Chapter 5

53 18 0
                                    

  Pagkagising ko ay maaga pa kaya nagcellphone muna ako.

< Mr. Park <3

Park: good morning noona!!

Lee: good morning din.

Park: san ko kukunin yung key chain noona?

Lee: bago ko ibigay kanino yun?

Park: sa robot noona hahaha. Syempre sakin.

Lee: we? Hindi kay kuya mo iyon?

Park: kay kuya nga HAHAHHA.

Lee: kunin mo kapag break time doon sa rooftop kasama ko sina Yedam.

Park: osige noona. Basta wag niyo ako itutulak doon ah! Kapag tinulak moko itutulak kita kay kuya HAHAH.

Lee: LOL. Past is past.

Park: AHAHA. Joke lang noona. Bye na baka malate ako.

Pagkatapos naming mag usap ni Jeongwoo sa chat ay naligo na ako. Pagkalabas ko ay sinuot ko na ang uniform ko. Ipinasok ko na sa bag ko yung key chain baka makalimutan ko pa. Bumaba na ako tulad ng dati saging at gatas uli. Sa gate ay nakita ko na ang buhok ni Yoonah naka bun.

“Maaga pa naman Soon e tara bili tayong bananamilk.” Pag aaya ni Yoonah na sinamahan kona para di na magdada. Pagkabili naming akala ko di na siya mag dadada pero dumada padin ang bakla.

“Mamaya na daw ilalabas yung result sa exam Soon!” si Yoonah.

“Dapat ba akong kabahan?” tanong ko sakanya at nginisian siya.

“Yabang mo naman! Oo nga pala Soon nag search ako about sa taong robot o pero wala talaga e.” pag iiba niya ng topic.

“Nagsearch din ako wala din.” Sabi ko kay Yoonah at nagkamot ng ulo.

“Ano palang kelangan sayo ni pikon kagabi?” pagtutukoy niya kay Jeongwoo.

“Kasi may key chain na nahulog sa kwarto ko yung robot, kanya daw yun.” Pagkwento ko ng kaunti.

“Bakasiya nga yung nakabungguan mo?” si Yoonah.

“Hindi kasi nung nabunggo ako dumating siya.” Ako.

“Baka naman si kuya niya yun?” halatang nang aasar si Yoonah.

Hindi ko kinausap si Yoonah hanggang makarating kami sa school. Nakita namin si Yedam. Sinabayan niya na kaming pumasok. Pagkaupo namin ay pumasok na yung teacher namin. Nagcheck lang kami ng mga papers. Hindi ko alam kung pasado ba ako o hindi hays. Sa lahat ng subject dito ako nahirapan. Natapos ang dalawang subject break time na. Paakyat na kami sa rooftop pero tumunog ang cellphone ko.

< Mr. Park <3

Park: noona jan ka nalang muna sa baba. Jan ko nalang kunin sa baba.

Lee: sige.

Pinauna ko ng umakyat si Yoonah at Yedam. Pagkatapos kong mag hintay ng ilang minutes ay dumating na si Jeongwoo. Nagpasalamat lang siya at nagpaalam na dahil may gagawin pa daw sila. Umakyat na ako sa rooftop. Pag akyat ko ay may chismis daw si Yoonah.

“Alam niyo ba! Si Yoon-Byol.” Panimula ni Yoonah sa chismis.

Nakikinig lang kami ni Yedam sakanya.

“Yung boyfriend niya, idol din sa YG, sabi pa nga e kasama daw ni Yedam e tinanong ko si Yedam wala naman daw may gf sa grupo nila, o kaya naman ayaw lang nila ipaalam kasi diba bawal yun?” tanong ni Yoonah kay Yedam.

Beautifully Disastered ₪ Asahi HamadaWhere stories live. Discover now