Chapter 24 ♡

75.7K 1.3K 159
                                    

Daniel's POV:

"Lets go Daniel!!!!"

"ENRIQUEEEEEE.~"

"WOOOOOOOOOOOOOOOHHH!!!"

Di pa man nagsisimula ang last game namin ni Enrique naghihiyawan at nagwawala na ang mga tao dito sa gym. Punong puno ito, expected na namin iyon dahil kami ang finale. At first time gawin ng school itong pa-basketball game!

Tinignan ko ang mga bleachers. Iniscan ko ang mga tao at nakita ko si Kathryn kasama sina Julia Montes na naka-red dahil team Enrique siya. Samantalang si Kath naka-white lang. As for Sofia, di ko alam kung bakit siya nakablue... Siguro si Khalil ang susuportahan neto? Kateam ko kasi si Khalil eh.

Blue pag Team Daniel

Red pag Team Enrique

Anong kulay kayo?

Back to reality, biglang lumapit saakin yung girlfriend ko na si Julia B. na super supportive ha! SIGE! MAG-RED KA PA! Girlfriend ko nga ba talaga ito o ano?!

"Galingan mo mamaya Daniel ha?" sabi niya sakin tapos kiniss niya yung cheeks ko sabay punta sa kabilang team kasama niya yung mga kagrupo niyang mga maarte.

WOW.

Just WOW!

Grabe, sa pagkakaalam ko kasi girlfriend ko siya eh? Bakit kung makadikit kay Albie wagas?! May pabulong bulong pa siyang nalalaman..

Promise, pagkatapos ng 2nd monthsary namin makikipag-break na ako. Tsk, naging utusan at display niya lang ako at ayaw ko iyon. Kahit pa siya si Ms. Loner!!!

*Prrrrrrrt* (Wala pong umutot, pito yan)

Tumayo na ako dahil yun na yung signal na start na yung game, pumosisyon na din lahat ng manlalaro. Jump-ball na.

1

2

3

Team ko ang nakakuha...

Nagsigawann ang ulit ang mga tao!

"Lets go Team Daniel!"

"Blue Team for the win!"

"GO GO BLUE!"

Nayanig ang buong gym sa pagchant ng mga sumusuporta sa team ko, isama mo pa yung malalaking drums na nakikisabay sa rhythm ng chants.

Tumakbo kami papunta sa court namin.

Pinasa sakin...

SHOOT!!!

"What a start! 3 points for Padilla!" sabi nung announcer. Napuno ng palakpakan yung gym.

Nagpatuloy ay game. Natapos ang 1st quarter na nangunguna kami. Ang score, 23-15. Halos kami lang ni Khalil ang nagshoot at puro rebound at pasa ang iba. Ang galing kasi ni coach.

Pero nakabawi din ang team ni Enrique na nakalamang naman ng 12 points sa 2nd quarter dahil binangko muna kami ni coach at baka mapagod kami pag kami lagi ang nagshoshoot.

Nung 3rd quarter na, nagtie na ang score namin hanggang sa huling limang minuto ng 4th quarter, dikit padin ang laban. Kapwa ayaw magpatalo sa isa't isa. Tagaktak na yung pawis namin at makikita na ang paghinga ng malalim ng players.

Time-out nun.

Napansin ko na bumaba si Kath at pumunta siya sa Team Enrique. Kay Albie to be exact. Nag-init ang ulo ko sa nakita ko dahil inabutan ni Kath si Albie ng tubig.

*Prrrrrrrrt* (Hindi po napautot si Daniel. Sadyang whistle lang yun. Sorry, walang budget sa sfx XD)

1 minute nalang at 97-100 ang score. Nangunguna na kami. Kung tutuusin dapat pabayaan na namin dahil magaling kaming dumepensa at magrebound! Pero nung ipinasa na kay Albie yung bola, hindi ko mapigilang hindi siya bantayan makashoot

Pumunta na si Albie sa three point line! Aba!

Hindi maaari... isip ko.

Pumunta ako sa harap niya at pinigilan ko ang attempt niya. Pagkatapos nun, hindi ko na alam ang nangyari dahil may dugo na lumabas sa bibig ko. Nasiko yata ako ni Albie sa bibig!

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEP* (Di po ito kotche =___=)

Signal yun na tapos na ang game. Pagkita ko sa scoreboard. Kami ang nanalo! Nanalo ang team ko! SOLID!

Napahiga ako... Naramdaman ko na may lumapit sakin.

"Daniel ayos ka lang ba?!" si Kath na mukhang nag-aalala. Wait, scratch that. Nag-aalala nga talaga siya!

"Oo, ako pa!" sabi ko. Pero hindi, patuloy pa din ang paglabas ng dugo at masakit na yun sa part ko.

"KUMUHA KAYO NG STRETCHER!!!!" sigaw ni Kath sa mga nakamasid lang at nanunuod. "Kailangan niya ng tulong!".

Dali-dali naman na may bumuhat sakin at nilagay ako sa stretcher.

"Magiging okay ang lahat Daniel." pag-aassure ni Kath na natatawa pa.

"Oo nga eh. Salamat Kath." sabi ko tapos, pumikita na ako.

Sakit brod solid!

******

Namulat ako ng mata at nasilaw sa ilaw. Iniscan ko yung lugar. Ahhh, nasa clinic pala ako? Nung una akala ko nasa langit na ako dahil puro puti ang nakita ko.

"Kamusta na po ang kalagayan ni Daniel?" may nagtanong. Pero boses yun ni Kath.

"14 stitches iha, di biro yun. Kailangan niya ng mahabang pahinga." sagot nung nurse.

"Ganun po ba? Sige po. Ako nalang po ang magbabantay sakaniya." narinig ko ang footsteps ni Kath kaya nagtulog-tulugan ako.

Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay niya sa buhok ko.

"Naman ee! Sana pinabayaan mo na." parang bata na sabi nito. Kung pwede lang kiligin ngayon, kinikilig na ako. Parang bakla pero ganun ang gusto kong gawin.

Sumilip ako at nakita ko si Kath na pinagpatong ang dalawang kamay niya at natulog sa tabi ko. Natawa naman ako sa babaeng ito. Isang araw umiiwas sakin, tas ngayon naman sobra kung makapag-alala?

Hmmmm. Cute :)

Z

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon