Wake Up 7

51 13 0
                                    

Araw ng myerkules at ito na ang araw kung saan ihahatid na si Danica sa huling hantunagan niya.

Unti-unti ng nawawala sa paningin namin ang kabaong ni Danica habang rinig na rinig ko sa aking paligid ang hikbi ng mga malalapit na tao sa kaniya.

Hindi ko maiwasang lumuha rin sapagka't madami rin kaming pinagsamahan ni Danica at ang buong grupo.

Kahit ang mga lalaki kong kaibigan ay hindi maawat ang mga luha nilang tumutulo galing sa kanilang mga mata.

Naramdaman ko na yumakap sa akin si Megan at Alice na kapwa humihikbi.

“Hinding hindi ko siya makakalimutan,” saad ni Megan. Napatango naman kami ni Alice. Rest in peace Danica.

Sabay-sabay kaming bumalik sa bahay nila Danica at doon kami pinadiretso ng mommy niya.

Hanggang ngayon ay tahimik padin kami.

“Kaya pala ang aga ni Danica noong lunes may plano pala siya,” malungkot saad ni Alice.

“Ayon sa dalawang kaklase natin na kasabayan niyang pumasok ay mas nauna pa raw ito sa kanila. Pagdating daw nila ay naroon na si Danica habang tulala,” saad ni Louis. Nakapagtataka at wala naman siyang boyfriend at wala rin siyang problema sa pamilya niya.

Open na tao si Danica at malabong may nilihim siya sa amin.

“Maaga rin akong dumating sa classroom no'n, nadatnan ko siyang nakaupo sa upuan niya habang nakatitig lang sa bintana. Agad ko siyang pinuntahan para tanungin kung okay lang ba siya at sinagot niya naman ako na okay lang daw siya but I felt something strange sa kaniya that time. From her seat ay tumayo siya at ngumite sa akin na pupunta lang daw siyang rooftop. If I only knew na may mangyayaring masama sa kaniya that time sana ay sinamahan ko na siya,” saad ko.

“Walang may kasalanan dito Far. Even Danica she's just a victim,” tugon ni Louis.

Nanahimik na kami pagkatapos non. Nakarating na kami sa bahay nila Danica. Wala nang tao at sobrang tahimik na nang buong bahay nila.

Agad akong bumaba sa van at ganoon din sila. Hinintay muna namin si Yohanne para sabay na kaming pumasok lahat.

Nakakabingi ang katahimikan na bumabalot saaming lahat. Sabay na kaming naglalad papasok at nandoon na pala si Tita at Tito.

I can trace sadness on their faces. Their Danica passed away and it maybe their biggest lost.

“Pasok kayo,” panimula ng Mommy ni Danica. Pumasok kami at umupo sa sofa ng living room nila.

Maraming salamat at naging mabuti kayong kaibigan sa anak ko. Hindi ko alam bakit nagawa niya yon pero alam kong may mas malalim siyang rason,” saad ni Tita. Her tears runs down to her cheeks. Tito pat Tita's shoulder.

“Alam mo pa naming may mas lalim na dahilan sa Danica Tita. She's a good friend for us,”  salaysay ni Thunder. We all agree.

Ilang minutong kwentuhan pa ay tinawagan na si Yohanne na pinapauwi na raw siya ng kaniyang Mommy kaya nama'y napagdesisyunan naming umalis na. Tumayo na silang lahat kaya tumayo narin ako nguni't bago pa man ako makaalis ay tinawag ako ni Tita.

“Farrah iha.” Napatigil ako at lumingon ulit kay Tita. Lumapit ito sa akin at binigay sa akin ang isang pamilyar na cellphone.

“Nakita ko ito sa drawer ni Danica may nakasulat na ibigay ko raw saiyo.” Kumunot naman ang noo ko. Bakit sa akin ibibigay ni Danica ang cellphone niya? Kung plano nga niya ang lahat maaaring sinulat niya yong sulat kaninang umaga bago siya umalis o hindi kaya'y noong araw pa ang sulat na yon dahil alam niyang may mangyayaring masama sa kaniya. I don't know.

Tinanggap ko naman ang cellphone na binigay ni Tita at naisip ko na baka ay may tinago rito si Danica para malinawan ako sa mga tanong na bumabagabag sa akin.

“Salamat ho Tita. Aalis na ho ako. Be strong Tita.” Umalis na ako nang tuluyan habang hawak-hawak ang cellphone ni Danica. Inilagay ko ito sa bulsa ko at pumasok na sa van at naghihintay na ang mga kaibigan ko.

As usual kaming tatlo lang ni Rose at Yohanne magkasama since magkaiba kaming ng ruta sa nila Alice, Elvin, Louis and Megan.

Pagdating ko sa bahay ay wala akong nadatnan. Agad naman akong nakarecive ng text galing kay Mama na nasa kapitbahay ito. It's one of her hobbies ang makipagchismiss sa mga kapitbahay namin.

Dumiretso ako sa kwarto ko at binuksan ang cellphone ni Danica pero nagulat ako nang may password. I don't know how to open this since ang nakalagay lang sa letter ay ang pangalan ko. Siguro'y nakalimutang ilagay ni Danica. Maraming mga bagay ang bumabagabag sa akin ngayon. I need complete answers.

“Ahh!” nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Mama sa labas. Agad akong lumabas sa kwarto ko at nakahinga ako ng malalim nang makitang okay lang si Mama at nakahawak lang ito ng tsinelas at pilit pinapalo ang ipis na panay ang lipad.

Huminga ako ng malalim at dumiretso sa kusina. I need to drink water. I don't know but these past few days ay nagiging paranoid na ako.

“Oh anak,” bungad ni Mama habang winawalis ang ipis na tuluyan na nga niyang napatay.

“Okay ka lang ba? Para kang nakakita ng multo diyan,” natatawang saad ni Mama. Umiling lang ako sa kaniya at dumiretso sa couch para manood na lamang ng TV.

Pangit ang palabas kaya nama'y napagdesisyunan kong maghanap na lamang ng maluluto sa ref.

Wala tayong ulam Ma?” tanong ko kay Mama na ngayon na ma'y abala sa pagtutupi ng mga damit.

“May karne sa ref nak adobohin mo yon.” Tanging tango na lamang ang aking naging tugon.

Niluto ko na ito at kumain na kami ni Mama. Pagkatapos ay natulog na ako at wala naman akong gagawin pa.

Pinilit kong matulog nguni't hindi parin ako makatulog. Madami akong iniisip na gusto kong masagot.

Alas 2 na nang umaga nguni't gising padin ako. Bumangon ako at lumabas sa kwarto ko at plano kong magtimpla na lamang ng gatas upang makatulog.

Paglabas ko sa aking kwarto nang may matanaw akong babae na nakaupo sa couch. Hindi ko ito masyadong matanaw at naka off ang ilaw.

Binalot ako nang takot at tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. Hindi naman si Mama ito at mataas ang kaniyang buhok. Imposible namang may nakapasok sa bahay namin at sinigurado namin ito kanina na lock talaga.

Nagulat ako nang bigla itong lumingon sa akin. Hindi makagalaw ang aking dalawang paa at hindi rin ako makasigaw. Tila napako ang aking tingin sa dalawang itim niyang mata. Duguan ang kaniyang mga mukha at puro dugo ang kaniyang katawan. Nagulat ako nang tumayo at naglakad papalapit sa akin. Gustong gusto kong tumakbo nguni't hindi ko iyon magawa.

Siya ba ang pumatay kay Danica?

One last step ay maabot niya na ako. Tila hindi ako makahinga nang papalapit na papalapit na ito sa akin.

Pumikit na lamang ako sa takot.

“Anak!! ALAS SYETE NA!”

Nagising ako na hapong hapo habang nakahawak sa aking puso.

Napanaginipan ko na naman iyon.
May koneksiyon ba siya sa mga nangyayari sa amin?

Wake up Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon