Matthew 1:18-25

0 0 0
                                    

December 18, 2020
#GospelReflectionChallenge

'Call of Faith'

Alam mo ba?
Idineklara ni Pope Francis ang Year of Saint Joseph, mula December 8, 2020 hanggang December 8, 2021. Ito ay para gunitain ang ika-150 anibersaryo ni St. Joseph bilang Patron of the Universal Church, ayon sa Vatican News.

Sa mensahe ni Pope Francis sa kaniyang Apostolic Letter, sinabi niya na huwag natin kalimutan ang mga "ordinary people" na tulad ni St. Joseph na nagtatrabaho at nagsasakripisyo kahit hindi napapansin ng iba sa gitna ng pandemya.

Grabe din talaga ang faith ni Papa Joseph no.
Kakaamaze lang on how he obey the word and promise of God. Sadyang dapat nating siyang tularan sa kanyang ipinakitang pananampalataya sa Diyos. Marami mang katanungan at gustuhin na hindi mapahamak ang ating Mahal na Ina. Ngunit nanatili pa din siya sa piling nila.

Isang ordinaryong tao na sumunod sa kalooban ng Diyos. Wala na ngang hihigit pa sa lahat kung ang buhay natin ay inaayon sa Kanya. Ang sayang dulot nito ay hindi mapapalitan ng anumang materyal na bagay. Walang takot at pangamba, buhay ay puno ng galak at saya.

Like Mama Mary, Papa Joseph is also a model of faith. He is a faithful witness and servant of God's unfolding redemption. Ikaw? Handa ka bang sumunod sa kalooban ng Diyos para sa buhay mo? Handa ka bang maniwala sa kung anong magagawa niya para sayo?

Lord Jesus Christ, you come to save us from sin and the power of death. May we always rejoice in your salvation and trust in your divine plan for our lives. Let us celebrate Christmas, the feast of the Incarnation with our joyful hearts. Let us renew our faith and hope in God and in His redeeming work. Amen.

December: Gospel Reflection 2020Where stories live. Discover now