Pinahid ko ang luha ko at tumayo na. Dumiretso ako sa kusina at kinuha ang isang kutsilyo. Inipit ko ito sa tagiliran ko. Kinuha ko din ang isang galon ng gas at lighter.
Aalis na sana ako ng bahay ng biglang dumating si Mama.
“Oh anak saan ka pupunta?” Napatingin ako kay Mama. Nakangite ito sa akin. May kakaiba sa kaniya.
“May pupuntahan lang po,” sagot ko. Aalis na sana ako nang nakaharang pala si Mama sa daan.
“Hahahaha sa tingin mo makakaalis ka?” Nanlaki ang mata ko nang mag-iba ang tinig ni Mama. No! She's not my mother.
“Hindi mo ako mapipigilan!” sigaw ko sa kaniya. Tumakbo ako papalapit sa kaniya at tinulak ko siya dahilan para masubsob siya sa sahig. How dare her para gamitin ang mukha ng nanay ko!
Hindi ko na nadala ang isang galon ng gas sa pagmamadali ko. Ngunit bago ako makalabas sa gate ng bahay namin ay narinig ko pang sumigaw ito.
“Hinding hindi na kayo makakawala sa masamang panaginip na ito! Hinding hindi na kayo magigising at hindi niyo na ako mapipigilan hahahaha!” tila nanindig ang balahibo ko sa sinabi nito. Siya! Siya yong palaging nasa panaginip ko na pinapatay ako.
Dali-dali akong pumasok sa sasakyan at pinaandar ito. Napatingin naman sa akin si Alice at Megan. Nagtataka pa sila sa inasta ko. Kakagising lang pala ni Alice habang si Megan naman ay napahawak na lamang sa upuan sa lakas ng pagpapatakbo ko ng sasakyan.
“What's with the rush?” tanong ni Megan sa akin.
“Nasa bahay siya. Balak niya tayong pigilan. Kailangan nating magmadali, ” saad ko. Namutla naman sila sa sinabi ko.
“R-really?” tanong ni Alice. Tumango ako bilang tugon.
“Hindi ko nadala ang gas,” saad ko.
“May gas sa bahay! Total madadaanan lang naman natin ang bahay namin.” saad ni Alice. Tumango lang ako.
Tila mas lalong dumami ang iniisip ko lalo na sa nalaman ko kanina. Hindi ko alam anong gagawin ko! Hindi ko kaya.
“Okay ka lang ba Far?” tanong ni Megan sa akin. Tinignan ko lang siya at nagfocus na sa daan.
Nakarating kami sa bahay nila Alice. Siya nalang daw ang bababa at maghintay na lamang daw kami sa kotse.
Ilang minuto pa ay nakabalik na si Alice dala-dala ang isang galon ng GAS. Tinulungan namin siyang ipasok 'yon.
Pinaandar ko na ang kotse. Pinatakbo ko ito ng mabilis. Maraming tumatakbo sa aking isipan. Hindi ko na alam! Mahirap.
“3 pm na pala,” saad ni Megan. Ang bilis ng takbo ng oras, habang nagtatagal mas lalong lumiliit ang mundo namin.
Napatingin ako sa mga batang abala sa paglalaro sa kalsada. Naiinggit ako sa kanila. Sana bumalik nalang ako sa pagkabata. Yong wala akong ibang poproblemahin hindi katulad ngayon, kailangan kong lumaban para sa buhay ko—namin. Hindi ko mapigilang maluha. Agad ko naman itong pinahid at ayokong ipakita 'yon sa mga kasama ko. I need to be strong. Ito lang ang pinanghahawakan ko.
Medyo masakit na ang kamay ko sa layo ng biyahe. Wala pa akong tulog mula kahapon. Nakahinga ako nang malalim ng makita kong narating na namin ang kabilang bayan. Mas lalo akong nahirapan at hindi na semento ang daan. Parang bangungot para sa akin ang bumalik sa lugar na ito.
Nagising na si Megan at Alice. Nagising siguro sila dahil sa alog ng buong sasakyan.
“Malapit na tayo,” saad ni Alice. Itinoun ko na lamang ang atensiyon ko sa daan. Unti-unti nang dumidilim ang paligid.
BINABASA MO ANG
Wake up
HorrorA group of friends decided to explore a haunted house, they bravely get in not knowing that it would be the start of their nightmare. They successfully go out but they can't escape from it's curse. A nightmare from a nightmare to a nightmare. W...