Chapter 16 - Parting ways

2.1K 29 3
                                    

Nakalabas din agad ng hospital si Sarah. Di rin naman siya nagtagal dahil maayos naman ang kanyang kalagayan at wala din namang naging kumplikasyon matapos niyang malunod. Di na talaga siya pwede pang magpagod masyado dahil nga may hika siya. Aalis na rin siya sa bahay nila Gerald dahil tapos na ang kanyang parusa kay Delfin.

“Babalik ako sa bahay nila Gerald kung saan nagsimula ang lahat. Jusko po!” sabi ni Sarah sa kanyang sarili habang papalapit na siya ng papalapit sa bahay. Bumaba siya ng sasakyan.

“Sarah?! Anong ginagawa mo dito?” sabi ni Fred.

“Kukunin ko lang kasi yung mga gamit ko dyan.”

“Bakit? Uuwi ka na ba?”

“Oo. Uwi na ko dun sa bahay ni Daddy tsaka tapos na din naman yung parusa eh. Bati bati na rin naman kami so baka bumalik na kami ng Manila.”

“Sarah! Andito ka pala! Halika pasok ka!” sabi ni Nhila.

“Good evening ho!” sabi ni Sarah.

“Si Sarah?! Andito? Talaga?!? Andito nga!” sabi ni Gerald pagkakita kay Sarah na papasok ng kanilang bahay. “Hi Sarah!”

“Hi!”

“Sarah ano bang gusto mo? Gusto mo bang kumain o nang maiinom?” sabi ni Nhila.

“Hindi na ho. Kukunin ko lang naman yung mga gamit ko tapos aalis na rin ho ako.”

“Aalis ka?” tanong ni Gerald.

“Oo. We’re going back to Manila.” sabi ni Sarah at pumasok na sa kwarto nila dati ni Gerald at kinuha na ang kanyang mga gamit.

“Kelan? Gusto mo tulungan na kita dyan?”

“Hindi na! Kaya ko na ‘to.”

“Sigurado ka?”

“Kaya na nya daw! Ang kulit mo!” sabi ni Fred. “Halika nga!” at lumabas sila ni Gerald nang bahay habang si Sarah ay patuloy pa din sa pag-aayos.

“Ano ba bro! Naguusap pa nga kami ni Sarah eh!” sabi ni Gerald.

“Baliw ka ba Ge? Ano ba sa tingin mo yung ginagawa mo kanina?”

“Eh di kinakausap?! Gunggong ka ba ha?!?”

“Hindi! Ang ibig kong sabihin, bakit ba masyado mo siyang kinukulit sa mga bagay bagay eh naiilang na nga siya dahil dun sa sinabi mo!”

“Ganun ba? Hindi ko kasi napapansin eh. Ang gusto ko lang naman ay kausapin siya nang magkalinawan kami.” sabi ni Gerald sa kanyang sarili.

“Hoy!!!!”

“Hindi ko na kasi alam yung gagawin ko eh.”

“Ay nako! Tinamaan ka na talaga ng todo kay Sarah! Eh anong gagawin mo nyan aalis na pala sila papuntang maynila?”

“Hindi ko alam! Bahala na!”

“Alis na po ako!” sabi ni Sarah sa loob at buhat buhat niya ang kanyang mga gamit. Pumasok naman agad sina Fred at Gerald nang marinig ito.

“Sarah gusto mo tulungan na kitang buhatin yan pabalik sa inyo? Mejo malayo pa kasi ang lalakarin eh mabibigat yang mga dala mo!” sabi ni Gerald.

“Hindi na. May sasakyan naman akong dala eh.” sabi ni Sarah. “Sige ho! Mauna na ho ako Nay! Salamat sa inyo ha! I’m going to miss you all. Hindi ko kayo makakalimutang lahat.” tuluyang umalis na si Sarah.

“Kami rin!” sabi ni Fred.

“Ayaw niya talagang tanggapin yung tulong ko.” malungkot na sabi ni Gerald sa kanyang sarili.

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon