Chapter 47 ♡

26K 567 54
                                    

Ang bagal ng internet dito samin, sorry!

*******

Kathryn's POV:

Huminga ako ng malalim habang tinipon ko sila Enrique, Julia, Khalil at Sofia. Si Daniel ay nasa kanan ko. Lahat sila ay mataman na nakatingin sakin. Nandito kami sa isang bakanteng kwarto sa bahay namin ni Daniel. Sandali akong pumikit at nagsimula na akong magsalita.

"May.. gusto akong aminin sainyong lahat." panimula ko.

Tumango sila, hinihintay ang mga salita na isasatinig ko ngayon. Nakakabingi ang katahimikan at hindi ko alam ang mararamdaman nila, dahil pagkatapos kong masabi ito ay damay na sila. Damay na kaming lahat. Humawak ako sa kamay ni Daniel para kumuha ng lakas ng loob.

"Tungkol 'to kay Julia Barretto" nilabas ko ang laptop ko at kinonekta sa projector.

Ramdam ko na ang tensyon dahil naalarma at naging balisa na sila pero tahimik pa din. Nagpapasalamat naman ako at tahimik pa sila.. baka kasi magpanic din ako pag nagpanic na sila. Sa totoo lang ay habang nakaupo sila ay nanghihina na ang tuhod ko. Pakiramdam ko konting pitik nalang ay mapapaluhod ako at mapapahagulgol. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyare.

"Si.. Julia B.. nagpakita siya sa kasal nina Khalil at Sofia nung isang araw" pinakita ko sakanila ang mga nakunan sa CCTV na nasend sakin. Natagalan nga ito dahil sabi sakin ay kinonvert pa ang mga files. Pinadala ko naman ang bayad at pasasalamat ko dun sa guard.

"ANO?!" agad tumayo si Sofia pagkakita sa venue at ang paglalagay ni Bea Binene ng regalo sa may table. Pinakalma naman ito ni Khalil.

"Kinuha ko yung kahon... may laman itong litrato natin na may dugo." sabi ko.

Pinakita ko naman ang pagtingin ni Julia Barretto sa CCTV at ang nakakatakot niyang ngisi. Nang magsink-in sakanila ang lahat ay pinatay ko na yung laptop. Si Julia M ay napayakap kay Enrique, Si Sofia naman ay hindi makapaniwalang nakapasok si Bea Binene sa kasal niya!

"Ano..." pinisil ni Daniel yung kamay ko.

Wala pa din siyang maalala tungkol kay Julia B... ayaw ko na nga sanang ibring up sakaniya ito pero mukhang tadhana na ang gumagawa ng paraan para malaman niya ang lahat. Sa ayaw at sa gusto namin ay mahahalungkat ang mga ala-alang gusto naming ibinaon nalang sa limot. Baka pati si Albie ay kailangan ko na ding sabihin.

"SI Julia Barretto.. Siya yung babaeng patay na patay sayo nung college pa tayo Daniel. Madami siyang ginawa para makuha ka.. tapos nalaman namin na nagdadrugs pala ito at nasira ang utak niya dahil dito. Pinadala na siya sa mental institution noon pero mukhang nakalabas na siya.. ngayon naman ay gusto niyang makuha ka ulit. Gusto niyang maghiganti" nilabas ko yung note na binigay niya sakin. Nanginginig ang kamay ko. Naririnig ko ang boses niya sa utak ko.

"AKIN LANG SI DANIEL! AKIN LANG SIYA!"

Gusto kong umiyak ngayon na pero sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako pwedeng mahina gaya dati. Ayaw ko nang maging mahina... this time magpapakatatag na ako. Magpapakatatag ako para kay Daniel. Magpapakatatag ako para sa mga kabigan ko.. at magpapakatatag ako para sa buhay na nasa tiyan ko. Ang anak namin ni Daniel. Hindi siya pwedeng madamay dito dahil ni hindi pa niya nasisilayan ang mundo.

"WHAT?! Alam ba ito ng mga magulang niya!? Sino ang naglabas sakaniya!?" napatayo na si Julia M. Hawak niya yung note at naluluha na din. Kahit hindi kami kambal at kahit hindi kami magkapatid ay parang magkakonekta na din kami. Natatakot siya... gaya ng takot na nararamdaman ko.

Alam naming lahat kung anong pwedeng gawin ni Julia Barretto. Alam namin na may mga mata siya sa paligid. Alam niya ang lahat ng nangyayare samin.

"Kailangan na itong ireport! Kailangan na din nating makausap ang mga magulang niya tungkol dito, malamang ay dun lang yun nagtatago sa bahay nila. San pa ba siya pupunta?" sabi ni Sofia sabay kuha sa phone niya, hysterical na siya at humahagulgol na si Julia M.. pinigilan ko naman siya at naglabas ng panibagong note na nakita ko sa may gate namin. Nanlaki ang mga mata nila.

"Don't tell the police kung ayaw mong may pasabugin ako. We're not done yet -J.B"

See? Alam niya kung san kami nakatira..Nababasa niya ang mga sunod na gagawin namin. Alam niya na irereport namin siya... Hindi ko alam kung pano niya ito nagagawa pero nakakakilabot. Parang bilang niya ang bawat paghakbang namin.

"WHAT?! This is insane!" nakayakap na si Julia M. kay Enrique.

"M-may.. may isa pa akong aaminin sainyo" yumuko na ako at humawak sa tiyan ko. Ilang segundo lang ang nakakalipas ay niyakap nila ako agad. Umulan ng pabati sakin. Sina Julia M. at Sofia ay nilagay ang tenga nila sa tiyan ko at nagsusuggest na ng mga pwedeng pangalan.

"Tatay ka na Daniel! Bro! Nice!" sabi ni Enrique sa tulalang si Daniel. Si Khalil naman ay nakahawak sa magkabilang balikat nito.

"T--tatay na ako?!?!!? Daddy na ako!?!!?!?" eksaheradang sabi ni Daniel nang magsink-in sakaniya ang lahat. Nagtatalon siya at nagsasayaw. Kahit gano pa kagulo ang ganap ngayon ay natawa ako, hindi ko inaasahang ang reaksyon niya.

Niyakap ako ni Daniel at paulit-ulit na nagpasalamat. Tuluyan nang bumuhos ang luha ko. Naramdaman ko ang init ng katawan niya at yun lang ay sapat na para maramdaman kong protektado kami ng anak namin.

"Baby, see that? Ang saya ni Daddy oh" bulong ko sa utak ko.

Nang mahimasmasan na ang lahat ay nagsimula na kaming magbrainstorming ng mga pwedeng gawin laban kay Julia B... Una ay ang pagsesend ng CCTV video sa mga pulis bilang patunay sa mga masasamang ginagawa nina Julia at Bea.. Ang private investigator na hinire namin ay gumagalaw pa din at naguupdate samin. Mabuti nalang at nalocate ang tinitirhan ni Bea Binene at naghihintay nalang kami ng warrant of arrest para iraid siya sa bahay niya.

"Kath... kailangan niyo munang lumayo dito. Kailan niyo munang magtago, para na din kay Baby Padilla" lumapit si Julia M. sakin.

Naisip ko na ang magtago.. pero sa ngayon ay tingin ko mas delikado pag nagtravel kami. Baka mamaya ay pasabugin niya ang sinasakyan namin, that would be easy for her.

Umiling ako kay Julia M.

"Dito lang kami Sis.. Kung kailangang gamitin ako bilang patibong para mahuli si Julia B ay gagawin ko" pinagsiklop ko ang kamay namin ni Daniel.

Napalingon kami sa tumunog na telepono sa may gilid ni Enrique. Agad ko itong pinuntahan at nayanig naman bigla ang sistema ko. Sinagot ko ito at pinindot na din ang record tsaka niloudspeaker.

"Having a little meeting? Well... habang busy kayo diyan inuunti-unti ko naman ang mga mahal mo sa buhay... Magsisimula tayo sa ina mo, Kath" boses 'to ni Julia B. Narinig ko ang hagulgol ni Mommy Min sa background. Humihingi siya ng saklolo.

Nanlaki ang mata ko sa narinig...

"WAG ANG NANAY KO JULIA!!!" I was hysterical.

Hindi... hindi pwedeng madamay ni Mommy Min dito... Wala siyang kinalaman sa mga aksidenteng nangyare sa school dati. Wala siyang alam.. inosente siya!

"Tanga ka ba o di marunong bumasa? Sinabi ko kukunin ko ang mga mahal mo sa buhay... one by one.." humalakhak na parang baliw si Julia Barretto.. nangilabot kami at nabalot nanaman ng katahimikan ang paligid.

"Julia... Julia!" nagmamakaawa na ako sakaniya.

"One by one" ulit nito.

Nanginginig ang kamay ko habang sina Julia M. naman ay tumawag sa investigator namin at pinatrace kung san ang location ni Julia B.. Maya maya pa ay nasa isang abandonadong building pala ito. Ito yung building na nasunog kamakailan. Pumikit ako ng mariin nang makitang sumenyas si Sofia sakin na humingi na kami ng tulong sa mga pulis. Tumango naman ako pero tinaas ko ang isang kamay para sabihin na maghintay muna ito.

"A-ako.. ako n--nalang Julia.. AKO NALANG!" pinagpatuloy ko ang pag-arte ko. Hindi niya pwedeng malaman na may plano na kami. Hindi niya pwedeng malaman na huli na namin siya.

"Ikaw nalang? Wow! Jackpot! Pumunta ka dito.. mag-isa! Wag na wag kang tatawag ng mga pulis.. kundi BOOM!" napuno ang kwarto ng nakakakilabot na tawa ni Julia B.. ibang address ang binigay niya sakin.

"P--pupunta na ko" pagkasabi ko non ay binaba na niya ang tawag.


******

Twitter: @dhanedelionWP

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon