Ramdam na ramdam ko ang katahimikan at kalungkutang bumabalot sa classroom. May iba akong kaklaseng humihikbi parin at hindi makapaniwala.
Pagkatapos makuha ang bangkay kanina ni Danica ay nag resume na ang klase. Pati ang mga gurong pumapasok sa aming classroom ay nalulungkot sa tuwing napapatingin sa upuan ni Danica.
Tulala lang ako buong klase at mabuti na lang at naintindahan 'yon ng mga guro lalong lalo na saamin na siyang matalik na kaibigan ni Danica.
Lunch time at wala ni isang tumayo saaming pito. Lahat kami'y tahimik lang at pinakikiramdaman ang katahimikan.
Kung normal na araw lang ito ay sisigaw na si Danica na pumunta na kami sa Canteen at libre niya nguni't wala na siya.
Hindi ako nakaramdam ng gutom at sa tingin ko'y ganun din sila.
“Kain muna tayo guys kailangan nating tanggapin na... wala na si... si D-Danica,” saad ni Alice. Maluhaluha pa itong sambitin ang pangalan ni Danica. Wala akong balak magsalita ngayong araw at tila ganon din ang mga kasama ko.
Nang mapansin ni Alice na walang tumutugon ay bumalik na lang siya sa upuan niya.
Hapon na nguni't tulala parin kaming lahat. Wala kaming magagawa kung buong buhay lang kaming nakatunganga. Tumayo na ako naglakad patungo sa pinto.
“Uuwi na ako,” maikling saad ko. Nagsitayuan naman sila at kinuha ang bag nila.
“May funeral mamaya sa bahay nila Danica. Susunduin ko nalang si Rose at Farrah since madadaanan ko lang ang mga bahay nila,” saad ni Yohanne. Tumango naman ako bilang tugon.
Lumabas na kami sa gate at naglakad lang ako pauwi since may pupuntahan pa si Yohanne at Rose.
Habang naglalakad ako ay biglang sumulpot sa isip ko ang sinabi nong matanda, “May masamang espiritu ang nakasunod sainyo at wala siyang planong tantanan kayo hangga't hindi kayo namamatay. Gumising ka iha! Isa itong masamang bangungot! Kailangan niyong makalabas!”
Paulit-ulit na nag echo yon sa isip ko, bigla akong kinalibutan. Hindi kaya? Hindi kayang hindi talaga nagpakamatay si Danica at pumatay sa kaniya at 'yon ang sinsabing masamang espiritu 'nong matanda?Umiling ako sa naisip ko. Base sa report ng mga Pulis ay pati sila'y sinasabing suicide ang nangyari kay Danica. Pero alam ko sa sarili kong hindi niya magagawa iyon.
Nakarating ako sa bahay at agad naman akong sinalubong ni Mama. Alam na siguro niya ang balita.
Naisip ko ang mga magulang ni Danica. Nag iisang anak lamang nila si Danica at sigurado akong masakit ito para sa kanila.
“Anak okay ka lang ba?” tanong ni Mama sa akin. Binigyan ko siya nang maikling tango.
“Jusko hindi ko inaasahang magagawa niya 'yon!” sambit ni Mama. Wala ako sa mood para magsalita ngayong araw kaya dumiretso na ako sa kwarto.
Nagbihis ako nang kulay itim na damit nagsisimbolong nagluluksa ako sa pagkawala ng aking kaibigan.
Ilang sandali pa ay narinig ko na ang paghinto ng sasakyan sa tapat ng bahay namin.
“Ma, aalis muna ako,” pagpapaalam ko. Nagets naman siguro ni Mama saan ako pupunta kaya nama'y tumango lang ito sa akin.
“Sa huling gabi na ako sasama anak!” saad ni Mama. Tumango ako at lumabas na. Hindi nga ako nagkamali at ang van nga ni Yohanne ang huminto sa tapat ng bahay.
Kasama niya naman si Rose na tulala parin. Napansin nila ako. Ngumiti ng konti si Yohanne sa akin. Pumasok na ako sa loob ng van at pinaandar na ni Yohanne 'yon paalis.
Tahimik lang kaming tatlo sa loob ng van at ni isa'y walang planong magsalita.
Pagdating namin sa bahay nila Danica ay marami naring tao at karamihan ay mga kaklase ko.
Bumaba na ako sa van ni Yohanne at ganun din si Rose habang si Yohanne naman ay naghanap pa ng mapaparkingan sa rami ng sasakyan nakaparking sa labas.
Napatingin ako sa malaking bahay nila Danica. Huling punta ko rito ay noong nakaraang buwan pa at hindi oo ko inaasahang makakapunta ulit ako rito pero para na sa lamay ng aking kaibigan.
Pumasok na kami at nandoon na pala sina Megan, Alice, Thunder, Elvin at Louis. Nakaupo sila sa harap ng kabaong ni Danica.
Tila nanghina ang tuhod ko habang nakatingin sa kabaong ng kaibigan ko. Wala ni isa saaming nag akala na mangyayari ito.
Bago ako dumiretso sa mga kaibigan ko ay nahagilap ko naman ang Mommy ni Danica na nakaupo sa gilid. Mugto ang dalawang mata nito at halatang galing lang sa iyak.
Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Agad naman niyang napansin ang presensiya ko.
“Ikinalulungkot ko ho ang nangyari kay Danica,” panimula ko. Nang makita niya ako ay agad naman itong yumakap sa akin. Kilala na ako ng mga magulang ni Danica at palagi akong nandito sa bahay nila noon.
“Iha.. Hindi ko batid maisip na magagawa 'yon ni Danica!” humihikbing saad ng Mommy ni Danica.
Nanatili akong tahimik at hinayaan itong humikbi habang nakayakap sa akin.
Nang mahimasmasan na si Tita ay bumitaw na ito sa akin. Huminga ako ng malalim at pinahid ang luha sa aking pisnge.
“Tita,” mahinang tawag ko. Napalingon naman ito sa akin.
“May napansin po ba kayong kakaiba kahapon o noong nakaraang araw kay Danica?” seryosong tanong ko. Nag iba naman ang mukha ni Tita.
“Noong nakaraang araw, p-parang palagi nalang itong tulala at minsan nama'y naririnig ko itong tumatawa at bigla na lamang umiiyak sa kaniyang kwarto. Akala ko nga may kausap nguni't mag isa lang naman ito. Noong isang araw ay naikwento niyang nanaginip siyang pinapatay raw siya ng isang babaeng duguan.” Nanindig ang balahibo ko at hindi makasagot sa sinabi ni Tita.
Napahiyaw ang lahat ng bigla nalang na off ang lahat ng ilaw. Hindi ako tumayo sa kinauupuan ko. Abala naman ang lahat kakahanap ng flashlight.
Mabuti nalang at bumalik din naman ito agad. Nakahinga ako ng malalim. Nguni't laking gulat ko nang mapatingin ako sa aking kamay na puno na ng dugo.
Dali dali akong tumayo at naghanap ng tubig upang mahugasan ito kaagad. Pero pagkurap ko ay nawala naman ito agad. Napailing ako. Pinuntahan ko na lamang ang mga kaibigan ko.
“Brown out?” tanong ko.
“Yata,” maikling tugon ni Elvin. Tumabi ako kay Megan na nakatitig lang sa kabaong ni Danica.
“Megan.” Tila nagulat ito nang tapikin ko ang balikat niya.
“Okay ka lang?” dagdag tanong ko. Umiling lamang siya.
“Sa tingin mo ito ba yong sinasabi 'nong matandang nakausap mo sa jeep?” Napako ang tingin ko kay Megan. Iniisip din pala niya ang iniisip ko.
“Hindi ko alam,”nalilitong tugon ko.
Hindi ko talaga kasi alam kung dapat ba akong maniwala sa matandang 'yon o kalimutan nalang iyon.Nababagabag padin ako sa sinabi ng Mommy ni Danica kanina. Kagaya ko'y napaniginipan din pala niya ang bangungngot na iyon.
Hindi naman sigurong aksidente lang' yon diba?
BINABASA MO ANG
Wake up
HorrorA group of friends decided to explore a haunted house, they bravely get in not knowing that it would be the start of their nightmare. They successfully go out but they can't escape from it's curse. A nightmare from a nightmare to a nightmare. W...