CHAPTER 1

2 3 0
                                    

Hoodie

Rose P. O. V.

"Hintayin nyo nalang ako sa loob ng kotse. Ibababa ko lang itong mga bagahe." Binitbit ni mama ang dalawang malalaking bagahe pababa ng hagdan.

Mahina akong tumango.

Lumabas ako ng bahay at diretsong pumasok sa loob ng kotse.

Nadatnan ko si Aki sa loob. Nasa front seat siya samantalang nasa likuran naman ako.

Nababagot itong naglalaro ng video games. Napatingin siya sa akin pagkapasok ko.

"Asan si mama?" Tanong nito.

"Nasa loob. Ibinaba ang mga bagahe." Maikli kung sagot.

Napabuntong hiningang itinuon niya ang paningin sa nilalaro, "Inaantok pa ako. Kailan pa ba tayo aalis?"

"Ngayon na nga. Hintayin mo nalang."

Maya maya ay lumabas narin si mama dala ang mga bagahe. Lumiko siya sa likuran para ipasok doon ang mga bagahe.
Pagkatapos ay tumabi na kay Aki.

"Ma? Why do we have to move another house kung pwede naman dito?" Tanong agad ni Aki kay mama.

"Alam mo namang may bagong work na si mama kaya hindi ko na kayo maalagaan. Mabuti na 'yong nandun kayo kay tita Fhea nyo para mas mapanatag ang loob ko." Sagot naman ni mama saka sinimulang paandarin ang kotse.

"Ma, we are no longer kids para alagaan. I can take care of myself." Irap ng kapatid ko. "Saka I don't like Sarah. She's so noisy!" Pagdadabog pa nito. Ang tinutukoy niya ay ang pinsan namin. Makulit at laging pasigaw magsalita. Akala yata nasa ibang lungsod kami.

Tahimik lang ako buong byahe. Tumitingin- tingin nalang sa labas.  Sina mama at Aki lang ang laging nag- uusap.

"Wear your seatbelt." Paalala ni mama na sinunod agad namin.

Ayaw kasi talaga ni Aki sa desisyon ni mama na lumipat ng ibang bahay.

Noon naman kapag lumilipat kami wala naman siyang sinasabi. As in ngayon lang talaga nag- iinarte.

Hindi naman sa palagi kaming palipat- alipat ng bahay. Hindi lang talaga maatim ni mama na iwan kami. Malayo kasi ang bago niyang trabaho kaya kailangan niya kaming isama.

Saka okay lang naman sa akin. Mas gugustuhin ko pang lumayo dito para new environment naman ang mararanasan ko.

"Aki, sinabi ko naman sa'yong mas maganda doon. Kasi nga.. Malapit lang ang trabaho ko sa eskuwelahan ninyo ng ate mo."

"Pero gusto ko na ang tinitirhan natin ngayon. Beside, puwede ka namang maghanap ng trabaho sa malapit. Bakit kinailangan pang sa malayo?" Lumobo ang pisngi ng kapatid ko.

"Aki, wag kanang makulit. Unawain mo nalang si mama." Sabat ko na para tumigil na siya sa pamimilit.

"I don't like this!" Irap niya pa ulit. "Wala doon si Sophia.." Mahinang bulong niya na rinig na rinig ko naman.

Kaya naman pala. May chiks na iniwanan. Bahagya akong napatawa. Mabuti nalang napigilan ko.

Limang taon ang agwat namin ni Aki pero mature na siya kung mag- isip. Matangkad siya na animo'y magkasinlaki lang kami.

"Kaya naman pala ayaw mong iwanan ang lugar na 'yon. Dahil may Sophia ka ng kinababaliwan." Kantyaw ko pa. Napahagikhik naman si mama.

"Stop it!" Pumula ang mukha nito.

Hindi ko na talaga napigilang tumawa.

"I said stop it already!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE KNIFEWhere stories live. Discover now