Chapter 23

28 7 1
                                    

Pagmulat ng mga mata ko ay sumilaw sa akin ang araw, umaga na. Pumunta ako sa bintana at binuhusan ng tubig ang maliit kong halaman na pinadala ni ate galing sa flower shop niya.

"Goodmorning sunshine." bati ko sa bulaklak ng may ngiti sa labi.

Sino ba namang hindi ngingiti kung yakapin ka ng isang Asahi Hamada. Isang linggo na din makalipas ang pangyayaring yun.

Pagkatapos kong pagmasdan ang bulaklak ay lumabas na ako para tumulong kina unnie.

"Kain na saeng." Pinaghanda ako ni unnie habang may nag aalalang mata pero may matamis na ngiti.

"Unnie ano meron? Hindi ko namam birthday ha?" Takang tanong ko.

"Omg!! Unnie kumakalat na ang news about kay Kyung-Soon!!!! May iba naman okay lang pero ang daming nambaba-" Napatigil si unnie Dae sa pagsasalita galing sa cr.

"Kyungiee baby..." Tawag sa akin ni unnie Dae na nag aalala na.

"Daldal mo kasi Dae e. Kain na tayo." Pag iba ni unnie Mun-Hee sa usapan.

Sumunod nalang kami ni unnie Dae kay unnie para wala ng pag awayan. Pinabayaan ko nalang muna kung ano man ang sinasabi ni unnie Dae.

Sinabi ko kina unnie na ako nalang ang maghuhugas ng plato. Umalis sila dahil pinatawag sila ni Ms. Secretary. Habang hinihugasan ko ang mga platong ginamit namin ay biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni unnie kanina. Sa sobrang pag iisip ay biglang nahulog ang platong hawak ko dahilan ng pagkabasag nito. Habang pinupulot ko ang mga bubog ay di sinasadyang nasugatan ang kamay ko.

Pagkatapos kong ligpitin ang nabasag ko ay naghugas ako ng kamay para mahugasan ang dugo. After cleaning the kitchen ay pumasok na ako sa kwarto ko. I opened my phone at bungad sa akin ang mga masasakit na salita galing sa ibang fans ni asahi.

Post from DITCHPATCH
'Lee Kyung-Soon and Asahi Hamada caught in the parking lot hugging each other.'
*picture namin ni Asahi habang nakayap siya sa akin.*

@Anti'LKS:: gayuma reveal LKS.
@asahi's_wifey:: 🤮🤮🤮
@Lee.Soontok:: Wth, thanks to you @DITCHPATCH. LKS deserve to be out of the 3G hindi bagay sayo girl.
@kyung.sahi.babies:: Omg mga inggit pikit!

Itinigil ko nalang ang pagbabasa at ginamot ang sugat sa daliri ko. Sakto naman pagtapos kong gamutin ang sarili ko ay dumating na sina unnie.

Lumabas ako sa kwarto ko na parang walang nangyare. Naalala ko na kailangan ko palang bumili ng mga pagkain namin dahil ako ang nasa toka ngayon.

"Unnie may ipapabili po ba kayo?" Tanong ko sakanila.

"Ako nalang muna mag gogrocery ngayon Saeng." pagpiprisinta ni unnie Dae.

Umiling ako at sinabing "Ako nalang unnie."

Hindi na sila namilit pa at inabot na sa akin ang listahan ng mga bibilhin ko. Nagsuot lang ako ng coat at face mask bago umalis. Paglabas ko sa may hintayan ng taxi ay andon na ang taxi na binook ko. Paghawak ko palang sa bukasan ng pinto ay naririnig ko na ang bulungan sa paligid ko.

"Si LKS yan diba? Omg baka makipag date nanaman kay Asahi yan ha." bulong ni ate girl 1.

"Baka nga gustong gusto siguro niyang nagpapapansin sa social media." sagot naman ni ate girl 2.

Hinayaan ko nalang sila at sumakay na sa taxi. Pagdating sa grocery ay pinamili ko na lahat ng mga nasa listahan. Sinabihan ko nalang ang cashier na ipadala nalang sa address na binigay ko. Buti nalang at pwede iyon dito sa grocery.

Hindi pa ako nakakalayo sa grocery ay may mga mata ng nakatingin sa akin na konti nalang ay lulusubin ako. Balak kong pumunta sa flower shop ni unnie.

