Chapter 11 ♡

90.2K 1.6K 92
                                    

Ang nakaraan:

 

Nakarinig ng isang sigaw si Daniel. Boses ni Kathryn yun! Ano kaya ang nangyare? Hmmmmmmmm.

===

Daniel’s POV:

Binuksan ko yung pinto na pinang-galingan ng boses ni Kath at nakita ko siyang umiiyak. Nasa haunted room kaming dalawa. Nasa isang sulok siya at humihikbi. Nakatakip yung kamay niya sa mukha niya. Nanibago ako dahil wala siyang glasses at may hawak siyang lalagyan ng contact lens

Marahil ay tinanggal niya ito nung umiyak siya.

“Ayaw ko na.. Ayaw ko na.. Huwaaaa..” patuloy sa pagiyak si Kath.

Nilapitan ko si Kath at..

At..

At..

At..

Niyakap ko siya. Hindi kasi ako sanay na nakakakita ng babaeng umiiyak! Sabi ng mom ko, ang mga luha ng mga babae ay parang perlas. Napakahalaga. Pangalawang beses ko na siyang nakikitang umiiyak, seeing her at this state makes me want to protect her more.

 “Huuuuu...” umiiyak pa din siya. Ano kaya ang nangyare?

 

 “Shhhh..” pagpapatahan ko dito. “Ano ba ang nangyare Kath?” tanong ko.

 Hindi niya ako sinagot at tahimik na umiyak. Niyakap ko lang siya kahit na basa na ang shirt ko. Gagawin ko ang lahat mapatahan lang siya. Ang fragile fragile niyang tignan parang konti nalang ay mababasag o sasabog na siya.

Matagal siyang umiyak hanggang sa tumigil na siya. Nung sinilip ko siya ay nakatulog na pala ito. Hmmmm... Napakapayapa ng mukha niya.

  

Pero andami ding nagbago sakaniya! Sinunod niya ba ang payo ko na mag-ayos siya? Aaminin ko, medyo parang kakaiba ang nararamdaman ko. Ano ba ang tawag dito? Saya? Pati pakiramdam ko hindi ko na alam pag malapit ako sakaniya!

 Hayyy. Nevermind these feelings! Binuhat ko siya ng pangkasal at dinala siya sa clinic. Andun nanaman yung nurse

“Napano nanananananaman iyan?” bored na tanong nung nurse at nagpatuloy sa pagsusulat ni hindi man ako tinignan

 “Umiyak po siya kanina. Tapos kinomfort ko. Tapos nakatulog.” sagot ko naman at hiniga siya sa may bed nung clinic.

 “Bakit siya umiiyak?” lumapit yung nurse at chineck yung pulso ni Kath sa may leeg niya at yung temperature na din nito. “Medyo may sinat siya ahhh.”

 Nagkibit-balikat nalang ako.

 “Nakita ko nalang po siyang umiiyak sa may haunted room ng school. Yun ang dapat naming linisin para sa community service.” kwento ko dito habang humanap ako ng silya at itinabi sa bed ni Kath. Pinagmasdan ko siya.

 “Ahhhh.. Kaya naman pala ehh!” nawala yung pagkabore nung nurse at napaharap ako sakaniya dahil dun.

 “Bakit naman po?” tanong ko.

 Ngumiti ito. “Simple lang, may trauma ‘yang batang iyan sa dilim ee!”

 Takot? Sa dilim? Bakit?

 Mukhang mind-reader talaga itong nurse na ito at sinagot ang mga katanungan sa isip ko.

 “Biktima kasi yan ng bullying! I’ve seen this girl ever since. Di ba nga sabi ko sayo suki ko iyan? Dahil last year, binubully siya. Mild lang nung una. Pero nung tumagal na... Humantong sa point na medyo binugbog na siya. Hindi niya ito pinansin. Pero one time, yung 4th year na nagbubully sakaniya, nakaisip ng bad idea. Ikinulong siya sa cr ng mga babae at pinatay ang ilaw. Takooooot na takoooot si Kath nun. Buti nalang at napadaan ako nun sa cr. Nginig na nginig siya nung nabuksan ko na. The end.” paliwanag nung nurse sa akin with matching sound effects at action pa.

Napatulala ako kay Kath. Ang isang kagaya niyang nerd ay binubully din pala? Nananahimik lang naman yung tao! This is the real world hindi lang sa mga palabas at libro ang may nabubully, yun ang narealize ko.

 “Hindi naman nerd si Kath dati ee.” biglang sabi nung nurse. Napatayo ako. Ano ba yun?

 “Mind-reader ka ba?” tanong ko. Tumawa ito.

 “Bwahahahaha!!! Ako mind-reader? Hindi ano! Pero medyo lang” sabi nung nurse. At tumawa ng tumawa, pero tumigil din naman siya at nagkwento nanaman.

 “Hindi nerd ‘yang si Kath! Kaya nga niya nakagrupo sina Sofia at Julia (Montes) ee. Dahil tulad nila, fashionista din itong si Kath, dati. Pero nung biglang nagkagusto sakaniya yung sikat na 4th year nun... ano na kasi ang pangalan nun? It doesn’t matter, bigla nalang siyang binully nung fansclub nung lalaki.” kinuha nung nurse yung baso niya at uminom. “Ayun lang.”

 “Masaklap din pala ang buhay nitong si Kath.” nasabi ko nalang dahil sa mga narinig ko.

 “Pero kahit ganun, ngumingiti pa din yan!” masayang sabi nung nurse. Bipolar talaga ee. Kanina seryoso ngayon naman... Hay

  

Tumayo ito bigla at napatingin sa wristwatch niya. “Osha Daniel, mauna na ako.” at lumabas ito. Naiwan nanaman kami ni Kath sa clinic na ito. Pang-ilan na nga ba namin ito? Bahala na... "Ikaw nanananaman ang bahala diyan ah? Alagaan mong mabuti. Hindi ka na makakakita ng babaeng gaya niyan!"

 Kahit anong mangyare, hinding hindi ko iiwan si Kath

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon