Chapter 25 ♡

90.1K 1.4K 82
                                    

Kathryn's POV:

"Ano, okay ka na? Di na ba masakit?" tanong ko kay Daniel. Kasi gabi na... tapos nandito pa ako sa hospital. Oo, sa St. Lukes! Medyo lumala kasi yung pakiramdam ni Daniel tapos kinailangan siyang dahilhin sa hospital para i-anesthesia.

Nung una talaga clinic lang pero nung sabi ng nurse ay kailangan daw tahiin yung sugat niya ay agad siyang dinala sa hospital.

"Oo..." mahinang sagot ni Daniel habang mukhang babagsak na ang mga mata sa antok!

Time Check: 10:30pm. Paputol-putol ang tulog niya, siguro ay dahil masakit ang pagkatahi dito.

Kami lang ni Daniel ang nasa room niya dahil wala pa ang parents nito, sabi sakin ni Enrique na bukas pa daw sila pupunta dito. Hinihintay ko nalang na dumating yung mga kaibigan niya para maka-alis na ako... Tinext daw kasi si Khalil na sila muna ang magbabantay kay Daniel para makauwi na ako.

Ewan ko Parking 5 daw eh? Medyo kilala ko naman sila dahil minsan ay kinukwento ito sakin ni Julia M. na may banda daw si Daniel pero sa pictures ko palang sila nakikita eh

Inaamin ko na nung nakita ko siyang may dugo bigla akong kinabahan, ako pa nga yung unang pumunta sakaniya habang si Julia B. naman ay umuwi naman.

"Gutom ka na ba?" tanong ko. "Pwede naman akong lumabas saglit para ibili kita ng makakain sa KFC....." patayo na sana ako nung bigla niyang hinila yung kamay ko para mapa-upo ako ulit.

"Stay.. dito ka nalang muna" namamaos ang boses nito.

Ha?

"A-ano?!" bakit ngayon pa ako nauutal ng ganito? Si Daniel lang naman yan huh! Naramdaman ko din ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko. Nagbablush ako! Sa harap pa niya!

At bakit kinilig ako dun sa sinabi niya?

Umiwas ng tingin si Daniel. "Sabi ko, dito ka lang... Sa... Tabi ko" napakamot siya ng ulo at muli akong tinitigan.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at umiwas ng tingin.

Hala! Padilla naman!

Biglang bumukas ang pinto... Akala ko nurse pero niluwa nito ay apat na lalaki! Ito na siguro ang kaibigan ni Daniel... Sa porma at tindig palang nila ay napakunot na ang noo ko. Nagpose pa sila na parang secret agents na may niraraid na bahay.

Gusto kong matawa pero pinigilan ko.

"Nasira yata namin ang moment niyong dalawa?!" ito na siguro yung Katsumi, nagpipigil ng tawa at umakbay bigla kina Seth at JC?

"HAHAHA. NaSOLID ka brod! Solid sa face mong pogi! HAHAHAHAHA. Anong feeling? Congrats pala sa pagkapanalo niyo!" sa pagkakaalam ko ay ito na yung Seth, kumuha siya ng mga pagkain at inumin sa ref

"Natanggalan ka ng 1% na kaagwapuhan brod! HAHAHA. Mas gwapo na tuloy ako sayo." nagsalita naman yung Lester

"Lagot ka kay Tita Karla neto!!! Alam ko na ang sasabihin niya... HAHAHAHA. Ihanda mo na ang tenga mo DJ!" humagalpak sa tawa yung JC.

Kung may mas pupula pa sa kamitis, si Daniel na iyon. Umuusok na yata ang tenga niya sa galit. HAHAHA. Ang cute cute nilang tignan. Ito na yata ang sinasabi nilang squad goals!

"Mga brod, di ba sabi ko sainyo quiet lang kayo!!!" galit na sabi ni Daniel tapos nagpout pa at tunog beki ang boses. Hala?!

"Ikaw naman brod! Naburo na kami sa bahay ni Katsumi! Wala namang laman ref niyan!" tumatawa si Seth habang nilapitan niya si Katsumi para batukan.

"At least pagkain ang wala ako! Ikaw Seth! Maligo ka nga! Wala man yatang banyo ang bahay mo!!!" sabi naman ni Katsumi na inipit ang ilong na parang may mabaho.

"LQ nanaman kayo! Pag di kayo tumigil ipagkakalat ko sa twitter ang bromance niyo!!! HAHAHAHA" napuno ang kwarto ng tawa ni Lester

Nanahimik sina Katsumi at Seth. Tumawa naman ng mahina si JC!

"Daniel..." tumayo ako at nagbow. "Alis na ako ah?" at lumabas na ako ng kwarto. Kasi naman para makapagpahinga na si Daniel! Tsaka parang awkward na dahil nandun ako

*****

Daniel's POV:

"Ayan! Kaingay niyo tuloy mga brod! Tignan niyo oh! Umalis na si Kath!" galit na sabi ko sakanila! Sayang yung moment oh!

"HAHAHA. Wag kang highblood brod! Sino ba kasi yun? Di naman yun yung girlfriend mo di ba?!" sabi ni Katsumi. Binatukan ko nga!

"Di nga! Pero... MALAPIT NA!!!!" pagmamayabang ko. Nanlaki ang mga mata nila.

"Don't tell me... Itutwo-time mo si Julia B.?" pabulong na sabi ni Lester. Isa pa 'to! Hindi makagets minsan.

"Hindi! Siyempre, makikipagbreak na ako sakaniya!" paliwanag ko. Kahit kailan talaga ang s-slow ng mga ito. Bakit o pano ko nga ba ulit sila naging kaibigan? SInabi ko sakanila yung kwento ko tungkol kay Julia B. pero hindi ko na sinali yung Blue Bear x Ms. Loner story matatadyakan nila ako dahil corny yun para sakanila.

"Sooo... Kelan ka makikipagbreak?" linapit ni JC ang mukha niya sakin. "Padilla ka! Alam mo yung rule natin ha! Wag mong kakalimutan at baka talagang malintikan ka kay Tita Karla!"

Bumuntong-hininga ako. "Alam ko naman yun JC. Kaya nga hindi ko pa ipinapakilala si Julia B. sa pamilya hindi ba?!" singhal ko dito.

"Oh! Yung puso mo brod!" natatawang sabi ni Katsumi habang hinawakan ang puso ko.

Tinanggal ko naman ito agad. "Katsumi! Isa pa, aakalain ko na bakla ka brod!"

Biglang sumeryoso ang mukha ni Katsumi. "Ito ba ang bakla brod? Solid na lalaki 'to oh!" pinukpok na niya yung kamay niya sa dibdib niya.

"Oo na. Oo na!" sabi ko at tumawa yung apat.

"Mukhang seryoso ka na sakaniya ahh." sabi ni Seth na kanina pa nagtetext. Siguro si Annika ang katext nito.

"Oo eh... Tinamaan na nga yata ako"

"Tinamaan na ako... walang hiya ka kupido!" sabay sabay nilang kanta.

"Labas! Magbalat nga kayo ng patatas dyan!"

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon