Chapter 4 ♡

140K 2K 120
                                        

Daniel's POV

Tinatamad ako.. Ano ba iyan, hindi mapasok sa isip ko yung mga tinuturo ng teacher namin. Dati gusto ko naman sa subject na ito pero parang iba ngayon, medyo lumilipad yung utak ko.

Lumilipad pero walang pakpak.

Oo waley! Kaya humikab nalang ako sa waley kong joke. Kamilutan niyo nalang yun. O teka baka mapanaginipan niyo pa? Haha. Biro lang!

"Pssssst." napatingin ako sa likod. Si Enrique lang pala!

"Ano iyon pare?" bulong ko.

Sumenyas siya sa upuan ni Khalil. Tinignan ko naman. Ahhhh.. Nagtetext si Khalil. Huh? Halos matawa at maiyak na ako dahil ang corny lang talaga ng naiisip ko

Si Khalil? Ang top 1? Nagtetext habang may klase? Wow. First time ito ahhhh.. Siya pa nga yung nagbabawal samin ni Enrique pag nagpupuslit kami ng phone habang may klase eh?

Sino kaya tinetext niya? Hmm.. Matanong nga. Kinuha ko ang phone ko at tinago sa may book ko at nagtext na ako. Wala eh curiosity killed the cat eh ako yung cat baka nakill ako? Simple logic. Nakakamurit!

To: Khalil Ramos

Bro, buti nagtetext ka habang may klase? Sino katext mo? Chix no?

Send

*bzzzzt bzzzzt*

May reply na!

Read

From: Khalil Ramos

Secret...

 Aba! May pasecret secret na din itong si Khalil ah! Naging youtube sensation lang! Parang end of friendship na hindi na bros before hoes? Nakakahurt lang.

"Ahem" hindi ko napansin na nasa tapat ko na pala yung walang kwentang teacher. Nginitian ko siya at nagpacute, syempre iba na pag may charms

Ngumiti din naman, kaso sumimangot din. Bipolar lang?

"Mr. Padilla, to my office after class." mataray na sabi nito. Nako patay na. Paniguradong may parusa nanaman ako. Khalil kasi! At ang bwisit tinawanan pa ako... ok end of friendship

HAHAHA biro lang! Biro lang!

Tsk. Ano ba iyan? Make-up class nanaman ba? Kinakabahan ako dahil madami pa namang upcoming activities niyan baka makasagabal dun yun. Azar sana hindi ko nalang inalam, gaya nung cat

PATAY AKO.

(After class)

Pumunta ako sa office ng teacher na iyon.

*knock knock*

"Come in" naririnig ko na yung masungit na boses niya. Hay nako! Alam na alam ko na na mabigat yung papagawa nito sakin eh! Yung sa napapanuod ko sa TV na linis CR mga ganun? Aba irereport ko nalang siya sa DepEd pag ganun. Bawal yun.

Binuksan ko ang pinto. Sumenyas ito na umupo ako dun sa may chair. At umupo nga ako.

"Well... well.. well." nagsalita yung teacher. Ms.Mae Ramirez ang tawag dito. Terror nga hindi naman marunong magturo. Tsk -_____-. Akala ko pa naman mabait siya!

"Yes Ma'am?" painosente naman ako. Mahirap ng lumaban baka gawin niyang forever yung parusa ko.

Bumuntong hininga si Ms. Ramirez. "Mr. Padilla, alam mo naman na bawal magtext habang may klase di ba?" malamig na sabi nito

Textmate [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon