Luke 7:18-23

0 0 0
                                    

December 16, 2020
#GospelReflectionChallenge

'Doubt No More'

Buo nga ba talaga ang loob mo sa Kanya?
Walang duda o pangamba?
Buong pagtitiwala't pananampalataya?

Ngunit naranasan mo na bang magduda o mangamba? Dahil sa mga problema. Dahil sa mga bagay na hindi mo inaasahang mangayayare pala. Na kahit buo naman ang iyong tiwala ngunit nakakadama pa din ng takot at pangamba.

Hindi naman talaga madali.
Ngunit ika nga, sa Kanya'y walang imposible.
Ang Diyos ay napakabuti.
Pagmamahal, pagmamalasakit at paggabay ay pinapadama palagi.

Kaya tayo na, ibigay na natin sa Kanya
Ang lahat ng ating problema
Alisin na ang takot at pangamba
Upang ang buhay natin ay maging masaya at magkaroon tayo ng pusong payapa

DOUBT IS THE OPPORTUNITY OF FAITH
Doubt is useful, it keeps faith a living thing. After all, you cannot know the strength of your faith until it has been tested – David Magee.

1/9 ❤️

December: Gospel Reflection 2020Where stories live. Discover now