Wake Up 14

39 10 9
                                    

“Do you think makakayanan natin to?” Napatingin ako kay Megan. Kitang kita ko sa mata niya ang takot at pangamba.

Of course we can,” tugon ko. Pauwi na kami galing sa Tita niya. Kailangan naming gawin ang sinabi ng Tita niya para matapos na ang lahat ng to.

“Pano tayo makakarating 'don?” tanong ni Megan. Pati ako ay hindi ko alam at wala naman kaming sasakyan sa katunayan nga ay nagtaxi na lamang kami ngayon pauwi.

Kailangan muna naming puntahan ang mga kaibigan namin. Hindi ko napansing tumulo na pala ang aking luha. Wala na ang mga kaibigan ko. Yumuko ako upang hindi mapansin ni Megan na umiiyak ako.

Dumiretso kami sa bahay nila Alice para masama namin siya. As long as possible dapat ay walang maiiwan o malayo man lang sa amin.

When we arrived, I remembered all the memories we've been through in this house. As always ito ang palaging venue namin pag may kasayahan kaming ginagawa. We spent more time here. Umiling ako nang maramdaman kong nagbabadya na naman ang luha ko.

“Sad,” bulong ni Megan habang nakatingin sa kabuoan ng bahay.

“Let's get in,” saad ko. Agad naman siyang sumunod sa akin. Pinahintay na muna namin ang taxi para naman ay may sakyan pa kami patungo kina Rose.

Sarado ang pintuan kaya nama'y kumatok pa kami. Agad namang lumabas si Alice.

“Tara na?” tanong niya. Tumango naman kami. Pumasok ito saglit at hindi narin kami nag-abalang pumasok pa at may kukunin lang naman din si Alice.

Mabilis naman itong nakabalik kaya agad nadin kaming umalis at dumiretso sa bahay nila Rose.

Kalungkutan ang bumungad sa amin. Marami naring tao since marami-rami rin silang  kamag-anak. Bukas pa uuwi ang Mama ni Rose since nahirapan itong magpaalam sa mga amo niya.

Naglakad kami papasok sa bahay nila Rose. Nadaanan pa namin ang mga kapitbahay nilang abala sa pagbabaraha. It's like they came here to play at hindi talaga makiramay. I made a heavy sighed as we entered their house. Kung sinamahan ko kaya si Danica nong araw na 'yon sa rooftop mamatay kaya siya? Kung pinigilan kaya namin si Yohanne na mag out of the town maaksidente kaya siya? Kung nabantayan kaya namin ng maigi si Rose, mamatay kaya siya? Kung hindi kaya namin hinayaan sila Thunder, Elvin at Louis na umalis mamatay kaya sila?

Kanina pa pala ako nakatulala sa kabaong ni Rose. Payapa lamang itong nakahiga sa puting kabaong. Umiwas ako ng tingin at umupo ako sa upuan malapit sa kabaong ni Rose. Tumabi naman sa akin si Megan at Alice na humihikbi na ngayon at hindi nila mapigilan ang sarili.

Hindi kami nagtagal doon at may iba pa kaming kaibigan na nag-aantay sa amin. Tila dinudurog ang puso ko sa mga pangyayaring hinaharap namin ngayon. Kung alam ko lang na dahil sa pagpunta namin sa haunted House na 'yon ay mawawala sila sana ay pinigilan ko na sila.

Wala na kaming masakyan kaya naman ay nag grab nalang kami. Pupunta kami sa bahay nila Elvin ngayon.

Binabaybay namin ang daan patungo sa bahay nila Elvin. Hindi ko maiwasang mamiss ang mga corny niyang banat at jokes para lang mapasaya ang grupo.

Bumaba kami sa sasakyan at dumiretso sa bahay nila. And dating makulay na bahay nila Elvin ay nabalutan ng kalungkutan. Siya kasi ang palaging nagbibiro sa grupo at the same time siya 'yong nagpapatawa sa pamilya niya. How I missed him.

Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang nag iiyakang pamilya ni Elvin. Probably hindi pa nila matanggap ang nangyari sa anak at kapatid nila.

“My condolences po T-tita.”saad ko. Yumakap ang Mommy ni Elvin sa akin. Hindi ko narin naiwasang mapaluha. Napatingin ako sa dalawang kapatid ni Elvin, naaawa ako sa kanila.

Wake up Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon