Kathryn's POV:
Napagdesisyunan naming pupunta ako sa address na sinabi ni Julia B sakin habang ang mga pulis naman ay patagong lulusubin yung nasagap naming location niya sa ibang lugar. Sa maikling panahon ay nakapagformulate kami ng isang safe na plano. All set na ang lahat para sa plano namin para iligtas si Mommy Min.
Maiiwan sina Enrique at Julia M sa head quarters ng mga pulis para bantayan kung gumalaw ba yung signal ni Julia B. Sina Sofia at Khalil naman ay nakatutok sa GPS ko kung sakaling may masamang mangyayare maririnig nila sa kinabit na device sakin. Si Daniel na kanina pang nagpupumilit sumama ay ang naging in charge bigla sa pagmomonitor ng pag galaw ng mga pulis.
"Kath.. mag-iingat ka. Hindi ka nag-iisa ngayon, dala dala mo na din ang anak niyo ni Daniel" sabi ni Julia M. sakin. Tumango naman ako at niyakap siya.
"Mag-iingat ako Sis.. salamat" maluha luha na sabi ko.
Ngayon gumapang ang takot sakin isama mo pa ang mood swings na nararamdaman ko tuwing naiisip ko ang mga posibilidad na mapahamak kaming pareho ng anak ko. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako maduduwag, hindi gaya dati... pero bakit ganun? Masama talaga ang kutob ko sa mga mangyayare. Knowing Julia B... hindi siya ganun kadaling basahin.
Pagkatapos nila akong kabitan ng mga kung ano anong device ay sumakay na ako sa sasakyan na pinahiram sakin ng mga pulis. May mga nakalagay din na tracking device dito. Kinuha ko naman yung Swiss knife na nasa likod ng sasakyan pagkatapos ay nilagay ko na ito sa bulsa ko.
Nilabas ko yung rosaryo na laging nasa bulsa ko and I uttered a silent prayer.
Lord, protektahan Niyo po ang mga mahal ko sa buhay. Sana po ay maging maayos na ang lahat pagkatapos nito at sana po tama ang mga naging desisyon ko. Amen.
Pumikit ako ng mariin bago pinaandar ang sasakyan. Malayo layo ang address na binigay sakin ni Julia B, at alam kong di safe para sa buntis ang magmaneho ng matagal kaya laking pasasalamat ko ng may nakainstall na automatic drive ang sasakyan na ito.
Sa kalagitnaan ng biyahe ay tumunog ang phone ko. Ito nanaman yung number ni Julia B.. Nagsend ako agad ng signal kina Enrique patungkol sa tawag na ito at kinonekta ko ito sakanila. Sila ang bahala sa pagrerecord ng mga sinasabi ni Julia B. para pag nahuli namin siya ay madali na siyang maipakulong. Pwede kasi siyang magpanggap na wala sa tamang pag-iisip at lusutan nalang kami pag nagkataon.
"H--hello" sabi ko dito. Muli kong narinig ang halakhak ni Julia B.
"Hello Kathryn.. bilis bilisan mo bago ko pa pasabugin ang mukha ng nanay mo!"
Narinig ko ang pagtawag sakin ni Mommy Min sa kabilang linya. Naririnig ko ang paghagulgol niya at ang pagsabing wag na lamang akong tumuloy. Bumuhos ang mga luha ko dahil may pagbagsak akong narinig. Anong ginagawa niya sa nanay ko?!
"Julia.. papunta na ako.. papunta na ako" nanghihinang sabi ko.
Huminga ako ng malalim dahil parang gusto ko nanamang sumuko, gusto ko nanamang tumakbo. Pilit kong pinaalala sa sarili ko na magpakatatag pero kaunting ganito lang ni Julia B. ay natatakot nanaman ako. Buhay na ang usapan dito at mas gusto ko pang ako nalang ang kunin niya kaysa kay Mommy Min na inosente.
"BILISAN MO TANGA! Kung ayaw mong pira-pirasuhin ko ang nanay mo." tinapos ni Julia B. ang tawag.
Humawak ako sa tiyan ko para kumuha ng lakas ng loob. Iniisip ko ang hinaharap kapag nalagpasan namin ito. Isang masayang buhay kasama si Daniel at ang anak namin. Pagkatapos ng lahat ng ito ay pinangako ko sa sarili ko na magpapakalayo na muna kami. Malayo sa nakaraan na pilit naming binabaon sa limot, malayo sa mga tulad ni Julia B na gusto lamang ang maghiganti..
BINABASA MO ANG
Textmate [Kathniel]
FanfictionOne wrong send that leads to one great love story. This is Blue Bear and Ms. Loner's story :) (started writing this story when I was in 3rd year high school. I'm sorry for errors and typos! Hello to my friends Bert, Rafael and Lette who inspired me...