Chapter 53 - Ilangan

743 15 4
                                    

Author's Note: Hello po sa inyong lahat! After 10 months ay nakapag-update na rin. Salamat sa lahat ng naghihintay at nag-aabang sa story na ito. Pasensya na po if ngayon lang ulit nakapag-update. Reminder lang po na deleted/deactivated na po yung twitter account ko na "@freakiemoi". Pag-isipan ko pa if sabihin ko sa inyo yung personal social media accounts ko. Hehe! Anyway, enjoy this chapter. Na-miss kong mag-update. 

Vote. Comment. 

xxfreakiemoi 

*****

Mahal pa nga talaga nina Sarah at Gerald ang isa’t isa pero dahil sa isang pagkakamali na hindi naman talaga alam ni Gerald kung kasalanan niya ba talaga yun ay nagbago ang lahat sa kanila. Akala nila sila na talaga. Sila na talaga hanggang huli pero hindi pala. Kinaumagahan, sobra ang ilangan sa kanilang dalawa dahil sa di inaasahang pangyayari kagabi. Lalo na para kay Sarah. Hindi naman niya ineexpect na mangyayari ang mga ganitong bagay kasi nagpunta siya dun para sa mga kundisyon ni Gerald para mapirmahan niya ang proposal papers.

“Sarah tungkol dun sa….” sabi ni Gerald nang magkasalubong sila ni Sarah sa kitchen.

“It’s okay.” sabi ni Sarah.

“Pero gusto ko lang mag-sorry. Hindi ko naman talaga…”

“I said it’s okay?!”

“Pero Sarah…”

“Pwede ba Gerald?!!! Nangyari na ang nangyari kagabi so that belongs to the past. So dapat kinakalimutan na yun!” sabi ni Sarah at umalis.

“Kasalanan ko ‘to!!! Bakit ko pa kasi ginawa yun!!! Ayan tuloy! Dumoble ang galit niya sakin!” sabi ni Gerald sa kanyang sarili habang minamasdan si Sarah na paalis ng kitchen.

Tuloy pa din ang ilangan ng dalawa. Kumain sila ng breakfast nang magkahiwalay. Sobra talaga ang pagka-ilang ni Sarah kay Gerald dahil sa nangyari sa kanila kagabi. Unang beses yun. Lumipas ang oras, oras na nag pananghalian. Kumain sila ulit nang magkahiwalay. Inaayos na nila ang kanilang mga gamit dahil babalik na sila ng Manila. Mamayang gabi ang kanilang flight. 

“Hello Coco?” sagot ni Sarah sa tawag ni Coco. Habang inaayos niya ang kanyang gamit.

 

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon