Author's Note: Alamin kung bakit may pustahan sa title ng chapter na ito. Ihanda ang mga sarili sa mga rebelasyon!!!!
Sumama si Sarah kay Gerald at Cobbe para mag-dinner sa kanila. Gusto rin niya talagang pumunta sa kanila at para narin makalimot sa nangyaring eskandalo sa kumpanya. Naging malapit na din talaga ang kanyang loob sa pamilya ni Gerald dahil halos tatlong buwan din niya itong nakasama sa Davao noon at nagpapasalamat siya dahil naging bahagi sila ng buhay nito. Nang malaking pagbabago sa kanyang maluhong pamumuhay.
“Pasok ka.” sabi ni Gerald nang lahat sila ay makababa ng sasakyan.
“Grabe! Ang ganda na ng bahay mo! Siguro ang lalambot ng mga kama dyan kasi alam kong sawa ka nang matulog sa lapag nung nasa Davao pa kayo!” sabi ni Sarah.
“Nako! Ikaw talaga!”
“Mamita! Andito na si Miss Beautiful!!!” sigaw ni Cobbe na papasok sa bahay.
“Sarah?! Ikaw na ba yan?!” sabi ni Nhila na lumabas ng bahay.
“Oho! Ako na ho ito Nay!” sabi ni Sarah.
“Nako! Wala ka pa ring pinagbago! Ang ganda ganda mo pa din!!! Halika pasok ka!” at sila ay pumasok sa loob ng bahay at pumunta na sa dining table para kumain ng dinner.
“Nay naman! Lagi nalang ganyan ang sinasabi niyo!”
“Sarah!!!” sigaw ni Fred na pababa galing itaas. Sila ay nag-hug. “Ang ganda ganda mo parin!!!”
“Isa pa ito! Bakit ba kayong lahat ganyan ang sinasabi niyo?!”
“Kasi totoo naman eh!” sabi ni Gerald.
“So Sarah kamusta ka na? Ang tagal nating di nagkita ha!” sabi ni Nhila.
“Nako! Ganun pa rin ho! Full time sa trabaho.” sabi ni Sarah.
“Kamusta naman ang Mommy mo? Si Sir Delfin may balita ka ba?”
“Si Mommy okay naman siya Nay. Si Daddy ayun nagtayo ng negosyo sa ibang bansa pero umuuwi siya dito minsan.”
“Alam mo ba Mamita, malungkot si Miss Beautiful kanina.” sabi ni Cobbe.
“Bakit naman?”
“Kasi….” pinigilan ni Gerald ang sinasabi ni Cobbe.
“Cobbe? Bad yun!” sabi ni Gerald. “I’m sure hindi pa handang pag-usapan ni Sarah ang nangyari kanina sa office. Alam kong malulungkot at masasaktan na naman siya.”
“Sarah! Mukhang kagagaling lang natin sa iyak ha!” sabi ni Fred na nakitang namumugto ang mga mata ni Sarah.
“Napansin niya pa yun?” sabi ni Sarah sa kanyang sarili.
“Nako! Isa pa itong si Fred!” sabi ni Gerald sa kanyang sarili.
“Hoy tama na muna yang tanungan! Hindi na nakakain si Sarah!!” sabi ni Nhila.
Nagpatuloy ang kanilang pagkain at pag-catch up sa isa’t isa. Ang tagal din nilang hindi nagkita at nagkasama lamang sila muli ngayon after 4 years. Naglibot-libot si Sarah sa bahay nila Gerald at napansin ang mga larawan na mga naka-display. “Bakit kaya walang picture nung Nanay ni Cobbe? Tsaka bakit Daddy number two ang tawag ni Cobbe kay Fred?” ito ang mga tanong na bumabagabag kay Sarah. Pero hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon para itanong iyon sa kanila. Gabi na nang makabalik siya nang kanilang bahay.
“Sarah! Gabi na ha! San ka galing? Tsaka I thought dito ka magdi-dinner?” tanong ni Divine na nakitang pumasok si Sarah nang bahay.
“Sorry Mom kung hindi na ako naka-text. Biglaan ang pag-aya ni Gerald ng dinner eh.” sabi ni Sarah.
“What? Kayong dalawa lang?”
“No! Bumisita ako ulit kina Nay Nhila at Fred. Pumunta ako sa kanilang bahay.”
“I see. You seem sad? Nagka-usap na ba kayo ni Sam?”
“Yeah.”
“And then? Ano nangyari?”
“Nag-away kami. Grabe!! I don’t know kung ano bang nangyayari kay Sam! Habang tumatagal lalong lumalala ang anger niya! Tapos nag-eskandalo pa sa office.”
“What?!? Ano ginawa niya?”
“Nagbunganga. Nakakahiya sa mga empleyado natin! Alam na alam na tuloy nila ang pinagdadaanan namin! I don’t know Mom. Napapagod na talaga ako!”
“So anong balak mo?”
“Hindi ko alam. Papalipasin lang siguro muna Mom.”
“Anak, kung hindi ka na masaya sa piling ni Sam, pwede ka pa namang kumalas eh. Kesa naman magpakasal ka saka ka kakalas, mas mahirap yun. Mas kumplikado.”
“Oo nga. Mas kumplikado. Tama si Mommy, hindi na ko masaya. Tama na, pagod na kong makipag-away. Pagod na kong magpanggap na masaya pa ko.” sabi ni Sarah.
Dahil sa pag-aaway nila ni Sarah, si Sam ay nagpunta ng bar at naglasing sila kasama ng kanyang mga kabarkada na sina Echo at Piolo. Sobra siyang devastated sa nangyari. At galit na galit siya kay Gerald ngayon dahil iniisip pa din niya na siya ang mas pinili kesa sa kanya. Mas priority kumbaga. Palaisipan din sa kanya kung mahal ba talaga siya ni Sarah at kung gusto siya ba talagang pakasalan nito.
“Grabe bro ha!! Ngayon ka na lang ulit nagpainom!!!” sabi ni Echo.
“Oo nga! Ano bang nakain mo at nagpainom ka ngayon?!” tanong ni Piolo.
“Nag-away kami ni Sarah!” sabi ni Sam.
“Sarah?!” tanong ni Piolo.
“Si Sarah bro?! Yung kaibigan nung ex kong si Shin. Remember? Siya yung pinagpustahan natin kay Sam ng 100,000 each! Kasi wala siyang pera pampagawa ng auto niya dati dahil grounded siya ng Daddy niya. Kailangan niyang maging girlfriend si Sarah muna!”
“Ah! Now I remember! Kaya pala nawalan ako ng 100,000 nun!”
“Ano ba kayo!! Alam niyo namang gusto ko si Sarah at mahal ko siya! Kaya balewala na sa akin yang pustahan na yan!!!” sabi ni Sam.
“Pero bro alalahanin mo nung mga unang beses na nagkakasama kayo, those were fake!” sabi ni Echo. “And we didn’t know na seseryosohin mo siya na aabot sa kasalan!!”
“Pero napamahal naman ako sa kanya ah!”
“Iba pa rin kung pano kayo nagsimula. Nagsimula kayo sa pustahan!!!”
“Shut up!! Basta mahal ko si Sarah! Tapos! Neglecting other issues!!!”
“Good luck nalang sayo bro kapag nalaman ni Sarah yan! Baka wala nang matuloy na kasal!” sabi ni Piolo.
“May kasal na matutuloy okay?”
“Let’s bet! Walang matutuloy na kasal ako. Ikaw PJ? Magkano?” sabi ni Echo.
“Stop it!!!!!” galit na galit na sabi ni Sam.

BINABASA MO ANG
A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)
FanficIt is a summer that you won't ever forget. A summer that can last forever. Join Sarah and Gerald in their road to love as they met and be in love in an unexpected time and place. How can love go wrong and be so powerful?