Wake Up 11

43 10 0
                                    


I made a deep sighed as I stared into my friend's coffin. I j-just can't believe about what happened. Kausap ko pa lang siya kanina.

Rose is still crying and she's still in pain. Of course Yohanne is her boyfriend. Hindi ko alam pano e-comfort ang mga kasama ko na makakayanan namin to because honestly pati ako ay hindi ko kayang e-comfort ang sarili ko. Parang unti-unti naring nawawala ang tiwala ko.

I'm scared. What if this wouldn't be the last time?

Yohanne's family is now in depth sorrow. Tahimik lamang kami opposite sa mga taong nandito para makiramay. Maraming mga naglalaro ng baraha at ang iba nama'y nakikikape lang.

Hindi ko alam anong dapat naming gawin after this. This is too much for us.

“Uuwi ka ba Far?” Napatingin ako kay Megan. Bigla akong nalungkot at noon ay ang kasama ko palagi ay si Yohanne at Rose habang ngayon nama'y wala na siya.

“Si Mama lang mag-isa sa bahay. Kailangan kong umuwi Meg,” mahinang saad ko. Napatango naman siya. Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko. 10 pm.

“Hatid kana namin. May dalang sasakyan si Papa,” saad ni Megan. Nahihiya man ay tumango na lamang ako. Kailangan kong uwian si Mama.

“Okay lang ba?” balik tanong ko. Tumango naman si Megan. Nagpaalam muna kami sa ibang kaibigan namin. I hugged Rose before we leave Yohanne's house.

Malamig na hangin ang aking nararamdaman habang binabaybay namin ang madilim na daan. Wala niisang nagsalita mula sa amin. Nakatingin lamang ako sa bintana ng kotse nila Megan, nakatingin sa bawat bahay na aming nadadaanan.

“Farrah! Wake up!” minulat ko ang aking mata at nang marinig ko ang pamilyar na boses na tinatawag ang aking pangalan.

Inilibot ko ang aking tingin at napagtanto kong nasa classroom pa pala ako.

“Padating na si Maam,” balita ni Rose. Inayos ko ang aking buhok at pinahiran ang konting pawis mula sa aking noo.

Pumasok na ang aming guro at malungkot na tumingin sa paligid.

My condolence to Yohanne's friends and family,” panimula nito. Napatingin naman ako sa tatlong bakanteng upuan na malapit sa akin. Wala na si Danica at Yohanne. Absent naman si Rose at hindi parin niya matanggap ang lahat. Mahirap man para sa amin bilang kaibigan niya ay kailangan padin naming harapin ang kasalukuyan. We need to continue our lives.

Nag discuss lang si Ma'am. Tila pati ito ay naapektuhan sa kalungkutan dulot nang ambiance sa buong klase.

Isang linggo narin pala ang lumipas.
After ng klase ni Maam ay tahimik padin ang buong classroom. Kung normal na mga araw lamang ito ay sigurado akong napakaingay na naman ng mga kaklase ko na pinamumunuan ng kaibigan ko.

Napagplanuhan namin na dalawin si Rose mamayang hapon after pag-uwi namin.

Dumaan ang mga oras at tulala lang kaming lahat sa kawalan. Sabay-sabay kaming lumabas sa classroom at dumiretso sa parking lot kung saan nakapark ang sasakyan ni Thunder.

“Let's go,” saad ni Thunder. Katabi ko ngayon si Megan at Alice habang sa likod naman ay si Elvin at sa front seat si Louis.
Mahina lang ang pagpapatakbo ni Thunder hindi katulad nang dati.

Parang bumalik ako sa mga alaalang kompleto pa kami at puno ng tawanan ang buong kotse ni Thunder, nguni't ngayon ay ni isa sa amin ay walang balak magsalita.

Narating na namin ang bahay nila Rose. Tahimik lamang ito. Abroad ang mama ni Rose at wala na itong ama.

Bukas naman ang gate kaya pumasok na kami. Kunatok ako sa main door nila pero walang bumubukas.

“Yohanne!” nagulat kami nang marinig namin ang sigaw ni Rose mula sa loob.

“Rose kami to,” saad ni Thunder. Tumahimik ang loob ng bahay kasunod ng malaking halakhak ni Rose. Kinabahan ako kaya nama'y binuksan na namin ang pintuan. Bumungad sa amin ang sala nila kung saan nakahiga si Rose habang tumatawa.

Agad namin siyang nilapitan.
“Hey!” wika ni Elvin at tinapik-tapik ang balikat ni Rose. Tila bumalik ito sa kaniyang sarili at napatigil sa pagtawa.

“Guys?” Inilibot niya ang kaniyang paningin ng mapagtantong kami ito. Pinahiran ni Rose ang luha niya at inalalayan namin siyang makaupo sa sofa.

I can see pain on her eyes. She's still in the midst of sorrow.

“Ang sakit!” sigaw ni Rose at umiyak na naman ito. Niyakap lang siya ni Megan at tinapik-tapik ang likod niya.

“Ssshh we are here for you,” Thunder stated. Tahimik lang akong nakamasid sa kanila. Bawat hikbi ni Rose ay sumasakit ang puso ko.

Nang mahimasmasan na siya ay nagpaalam muna si Rose na mag-ccr. Agad naman siyang sinamahan ni Alice at baka ano pang gawin nito habang naiwan kami lahat sa sofa.

“I know siya ang pinaka nasaktan sa ating lahat,” panimula ko.

“I saw how they love each other,” dagdag ni Louis. Yeah they're really a great couple. Matagal na sila ni Yohanne pero never silang nagbreak, tampuhan oo but hindi sila umabot sa punto na iwan na talaga ang isa't isa.

WAAH!”
Napatayo ako ng marinig ko ang sigaw ni Alice. Dali-dali kaming tumayo at pumunta sa CR kung nasaan sila.

Tila namanhid ang buong katawan ko habang nakatingin sa nakahandusay na katawan ni Rose. Bumubula ang baba nito.

“May pulso pa siya! Dalhin natin siya sa Hospital!” Dali-daling binuhat ni Thunder si Rose patungo sa kotse niya.

“Akala ko gamot ang ininom niya. She said na anti depression daw na gamot ang ininom niya pero lason pala ito,” umiiyak na saad ni Alice.

“Do you see something strange sa kaniya Alice?” tanong ko.

“She was smiling at me.... Creepily,” natatakot na saad niya. Hindi na kami nag aksaya ng oras pa at agad na kaming sumunod sa sasakyan.

Thunder drove the car fastly as he could. He should. Pag dating namin sa hospital ay mabuti nalang ay agad kaming inentertain ng mga nurse at doctor. Dinala aa emergency room si Rose.

Nakatayo lang ako habang nakasandal sa wall.

Kailangan na nating umaksiyon,” kalmadong wika ni Louis.

“Paano?” frustrated na tanong ni Thunder. Hindi ito mapakali at kanina pa ito lakad nang lakad. Sumakit na ang ulo ko kakatitig sa kaniya.

“Hindi ko alam!” sigaw ni Louis.

“May kilala akong makakatulong sa atin!” saad ni Megan. Napatingin kaming lahat kay Megan.

“Espiritista ang tita ko. Marami na siyang mga kaso about spirits baka matulungan niya tayo,” dagdag niya. Napatango ako.

“Pag okay na si Rose. Didiretso tayo sa kaniya. But for now kailangan tayo ni Rose,” saad ko. Tumango naman silang lahat.

Ilang minuto pa ay lumabas na ang doctor. Kinabahan ako sa anumang nangyari kay Rose.

“She's on the stable condition.”

Wake up Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon