Farrah
“This would be an enjoyable ghost hunting of the year!” sigaw ni Elvin. Agad naman siyang binato ni Danica ng maliit na bato.
“Ingay mo!” reklamo ni Danica.
“Nye!” tanging naging sagot ni Elvin at hindi na nagsalitang muli sa takot niyang batuhin ulit siya ni Danica ng bato.“Itutuloy ba talaga natin to?” nag-aalangang tanong ni Megan.
“Of course Megan! Hindi naman siguro kayo duwag right?” natatawang saad ni Alice. Umiling ako sa kanila.
“Hindi ako sasama.” saad ko. Napatingin naman silang lahat sa akin.
“Akala ko ba wala kang kinatatakutan Far? Mukhang sa multo pala! Hahha.” natatawang saad ni Louis. Tinignan ko lang siya. Hindi ako takot sa multo at hindi naman ako naniniwala dito sadyang ayoko sa trip nila.
“Ayokong sumama.” saad kong muli.
“Eh? Kahit birthday gift mo lang sa akin Far please?” pangungumbinsi ni Rose. Birthday kasi niya last week and wala akong any gift na nabigay sa kaniya. So now ginagamit niya 'yon para makasama ako.
“Bibilhan lang kita ng damit Rose. I won't go.” saad ko. Hindi ko alam pero masama ang pakiramdam ko dito and besides wala ako sa mood. I don't want to waste my time spending about nothing.
“No way. Magtatampo talaga ako!” nakabusangot na saad ni Rose. Wtf! Ginagamit niya ang kahinaan ko. I made a deep sighed.
“Fine. Make sure na hindi tayo mapapahamak dito.” I stated. Napangiti naman sila. Ngiting tagumpay.
“Balita ko may multo talaga daw 'don. Naeexcite tuloy ako!” excited na saad ni Elvin.
“Kaya nga. Sikat na haunted house nga diba? Imaginen niyo guys its a big achievement pag nakapasok at nakalabas tayo sa haunted house na' yon,” saad ni Louis.
“Pa'no kung hindi tayo makalabas?” Napatingin kaming lahat kay Thunder.
“Just kidding. Wala namang multo 'dun.” dagdag niya.Mamayang gabi namin balak pumunta sa haunted house na sinasabi nila. Ewan ko anong trip nila sa buhay at naisipan nilang mag ghost hunting. They're just wasting their time.
***
It's already 6 pm at nagbihis na ako para pagdating nila Yohanne at Rose ay diretso na kami. Isang maliit na bagpack ang dala ko with all my necessities like flashlight, cellphone, extra clothes, biscuits and other stuffs.Ayoko talagang sumama sa ganap nila sa buhay but may choice ba ako?
“Ma, may pupuntahan lang ho ako,” paalam ko kay Mama na abala sa panonood ng drama sa TV. Tutok na tutok pa nga ito.
“Saan ka pupunta anak?” tanong ni Mama. Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko alam kung anong idadahilan ko lalo na't hindi naman maaaring sabihin ko ang totoo kung 'san nga ba ako pupunta. Alangan namang sabihin kong sa 'haunted house Ma.' for sure pipigilan talaga niya ako.
Nag-isip akong mabuti kung ano nga ba ang magandang idahilan.
“May group study lang ho kina Alice Ma. Don't worry kasama ko naman sila Rose.” pagsisinungaling ko.
“O siya mag-ingat ka ha, umuwi ka ng maaga.” saad ni Mama. Mabuti na lamang at kumagat si Mama sa rason ko.
Narinig ko na ang bosena ng van ni Yohanne sa labas kaya nama'y nagpaalam na ako at agad lumabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
Wake up
HorrorA group of friends decided to explore a haunted house, they bravely get in not knowing that it would be the start of their nightmare. They successfully go out but they can't escape from it's curse. A nightmare from a nightmare to a nightmare. W...