Wake Up 8

52 11 5
                                    

Nagising ako sa ingay ni Mama. Nakahinga ako ng malalim. Parang totoong totoo ang panaginip ko.

“Oh nagjogging ka ba sa panaginip mo at pawis na pawis ka?” pabirong  tanong ni Mama. Binalewala ko na lamang 'yon at bumangon na mula sa aking kama.

Napatingin ako sa orasan na nasa aming dingding at napagtantong alas sais pa pala ng umaga. Hindi pa naman siguro ako malelate nito.

Naligo na ako at pansamantalang iwinaksi sa aking isipan ang panaginip ko kagabi. Kailangan kong makausap ang grupo.

4 days nadin pala simula nong nawala si Danica. Ewan ko kung bakit hindi ako panatag sa nangyari sa kaniya.

Nagmadali akong umalis sa bahay upang hindi malate. Naglakad lang ako ulit since walking distance lang naman.

Abala ang lahat sa pakikipag-usap na parang walang suicide incident na nangyari sa school namin everything went back to normal.

Medyo marami naring estudyante since malapit nading mag seven.

Nakita ko naman si Megan na kakarating lang kaya hinintay ko nalang siya. Agad niya naman akong nakita kaya agad itong naglakad patungo sa direksiyon ko.

“Lalim ng eyebags mo!” bungad niya.

Nanaginip na naman ako kagabi,” napahinto naman ito at seryosong napatingin sa akin.

“Akala ko ako lang,” tugon niya.

“Kailangan nating mag-usap lahat ngayon. I need to confirm something,” saad ko. Tumango naman siya at nagsimula na kaming maglakad patungo sa classroom.

“Farrah, Megan! Si Rose!”? Nagulat ako ng sumulpot sa harapan ko ang isa sa mga kaklase ko. Mas lalo akong kinabahan sa tono niya lalong lalo na nang banggitin niya ang pangalan ng kaibigan namin.

“Bakit? Anong nangyari?” tanong ko.

“Nasa CR at tila wala sa kaniyang isip. Nakita kasi namin siya na naglalakad patungo sa CR na may dalang kutsilyo.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

“Saang CR?” Tanong ni Megan. Hindi na niya sinagot si Megan at tumakbo na ito kaya sinundan namin siya.

Nang makarating kami sa CR ay agad akong pumasok. Inilapit ko ang tenga ko sa isang cubicle na nakalocked. Tumaas lahat ng balahibo ko ng marinig ko ang mga tawa nito, ganitong ganito ang tawa niya no'ng pumunta kami sa haunted house at nasapian siya.

“ROSE!” Sigaw ko habang pinipilit na mabuksan ang pintuan.

“ROSE! BUKSAN MO ANG PINTO!” sigaw ni Megan. Mas lalong lumalakas ang tawa ni Rose kaya mas lalo akong kinabahan.

Wala akong choice kundi ang sipain na lamang ang pintuan. Unang sipa ko ay hindi ko ito mabuksan. Buong lakas naming sinipa ni Megan at nabuhayan ako ng nabuksan ko na ito.

Gulat akong napatingin kay Rose na puno ang dugo ang uniporme niya.

“Rose!” tumatawa pa ito kaya nama'y ibig sabihin buhay pa siya pero may sugat na ito sa kamay dulot ng kutsilyong hawak-hawak niya.

Agad kong inilayo sa kaniya iyon. Nanghina na ito bigla na lamang nawalan ng malay.

“Anong nangyari sa kaniya Far?” mangiyakngiyak na tanong ni Megan. Hindi ko iyon sinagot at nagpatuloy lang sa pag akay kay Rose para magamot na ito agad.

“Natatakot ako Farrah!” natatarantang saad ni Megan. Ninerbyos na ito at nangangatog na sa kaba. Kinalma ko ang aking sarili at itinoun ang atensiyon sa kaniya.

Wake up Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon