Chapter 21 pt. 1 ♡

79.8K 1.2K 30
                                    

Albie's POV:

Ngayong araw na 'to ay nilakasan ko ang loob ko para ayain si Kath sa isang date. Matagal na kasi akong nagpaparamdam sakaniya na may gusto ako sakaniya at alam naman niya na nililigawan ko siya.

It's time to man up.

Sabi nga nila ay YOU ONLY LIVE ONCE.. kaya kukunin ko na ang chance para makasama siya sa isang date.. at sana pumayag siya.

"Kath, date naman tayo" naglakas ako ng loob na pumunta sakanila at ayain sya sa isang date. Sayang nga at hindi ko dinatnan yung Mommy niya eh, tingin ko pa nga ay mag-isa ito ngayon.

Napatulala siya at nag-inat muna at parang nag-iisip ng tahimik. Nagdasal naman ako na sana pumayag na siya.

"Osige. Saan ba?" biglang sagot nito. Napatulala muna ako at pinroseso ng utak ko yung sinabi niya.

Osige. Saan ba?

Osige. Saan ba?

Osige. Saan ba?

PUMAYAG SIYA? Gising ba ako o panaginip lang ito? Sinampal ko ang kanang pisngi ko at kinurot ko ang kamay ko. Baka kasi bigla akong magising sa bed ko eh!

Eh nagawa ko na ang lahat... so ibig sabihin nga ay totoo ito!

Thank you Lord!

Nagsnap siya ng kamay sa harap ko. "Uy Albie! Napatulala ka diyan? HAHAHA. Wait bihis lang ako ahhh? Upo ka muna dun sa sala" ngumiti pa ito.

Niyakap ko pa nga siya yung mabilisan lang.

Napansin ko kasi sa mga nagdaang araw ay hindi na kami awkward sa isa't isa. At kahit alam niyang nililigawan ko siya ay mabait pa din sya sakin kahit minsan ay iniiwasan niya ako ay ayos lang!

PARA AKONG NANALO SA LOTTO!

Tumalikod siya at nagsimulang maglakad paakyat, nandun siguro yung kwarto niya

Ako naman umupo at hinintay ko siya. Nakarinig ako ng footsteps at nakita ko siya. Naka-simpleng statement shirt at shorts siya.

Yung nakalagay sa shirt ay "I'm not a morning person" HAHAHA.

"Tara na Albie?" pag-aaya nito. Tumayo ako na ako at nag-ayos ng buhok tapong nginitian ko siya at inoffer ko yung kamay ko.

"Sige Kath..." I escorted her to my car.

*****

"Shoot!!!" masayang sabi ni Kath.

Nagbabasketball kami at guess what? Ang galing pala niya? Pero napansin kong mabilis siyang pinagpapawisan at baka hikain siya kaya pinatigil ko na siya at binilhan ng tubig at binigyan ng panyo.

"Kath! Ilan na ang points mo dito sa Timezone?" tanong ko. Siguro lagi siya dito kaya ganun siya kagaling sa basketball. Kailangan lang niyang magCardio training para hindi siya agad hikain.

Nagkibit-balikat lang siya pagkatapos matapos nung game niya. "Wala man akong card dito eh. Nakikigamit lang ako. Kagaya ngayon!" humalakhak ito

Napa-nganga ako. TALAGA?

Mas na-amaze ako sa sinabi nito.

Napunta kami sa mga prizes. Nakatingin lang si Kath dun sa malaking BLUE NA BEAR.

"Gusto mo iyon?" tanong ko. Madami kaya akong points dito. Laking Timezone ako pag nagcucut ako.

Shhhh secret lang!

"Sana..." bulong nito. Bigla siyang nalungkot. Siguro gusto niya talaga yung bear na 'yun.

Lumapit ako dun sa Ate. "Ilang points po ba yung Blue Bear na yun?" at tinuro ko.

"25,000 points po Sir." sabi nung Ate. Napangiti ako.

"Uy Albie!!!" inalog ako ni Kath. "Wag na. Tara na. Imposibleng makuha natin 'yan. Kami nga ni Julia kahit lagi dito nakaka600 palang kami."

Hindi ko siya pinansin at nakangiti pa din ako. Pina-swipe ko yung card ko. And guess what kung ilan yung points ko?

47,260 points!!!

Hahaha!!! Napatulala yung mga tao samin. Kasi naman isa sa mga major prize yung bear na iyon.. at sa points ko pwede pa akong makakuha ng isa pa yung 20,000 na mas maliit na bear.

"Ate, gusto ko po 'yun." pagkasabi ko nun, inabot na sakin nung Ate yung Blue Bear at binigay ko kay Kath.

"Anything else Sir?" tanong ni Ate. Halaaaa. Balak yatang ubusin points ko. Umiling nalang ako at kinuha yung card ko.

Lumabas na kami sa Timezone kasi nga pinagtitinginan kami eh. Sa laki ba naman ng bear na hawak ni Kath ay siguradong nakaka-agaw ng pansin yun!

*****

Naglalakad kami ngayon ni Kath at masayang masaya siya habang dala dala yung Blue Bear.

"Hindi ka ba nahihirapan diyan Kath?" tanong ko. Mas malaki pa sakaniya eh.

Umiling ito. "Hindi Albie. Uyyy. Thank you talaga!!! Ano ba magagawa ko para mapasalamatan ka?"

Ano ba magagawa ko para mapasalamatan ka?

Hmmmmm. Ano nga ba? :)))

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon