Matthew 7:24-27

2 0 0
                                    

December 3, 2020
#GospelReflectionChallenge

'Strong foundation'

Is the Lord Jesus and his word is the foundation of your life and your way to live?

This 2020, madami nang mga pagsubok ang nagdaan. Iba't ibang sakuna na ang ating nalagpasan. Ngunit ngayong araw, pinababatid Niya sa ating ang kanyang kapangyarihan.

Mabilis makinig, mabilis magbasa
Ngunit mahirap gumawa!
Mahirap kumilos ayon sa kalooban Niya
Lalo na kapag ang puso'y hindi handang umunawa

Sinasabi sa Ebanghelyo, maging handa tayo sa lahat ng oras at pagkakataon. Hindi yung kung kelan lang may parating na bagyo tsaka lang tayo lalapit sa Kanya at tatakbo. Nawa'y maging matalino tayo sa pagtatayo ng ating tahanan. Manahan nawa sa ating puso ang Kanyang pagmamahal at pananampalataya.

Dear Lord,
Ikaw lamang Hesus ang aming pundasyon na makakatulong sa aming lahat. Nawa'y tulungan mo po ang bawat isa na mas piliin ang inyong kalooban kaysa sa amin mga kagustuhan. May I/we be a doer of your word and not a hearer and talker only. Jesus, I always trust in you. Amen.

December: Gospel Reflection 2020Where stories live. Discover now