December 21, 2020
#GospelReflectionChallenge'Visitation'
Ang pagbisita ng Inang Maria sa kanyang pinsang si Sta. Elisabet.
Ang saya mainlove no! Ang hirap lang din kase talagang itago ito. Yung pagmamahal na walang kapantay. Yung pagmamahal na walang kapalit. Yung pagmamahal na walang dapat patunayan. Lahat magagawa natin kapag nagmamahal tayo.
Pagmamahal ng anak sa magulang, pagmamahal ng magulang sa anak, pagmamahal sa kamag-anak, pagmamahal sa kaibigan at pagmamahal sa kapwa.Ngayong panahon ng pandemic, wala masyadong gathering. Kaya naman halos lahat ay may lungkot na nadarama. Ngunit ang mahalaga naman sa panahon ito ay ang hindi natin paglimot sa kanila. Sapat na alalahanin natin sila sa pamamagitan ng ating mga panalangin.
Tayong lahat ay inaanyayahang maging katulad ng birheng Maria na marunong magpakumbaba at hindi nakalilimot sa mga taong mahahalaga sa kanya kahit na malaki ang ginagampanang misyon.
Ngayong darating na ang Pasko, nawa’y kilalanin rin natin ang pagdalaw ng Diyos sa ating buhay at katulad nina Birheng Maria at Elisabet, tanggapin nawa natin ang kanyang dakilang kalooban at presensiya nang buong pananampalataya at pasasalamat.
YOU ARE READING
December: Gospel Reflection 2020
SpiritualTo deepen our faith and to seek God more.