KYUNG SOON.
3 months na simula noong nag debut kami ng 3G. Yun na din ata yung last na paramdam nila Soomin unnie. Nakabuo kami ng mga tatlong kanta nila unnie. Sila Yoonah at Yedam naman ay kamusta kamusta lang. Pero okay na iyon busy lang talaga.
Malapit na din ang graduation namin. Malapit na din ang birthday ni Mr. Yoo. Sila unnie naman ay ng rerest malamang ganon din ako.
“Hoy tara hanap tayo ng isusuot natin sa birthday ni Mr. Yoo.” Sabi ni Mun-Hee unnie.
“Ay shala may pa shopping, sama ako need ko ng mga magagandang damit no! makikita ako ni Jeongwoo omg!” tili ni Dae unnie.
Napailing nalang kaming dalawa ni Mun-Hee unnie. Kahit kalian talaga si Dae unnie. Agad akong pumasok sa kwarto ko at kinuha sa damitan ko ang pastel pink na cardigan at ripped jeans with the shoes na bigay sa akin ni papa.
Pagkatapos kong maligo ay nag ayos na ako. Konting eyeliner lang at liptint ang ayos ng mukha ko. Para naman sa mahaba at bagsak kong buhok ay kumuha lang ako ng scrunchie sa may vanity table ko. Nagpony tail lang ako at naglaglag ng bilang kong bangs na ginupit namin ni Dae unnie sa sobrang bored. Buti nalang at maganda ang kinalabasan noong pianaayos namin sa taga ayos namin ng buhok.
“Wow saeng ang tagal mo ngayooooon!” sigaw ni Dae unnie pagkalabas ko ng kwarto ko.
Tinawanan ko lang siya at lumabas na kami ng dorm. Wala kaming balak gumamit ng sasakyan dahil gusto daw maglakad lakad nila unnie.
Habang naglalakd lakad kami ay may mga nadadaanan kaming street foods. Kaso hindi kami makabili dahil baka makilala nlia kami at mag cause pa kami ng trouble doon. Kaya dumaretso nalang kami sa may malapit na resto dito. Sa labas palang ay nakita kona ang pigura ni Asahi. Kasama niya ang buong treasure.
“Ano saeng may balak kabang pumask o tutungangaan mo nalang si Asahi?” tanong ni Mun-Hee unnie at tinawanan nila ako.
Pumasok na kami sa loob at umupo sa di kalayuan kina Asahi. Hindi kona sila tinignan baka makilala ako nila yedam at jeongwoo. Pero itong si Dae unnie di mapakali sa upuan niya. May bulate ata sa pantalon to.
Dumating na si Mun-Hee unnie at dala dala ang mga order namin. Nakakita ako ng glazed donut sa menu at yun lang ang inorder ko with orange juice nalang. Habang sumusubo ako ay nakaramdam ako ng nakatingin sakin. Luminga linga ako sa paligid ko hanggang sa makarating ang mata ko sa upuan ng treasure. Wag tayong assuming kasi si Junghwan ang nakatingin sa glazed donut ko at hindi sakin.
Agad akong nag iwas ng tingin dahil baka makilala ako ni Junghwan. Nagpaalam ako kina unnie na iihi muna ako kahit di naman ako naiihi. Pagpasok ko sa cr ng resto ay tumapat ako sa lababo. Inilapag ko ang cellphone ko sa lababo dahil maghuhugas ako ng kamay. Habang nakatingin ako sa salamin ay may lumabas sa isang cubicle.
“Kamusta na Kyung-Soon. Balita ko nagsasama nanaman kayo ng ex mo na nagging ex ko din.” Biglang may gumuhit na ngisi sa bibg niya. Pigilan niyo ako bubungiin koto.
Sasagot na sana ako ng may tumawag sa akin. Natatawa ako sa loob loob ko nang makita kung sino ang nasa caller id.
HYEONWOO LOML <3
Wag kayong ano jan si manager nagset niyan no. Hinayaan ko munang magring hanggang sa nakita na ni Kang Jiyoo ate ni Kang Kyong ang pangalan ni Hyeonwoo oppa sa caller id ko. Nang Makita kong naglalaho na ang ngisi ni loka ay sinagot kona ang tawag.
“Excuse me sasagutin ko lang tong tawag ng ex natin.” Diniinan ko ang pagkabigkas sa word na natin.
“Yaah! Jagiyaaaa! Wae!?” sinadya kong lakasan yun para mamatay na siya sa inggit kung paano niya ako patayin dati sa sakit.
Paglabas ko ay pinatay kona ulit ang tawag dahil naalala ko nanaman ang kasalanan nilang dalawa sakin. Nagchat ako kina unnie at sinabi kong sila nalang munang dalawa dahil sumama ang timpla ng araw ko.
Naglakad lakad lang ako sa labas at natawa nalang ako sa sarili ko ng dalhin ako ng mga paa ko sa flower shop nila ate. Ang lago na dito. Nasa may tagong poste ako dahil baka makita nila ako. Hindi ko din naman balak na magpakita sakanila. Sa sobrang layo na ata ng napuntahan ko ay nagdidilim na. Naglakad lakad pa ako ng kaunti hanggang sa mapatingin ako sa cellphone ko.
29 missed calls from HYEONWOO LOML <3
3G MALAKAS
Hwang: S4ENG NASN K4??
Jung: sabi mo uuwi ka hoy @Lee
Hwang: MAG EENGT KA HIHENTAYIN K4 NAMENHindi kona binasa lahat dahil palowbat na ako at baka hindi na ako maka sakay ng taxi. Sinubukan kong tumawag kay Soomin unnie pero leave a message nalang ang narinig ko.
Ibinaba kona an cellphone ko at lumakad na papunta sa may malapit na sakayan ng taxi dito. Ang dami pading tao kahit gabi na. Habang naglalakad ako ay nakita ko nanaman likod ni asahi papunta siya sa isang café. Natawa anaman ako sa sarili ko ng tumunog ang tiyan ko. Pati ba naman ata tiyan ko may gusto na kay Asahi.
Pagpasok ko ay umupo ako sa may malapit sa bintana sa likod ko doon ang upuan ni Asahi kasama si… Kang Kyong… akala ko naman kasinunalingan ang ababalitaan ko sila pala talaga. Napalingon ako ng biglang humikbi si Kyong at nag sosorry kay asahi. Grabe ano kayang nagawa nito? Sa sobrang chismosa ko ay nakinig ako.
“B-bakit Kyong? Bakit sa lahat ng gusto kong pagkatiwalaan ikaw pa ang sumira ng tiwala ko.” Sabi ni Asahi with his broken voice. Shaks pinagkalat ba niya na sila in public?
Kahit palowbat na ang phone ko ay nag pursige padin akong mag scroll sa social media ko. Wala namang mga balita tungkol sakanila. Napatigil ako sa pag sscroll ng magsalit nanaman si Asahi na basag na ang boses.
“Bakit moko ginamit…” sabi niya sa napapahinang boses. Sa boses ni Asahi ay mararamdaman mo ang sakit.
“Hindi ko ginusto yun, mahal na mahal kita Asahi.” Sabi ni Kyong na nababasag na din ang boses.
“Bakit mo ginawa kung hindi mo ginusto?” tanong ni asahi na gusto talaga ng sagot.
“Asahi patawa-” hindi kona natapos ang uspan ng tumawag nanaman si Hyeonwoo.
Lumabas ako ng café at sinagot iyon.
[Nasaan kaba Soon? Hidi mo ba alam na nag aalala kami sayo?] bungad ni Hyeonwoo
”Kumain, pauwi na.” sagot ko at pinatay na ang tawag. Nasusugat nanaman ako ng nakaraan ayaw kona ng panibagog disaster sa buhay ko.
Paalis na sana ako ng may humigit sa kamay ko.
“Sinusundan mo ba ako?”
YOU ARE READING
Beautifully Disastered ₪ Asahi Hamada
Fiksi PenggemarLee Kyung-Soon is just a simple girl with a simple dream, to be an idol. She wanted world peace, love, and unity for all mankind. Pero ng dahil sa isang bagay, she met a stranger. Stranger na gusto niyang makilala but, she don't have idea who's t...