Chapter 12 ♡

93.2K 1.6K 104
                                    

Kathryn's POV:

Ayaw ko naaaaaa!!!


Ayaw ko naaaaaa!!!


Ayaw ko naaaaaa!!!


"KATH!" boses iyon ng isang lalaki. Minulat ko ang mga mata ko. May mga luha na tumutulo ito. Pagkita ko si Daniel ito na nakahawak sa magkabilang balikat ko.


Nagoffer siya ng panyo sakin, kinuha ko naman ito at pinunasan ko ang mga takas na luha sa aking mga mata


Pinakatitigan ko ito bago magsink-in sakin na binangungot pala ako. Madalas itong mangyare pag may mga bagay na nagpapaalala sakin sa nakaraan.


Yung nakaraan na ayaw ko ng balikan.


Yung nakaraan na gusto kong kalimutan, pero paano? Nandun na yun. Nakatatak na yun sa buong pagkatao ko.


Kailangan ko nalang itong tanggapin.


"Daniel..." sabi ko. At nagkaroon ng awkward silence. Sobrang awkward napatanggal sa pagkahawak si Daniel sa mga balikat ko at napaupo.


"Akala ko napano ka na... WOOH KINABAHAN AKO! Kanina ka pa sumisigaw ng 'Ayaw ko na!' at umiiyak.. Hay! Akala ko talaga..." mahinang sabi nito. Ang cute naman nag-aalala siya, ngayon nalang ulit may nag-alala sakin sa mga ganitong pangyayare.


Halos di siya mapakali di niya alam kung magsasalita pa ba siya o ano dahil bukas sara ang bibig niya wala namang sinasabi.


HAHAHA.


"Pasensiya ka na.. Okay na ako ngayon!!" pinunasan ko ang konting mga luha sa aking mga mata at pinakalma ang sarili. Napapansin ko din na si Daniel ang laging nagpapakalma sakin.


Tadhana na ba ito?


"Ayos lang.. wag mo nalang uulitin yun ah baka atakihin ako sa puso!" napakamot lang si Daniel ng ulo sabay halakhak. Napatawa din ako dahil para siyang nanay!


"Ilang oras na akong tulog?" biglang tanong ko sakaniya. Mukha kasing nagdidilim na ang kalangitan. Nakikita ko kasi sa bintana ng clinic... tsaka may guard na rumoronda na at nagpapaalis ng mga estudyanteng nasa school pa.


"Tatlong buwan.. konti nalang ipapakiss na kita sa true love mo para gumising ka na eh" sagot nito tapos tumawa. Napatayo naman ako sa pagkakahiga ko at sinapok ko siya. Nakakainis kasi! Huwaaaa. Yung mukha ko naging (-_-) to (O_O).


Talagang nagulat ako! Dati kasi umabot akong dalawang araw na tulog.. tapos eto sasabihin niya tatlong buwan?!


"Aray... Ayan na pala ang thank you mo ngayon." Tumawa nanaman si Daniel. Napahiga nalang ulit ako at bumuntong-hininga.

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon