Chapter 38 - Pagkatapos ng unos

1.7K 32 7
                                    

Walang malay si Sarah. Duguan si Gerald. Walang nang buhay si Cobbe. Dinatnan ito ng mga pulis. Nahuli na si Sam, ang leader ng kanyang mga tauhan na si Roy at iba pa. Nabigla silang lahat sa sinapit nang tatlo. Nag-panic. Nalungkot. Lalong-lalo na sa sinapit ni Cobbe. Dinala sina Sarah at Gerald sa hospital habang si Cobbe naman ay diretso na sa puneraria.







“Sarah! Sarah… kumapit ka. Andito ako sa tabi mo. Hawak hawak ko ang kamay mo. Mabuhay ka please? Hindi ko kakayanin na mawala ka pa.” sabi ni Gerald sa kanyang sarili habang nakahiga silang pareho sa magkaibang higaan sa emergency room. Walang malay si Sarah. Ginagamot sila pareho. Hawak hawak niya ang kamay ni Sarah. Lumuluha.

“Jusko ang anak natin Delfin!!!” sabi ni Divine.

“Huminahon ka Divine!” sabi ni Delfin.

“Hinahon?! Pano ako hihinahon kung alam kong nasa panganib ang anak ko!!!”

“May awa ang Diyos, Divine! Meron!!!”

“Nay aayusin ko lang ho si Cobbe.” sabi ni Fred na lugmok din sa mga pangyayari.

“Sige anak. Mag-iingat ka ha.” sabi ni Nhila at umalis na si Fred. Umiiyak siya dahil hindi siya makapaniwala na sa isang iglap ay namatay si Cobbe.

“Nhila, tatagan mo lang ang loob mo para kay Gerald. Kailangan niya yun.” sabi ni Delfin.

“Sana nga kaya ko. Napamahal na at itinuring ko nang parang isang apo si Cobbe! At masakit! Sobrang sakit mawalan ng apo!!! Kaya sana wag naman pati Gerald!!! Hindi ko na kakayanin!!!”

“Nasan na ba ang doktor!!! Ang tagal!!! Wala pa bang balita!!!” sabi ni Divine. Silang tatlo ay alalang-alala, lugmok na lugmok at napakalungkot na nag-iintay sa waiting area habang ginagamot pa sina Sarah at Gerald.

“Kayo ho ba ang pamilya nina Sarah at Gerald?” tanong nung doktor.

“Kami ho. Kamusta na sila?” tanong ni Delfin.

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon