Chapter 14 - Heartache and Heartbreak

2.2K 35 4
                                    

Author's Note: Isang napakabigat na chapter. Ihanda ang sarili sa mga pangyayari.

Dahil sa pag-uusap nina Sarah at Gerald kagabi ay mas na-inspire pa si Gerald na magtapat ng kanyang nararamdaman kay Sarah. Wala siyang pakialam kung umiwas man o mailang si Sarah kapag nagtapat na siya ng nararamdaman para dito dahil si Sarah na nga mismo ang nagsabi kagabi na at least nasabi mo ang nararamdaman mo. “Bahala na talaga si Papa God sa gagawin ko. Sasabihin ko yung totoo kong nararamdaman. Bahala na pagtapos. Ang hirap kasi ng dinadala mo lang eh yun bang sa tuwing magkasama kayo palagi, tinatago mo lang yung nararamdaman mo? Na pinipigilan mo lang?” ito ang mga nasa isip ni Gerald.

“Bro! Sure ka ba talaga?” tanong ni Fred. Tinulungan siya si Fred na ayusin yung daycare center para sa kanyang pagtatapat.

“Oo! Wala nang atrasan ito!” sabi ni Gerald.

“Pano kapag nalaman ni Nanay?”

“Saka ko na poproblemahin yun! Ang bigat na ng kalooban ko eh hindi ko na maitago. Gusto ko nang ilabas!!!”

“Kaya lang may sabit si Sarah!”

“Bahala na. Pero at least nasabi ko sa kanya yung nararamdaman ko!”

“Diba close na kayo ngayon, eh pano pagkatapos mong sabihin yung nararamdaman mo biglang magbago ang lahat?”

“Fred pwede ba? Tama na muna ang mga tanong! Mag-ayos na lang tayo dito kasi baka mamaya dumating na si Sarah di pa tayo ayos!” sabi ni Gerald at inayos nila ang daycare.

Puspusan na talaga ang paghahanda ni Gerald sa gagawing pagtatapat mamaya kay Sarah. Tinuruan niya na ang mga bata sa kung ano ang gagawin nila mamaya pagdating ni Sarah. Si Sarah naman ay nakatulog nang mahimbing at saktong di siya nagising nang maaga.

“Hala!!! Late na ko!!!” sabi ni Sarah pagkatingin sa kanyang relo. “Bakit wala man lang nanggising sakin? Asan na ba si Gerald??” naghanap hanap siya sa paligid nang may nakita siyang note.

Pumunta ka sa may daycare mamaya pagkagising mo. Sinadya ko talaga na hindi ka gisingin. May gagawin at sasabihin lang akong importante.

-Gerald

“Ano naman kaya yung gagawin at sasabihin niya? May kinalaman ba ito sa pagtatanong niya kagabi sakin? Di kaya ako talaga yung babaeng tinutukoy niya dun? Hay ewan!” naguguluhang mga tanong ni Sarah sa kanyang sarili.

Sinunod naman ni Sarah ang utos ni Gerald. After niyang kumain at maligo ay pumunta na siya sa daycare at nagtaka naman siya sa mga batang nagbibigay sa kanya ng rosas. “Parang alam ko na.” ito agad ang pumasok sa isip ni Sarah habang nangyayari ang bigayan ng rosas. Sumunod na nangyari ay nag-form na ang mga bata ng isang straight line at isa-isang humarap. Ang nakalagay sa kanilang likod ay “MAHAL KITA SARAH.” After nun ay lumabas na si Gerald at nagbigay ng isang bungkos na rosas na bulaklak.

“Ano ibig sabihin nito Gerald?” sabi ni Sarah.

“Sarah, ikaw yung babaeng tinutukoy ko kagabi nung nag-usap tayo. Oo Sarah, inaamin ko na mahal kita. Alam kong hindi naging maganda ang simula natin pero naging close naman tayo di kalaunan. Oo Sarah, alam kong hindi naman ako tulad ninyo na mayaman pero pangako na mamahalin kita ng parang isang prinsesa.” mahabang sabi ni Gerald.

“Gerald, alam mo naman na may boyfriend na ko.”

“Alam ko yun Sarah pero hindi ko na talaga kaya pang itago yung nararamdaman ko sayo. Ang hirap eh! Diba ikaw na nga ang nagsabi na at least nasabi ko yung nararamdaman ko para sa isang taong gusto ko kahit na mailang pa siya o iwasan niya ako. Yun yung ginagawa ko ngayon.”

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon