Kathryn's POV
"Hala! Sis! Anong nakain mo?" tanong ni Julia (Montes) sa akin. Napansin na yata nila ang pagbabago na ginawa ko sa sarili ko. Nung isang araw kasi sabi nung Daniel na yun na magayos daw ako.. kaya nag-ayos ako. Hindi para mapansin niya ah!!! Gusto ko lang talaga.
"Oo nga Kath! Bakit... Contact lens?! No more braces?! Nakalugay?! Ano nga ba ang nakain mo? Di ba comfort zone mo yung mga yun?" natatarantang tanong naman ni Sofia. Itong mga 'to naman parang end of the world pag nagayos ako? Sabagay ilang taon na din yung ganung set-up sakin at halos comfort ay di pala halos.. yun ang comfort zone ko.
Hay.Pano ko ba ieexplain sakanila na hindi nila hahaluan ng malisya? "Ganito kasi iyan. Di ba sabi ni Daniel na mag-ayos daw ako? O ayan! Nag-ayos na ako" kahit parang kakaiba yung feeling ko. Kasi yung mga nadadaanan ko kanina kung makatitig parang... gusto akong tunawin? Nakakatakot.
Yung ibang babae naman ay parang hinehead to toe ako at waga skung makajudge. Oo na losyang pa din ang porma ko! Hindi naman kasi ako fashionista eh
Pinat ko yung shoulders nila. "Chill lang mga Sis! For a change lang naman ito, tsaka saglit lang." sabi ko. Ipapakita ko lang kay Daniel ngayon tapos bukas wala na ito. Baka magfeeling manager yun pag nakita ako! Tapos kailangan pang magkathank you sakaniya!
Psh. Mahangin kasi.
Kung inaakala niyong nagpapaimpress ako kay Daniel... Nagkakamali kayo... Gusto... Gusto ko lang naman talagang ipakita ko sakaniya, parang thank you na din sa kahapon. Binoost niya yung self-esteem ko.. wala pang nakakagawa sakin ng ganun!
Nakakagaan sa pakiramdam na hindi lahat jinajudge ka, na may tao pa palang nakakapansin sayo kahit invisible ka sa iba?
"Sige mga Sis! Community service na ako!" at nagpaalam na ako sakanila. Nasan na kaya si Daniel? Ang haunted room na ang susunod na lilinisin namin. Scary! Madaming nababalitang multo at nasasaniban dun! Kaya dapat kasama ko siya! Takot ako sa mga mumu.
Tinignan ko sa room nila pero wala daw siya dun.
Sa garden.. Wala pa din
Sa tambayan nila nina Enrique at Khalil... Wala pa din
Asan kaya siya? Makapagtanong nga.
Wala din daw siya sa room niya? Hala san na yun?
"Uhm.. Enrique... Nakita mo ba kung saan pumunta si Daniel?" tanong ko sa nakaupong si Enrique. Parang gulat at nakakita ng multo si Enrique dahil nanlaki yung mata niya. Nakakatuwa lang. Ang weird!
"Ahh.. Hindi ee." Tumingin siya kay Khalil. "Khalil! Nakita mo ba si Daniel?"sabay tapik sa balikat ni Khalil.
Tumango si Khalil. "Kasama si Julia Barretto. Pumunta sa likod ng school." sagot ni Khalil tapos ay tinuon niya ang pansin sa cellphone niya. Nagtext siya sa kung sino ewan ko na.
I don't know why pero biglang nanikip ang dibdib ko... Se... Selos na ba ito? Tsk.. Selos di ba pag mahal mo na yung tao?
Mahal ko na ba?
"Salamat!" tapos nagbow ako at umalis na. Pumunta agad ako sa likod ng school.
Tama nga sila!!! Andun nga sina Daniel at Julia. May pinag-uusapan! Hindi ako eavesdropper kaya lang.. Naririnig ko ehhh.. Di ko kasalanan, promise!
"Ano ba Daniel? Ano ba ang hindi mo magustuhan sa akin?!" tanong ni Julia kay Daniel. Yung sigaw niya may halong frustration!
"LAHAT!" sigaw ni Daniel... Narinig ko na umiyak si Julia.
"Inano ba kita?! Bakit hindi ka naghintay? Bakit?" patuloy sa pag-iyak si Julia
"Oo! Niligawan nga kita for 2 years, pero wala na iyon Julia. Kung dati ako ang naghahabol sayo.. Ngayon hindi na. Pinaglalaruan mo ba ako?" napasuntok sa pader si Daniel.
Ha? O____O. Ano? Bakit? Pano? Ano daw?
"But.. Give me another chance! Sorry kung pinaghintay man kita.. I need you Daniel. I NEED you." pagmamaka-awa ni Julia.
Bumuntong-hinga si Daniel... "Okay, one more chance.. Stop crying."
"Thank you." tapos nanahimik na ang paligid.
Hindi ko matake ang mga narinig ko at tumakbo paalis. Bakit? Bakit ako nagkakaganito? Bakit ako nasasaktan? Hindi dapat ako naapektuhan, friends lang kami ni Daniel... As in!
Nandito ako ngayon sa garden at umiiyak. Why the hell am I crying?! Pilit kong pinupunasan, pero pilit pa ding tumutulo ang luha.
"O-okay ka lang ba miss?" may kung sino ang nagsalita sa likod ko. Humarap ako sakaniya. Teka.. Si...
Si Albie?! Bakit siya nandito?
"Eto oh. Kung makakatulong." iniabot niya yung panyo niya sa akin. Parang yung nangyare kahapon pero si Daniel ang nagabot ng panyo. Tsk bakit ba si Daniel ang naiisip ko? Erase. Erase.
Kinuha ko naman.. "S-salamat"
"Kung hindi mo mamasamain... Itatanong ko sana kung bakit ka umiiyak?" sabi niya habang pinat ang ulo ko. Parang yung ginagawa ng mga pinsan ko pag malungkot ako.
"Uhmmm.. Pwede secret na lang?" sabi ko sakaniya. Ayaw ko kasing ulit ulitin yung narinig ko. Tsaka isa pa.. kaibigan lang si Daniel... eh
Strange, gumaan ang loob ko nung narinig ko na tumawa siya.
"Oo naman miss! Kahit hindi mo sabihin okay lang." at tumawa nanaman siya.
"Bakit ka tumatawa?" tanong ko... Hindi na ako gaanong umiiyak.
"Ang cute cute mo kasi ee. Ms. Loner!" sabi nito
Badump
Sino siya?
Badump
Hindi naman kaya.
Badump
Siya si Blue Bear?
Badump
Tama ba?
Badump
Naguguluhan na ako
Badump
Albie? Blue bear?
Badump
HA?!
BINABASA MO ANG
Textmate [Kathniel]
أدب الهواةOne wrong send that leads to one great love story. This is Blue Bear and Ms. Loner's story :) (started writing this story when I was in 3rd year high school. I'm sorry for errors and typos! Hello to my friends Bert, Rafael and Lette who inspired me...