KYUNG-SOON.
Napabangon ako sa ingay na gawa nila unnie sa sala. Nakita ko silang nag tatalo kung sino ang magdadrive ng kotse mamaya papunta sa restaurant kung saan gaganapin ang birthday ni Mr. Yoo.
"Ikaw nalang mag drive mamaya!" Sigaw ni Mun-Hee unnie kay Dae unnie.
"Ayokoooo! Naka high heels ako no!" Sigaw pabalik ni Dae unnie.
Konti nalang magsasabunutan natong dalawang to. Kapag sila na ang nagkatapat parang mga aso't pusa. Nagpeke ako ng ubo para makuha ang atensyon nila na gumana naman. Tinignan ko silang dalawa.
"Sige, ako na magmamaneho." Sabi ko sabay hilot sa sentido ko.
"Hala saeng marunong ka?" Tanong ni Dae unnie na tinanguan ko lang.
"Sure kaba jan?" Tanong din ni Mun-Hee unnie na tinanguan ko lang din.
Dumaretso ako sa may ref at kumuha ng tubig. Habang umiinom ako ay may nag doorbell. Sa sobrang gulat ko ay nabuga ko ang tubig. Sana naman wag na si Asahi iluwa ng pintong toooo!
Pagbukas ni Dae unnie ay ang secretary pala ni Mr. Yoo. Inabutan niya lang kami ng invitation dahil baka raw hindi kami papasukin.
Umupo ako sa may sofa at nanuod ng k-drama sa phone. Bigla kong naalala yung damit na bigay sa akin ni unnie.
"Mun-Hee unnie, magkano pala yung damit na binili niyo sa akin?" Tanong ko. Nagtinginan sila.
"Ahmm kasya mo ba? Wag mona alalahanin yung bayad sayo na yun kesa wala kang isuot." Sagot ni unnie.
"Kasya naman unnie saktong sakto pa sa katawan ko." Sabi ko at nag smile sakanila.
Nagkanya kanya na kaming pumasok sa mga kwarto namin matapos gawin ang mga task namin. Oras na din kasi baka malate kami.
Sinuot kona ang dress na binigay sakin nila unnie. Kinuha ko din ang black ankle strap heels na pinadala sa akin ni unnie. Sa buhok naman ay nag ponytail lang ako at nilagyan ng isang gold na hair pin hinayaan ko din ang doseng pirasong bangs kong nakalaglag.
Naglagay lang ako ng eyeliner at lip gloss sa mukha ko. Bago lumabas ay kinuha ko na ang red velvet chanel classic flap bag ko. Feeling ko ako ang may birthday.
Paglabas ko ay nasa sala na sila unnie nagsusuot ng mga heels. Ang taas ng mga heels nila halos 5 inches na. Mas lalo tuloy silang tumangkad.
Pagkadating namin sa parking lot ay sumakay na kami sa kotseng gagamitin. sila unnie sa likod dahil ayaw ko ng may magalaw sa tabi ko kung magmamaneho ako. Kung itatanong niyo paano ako natuto e wala namang kotse pamilya ko, tinuruan ako ni Hyeonwoo.
Pagsakay ko ay inalis ko ang heels ko para makapagmaneho ng mabuti. Tinignan pa ako nila unnie. Tss, kalma ako lang to.
Habang nasa byahe ay nagtatalo lang sila unnie. Biglang napatingin sakin si Dae unnie.
"Grabe saeng ganda mo jan sa damit mo ahh." sabi sakin ni unnie. Nginitian ko lang siya.
Mga 35 minutes lang kaming bumyahe narating na namin ang venue. Pagkapark ko ng kotse ay sinuot kona ang heels ko. Bumili ako ng gift pero pinadala kona sa office ni Mr. Yoo. Bulaklak lang naman yun e.
Papalapit kami sa entrance papalakas naman ang tibok ng puso ko. Nauna sila unnie sakin habang ako kasabay si Hyeonwoo. Syempre walang imikan duh. Ewan ba bat ang affected ko padin.
Pagpasok namin ay nasa may mahabang hapag kainan na si Mr. Yoo, Mr. Choi, at ang treasure. Kami nalang ata ang hinihintay.
Pagkahawak ko sa upuan na katapat ni Asahi ay pinalo ni Hyeonwoo ang kamay ko. Napatingin ako sakanya sabay tingin sakin na 'lipat ka sa isang upuan' look. Hinila niya ang upuan na sa tabi ng hawak ko kanina at doon ako pinaupo.
Ngingisi ngisi si Jeongwoo dahil katapat ko siya ay tanaw na tanaw ko ang pag ngisi niya.
Tuwing nagtatama ang tingin namin ni Asahi ay hindi ko mapigilang mag smile. Shet! Habang wala pa yung pagkain ay nag open ako ng cellphone ko.
< HYEONWOO LOML <3
HL: tusukin ko mata mo e. 😏
KS: Bleee di naman tayo bati noe!< Unnie D :)
UD: Palit tayoooo!
UD: Ako nalang jaaaaan!< Jeongwoof
J: Yieeee! HAHAHA jk!Natawa ako bigla sa nga message nila. Naagaw ko ang atensyon ng mga kasama ko sa hapag kainan. Napakalas ata omg. Buti nalang ay dumating na ang nga pagkain.
Tinitignan ko kung ano ba ang kakainin ko. Steak ba? o gulay? Biglaan nalang may naglagay ng steak at gulay sa plato ko.
Napatingin ako kay Jeongwoo na katapat ko. Na shock ang loka ang mukha niya ay pasubo na nang pagkain pero hindi natuloy kaya naka buka ang bibig niya habang nakatingin sa plato ko palipat lipat sa kuya niya. Si Asahi naman ay nakatingin sa plato ko. Si Hyeonwoo ay tinitignan ako.
Lumapit siya sa akin at bumulong. "Ubusin mo yan. Ang ganda mo pa naman."
Hindi ko alam pero biglang naginit ang mukha ko. I think my face is turning red. Sumubo ako sa steak at gulay. Hindi ko mapigilan mapa smile.
Nagulat nalang ako at bumalik sa wisyo nang mahulog ni Asahi yung baso niya. Nabasag tuloy. Napatingin ako kay Asahi na seryoso ang mukhang nakatingin sakin, samin ni Hyeonwoo.
"Excuse me." Paalam ni Asahi dahil mag pupunta lang daw siya ng c.r. Natapos na kaming kumain ay wala padin si Asahi.
Nagpaalam ako sakanila na may kukunin ako sa parking lot pero hinanap ko talaga si Asahi. Grab the luck hanapin si Asahi at solohin.
Nakita ko siya sa mga upuan sa labas ng resto. Nakasandal siya sa upuan habang nakadekwatro. Umiinom siya ng soju.
Nilapitan ko siya at umupo sa katapat niyang upuan two seater kasi to. Pag upo ko ay nag angat siya ng tingin. Tinignan niya ako mata sa mata.
"Why are you here? Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko sakanya. Pero biro lang yun.
"Oo, di nga dapat ako sasama e." Sabi niya na biro lang din.
Nagtawanan kami dahil sa kalokohan namin. Napatigil nalang akong tumawa nung mag isa ko nalang tumatawa. Nakatingin nanaman siya sa akin.
Nagsalin siya ng soju sa baso niya sabay alok sa akin. Kinuha ko yun at shinot. Kinuha ko ang hawak niyang chopsticks at kumagat sa steak.
"Ang ganda mo." Sabi ni Asahi.
Nabulunan ako kaya tumungga ako sa bote ng soju. Nabibingi naba ako?
"A-ano?" tanong ko sakanya.
Umiling lang siya bago sumagot. "Sabi ko ang ganda ng damit mo." Sabi niya sabay tayo at pumasok na sa loob.
Iniwan niya akong tulala dito sa labas. Hindi ata yun yung narinig ko e. Hala? Nag aassume nanaman ba ako? Tinungga ko ang konting tira sa nay soju sabay tayo at pasok na din sa loob.
Pagpasok ko ay andoon na si Asahi sa upuan niya. Kumakain na ulit. Tignan moto parang di nakikipagtawanan sakin kanina. Hinihintay kong tignan niya ako pero hindi niya talaga ako tinitignan.
![](https://img.wattpad.com/cover/235724549-288-k84689.jpg)
YOU ARE READING
Beautifully Disastered ₪ Asahi Hamada
FanficLee Kyung-Soon is just a simple girl with a simple dream, to be an idol. She wanted world peace, love, and unity for all mankind. Pero ng dahil sa isang bagay, she met a stranger. Stranger na gusto niyang makilala but, she don't have idea who's t...