Daedae unnie ❤️

KS: Unnie, pindala ko na jan yung mga grocery. May pupuntahan lang po ako.

Nagtext ako kay unnie dahil baka mag alala sila. Pagdating ko sa Flower Shop ay ang taga bantay lang ang andoon.

"Annyeong, andito ba si unnie?" Tanong ko sa taga bantay.

"Wala e may pinuntahan. Pero pinapabigay niya sayo ito kung sakali daw na dumaan ka." Inaabot niya sa akin ang isang jar ng cookies.

Ipinasok ko ito sa bag ko at umalis na. Napadaan ako sa tambayan na streetfood at sweet corn ang tinda.

Nang maubos ko na ang sweet corn ay umalis na ako dahil mag gagabi na at baka may makakita sa akin.

Habang naglalakad ako ay lumalakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Mas nilakihan ko ang hakbang ko dahil sa takot. Hanggang sa hilain ako sa madilim na lugar ng dalawang babae.

"Aray ano ba!" Singhal ko dahil nasaktan ako.

"Overacting pala tong idol na to e." Maarteng sabi ng isang babae.

"Layuan mo si Asahi kung ayaw mong masaktan ka pa lalo." Pananakot naman sa akin ng isang babae.

Tumayo ako at aalis na sana pero hinala ulit ako at tinulak sa may malapit na basurahan. Bumagsak ako at nabutas ang coat ko sa may parteng siko habang ang palad ko ay may gasgas na.

"Matigas ka ha?" Sabi nanaman ng babaeng nambanta sa akin.

Pumalakpak ang kasama niyang maarte at may lumabas pa na dalawang babae sa gilid. May hawak silang mga baseball bat at mga hilaw na itlog. Lumapit sa akin ang babaeng may hawak na itlog.

"Hindi ka ba natatakot sa amin ha? Sisirain mo ang buhay mo para lang sa lalaki?" Sunod sunod na tanong nito sa akin.

"Bakit kayo? Dudumihan ninyo mga kamay ninyo para sa lalaki?" Laban ko na akala ko ay tama pero mali.

"Aba lumalaban ka pa?" Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay at pinukpok ako ng itlog sa ulo.

Pinilit kong alisin ang kamay niya pero hinawakan ako ng dalawang babae kanina.

"Ano ba bitawan niyo ako!" Sigaw ko.

Mas lalong hinigpitan ng babae ang pisil niya sa pisngi ko at inabot ang dalawang itlog sa kasama niyang may dalang baseball bat at binato ito sa akin. Napapikit nalang ako dahil hindi ko na alam pano pa lumaban. Pinilit kong alisin ang mga hawak nila pero nauubusan na ako ng lakas.

Binitawan ng babae ang mukha ko at sinampal ako ng malakas. Sa sobrang lakas my cheeks went numb, wala na akong maramdaman hanggang sa bigla nalang itong humapdi.

"Tigilan mo na yang pag iilusyon mo kung gusto mo pang mabuhay." Banta nanaman sa akin ng babaeng may baseball bat.

"Umpisa pa lang to Kyung-Soon." Banta pa ng isa at iniwan na nila akong luhaan dito.

Niyakap ko nalang ang sarili kong nakaupo at nanghihina sa sulok. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Umpisa palang to pero bakit naman ganito? Naramdaman kong bumibigat na ang talukap ng mga mata ko at parang gusto ng pumikit ng mga ito.

Sa di kalayuan ay may nakita akong papalapit. Tumatakbo at parang nag aalala pero dahil sa liit na ng mga mata ko ay ang labo na kung sino to. Hindi ko na nahintay na lapitan niya ako hanggang sa mapapikit nalang ako sa pagod at sakit.

• • • • • • • • • •

OMG DELAIGHTS LONG LONG LONG TIME NO UPDATE TAYOOO. 😭
BAWI TAYO GUYS, I'LL TRY MY BEST NA MAG UPDATE PARA SAINYO. THANK YOU ALL MY BEBUSSS. ❤️😍

IF YOU WANT TO UPDATED ABOUT SA MGA GANAP SA MGA STORY KO YOU CAN ADD ME ON FACEBOOK ANG PFP KO AY YUNG PFP KO RIN DITO SA WATTY. ADD AND DM ME PARA MA ACCEPT.

FB:: Ddelailah WP

Beautifully Disastered ₪ Asahi HamadaWhere stories live. Discover now