Chapter 7

47 14 3
                                    

  Pagkagising ko ay nahiga pa ako ng matagal para hindi sumakit ulo ko. Habang nakahiga ay kinuha ko ang lyrics na naka print sa may side table. Habang minememorize ko ang bawat lyrics ay di maalis sa isip ko ang excitement.

  Habang nag mememorize ay naisipan kong magchat sa gc namin para matanong ko si Yoonah kung masasamahan ba talaga niya ako.

< SINGERIST SQUAD (Active Now)

Lee: Good morning.

Park: Good morning noona, good luck sayo! Fighting!

Bang: Good luck! Feeling ko hindi kami makakarating. :<

Lee: Okay lang, may baon naman akong good luck niyo e.

Sang: OTW.

Lee:Mag aayos muna ako may paparating na e. HAHAHA. Good luck din sa practice niyo!

  Pagkabitaw ko sa cellphone ko ay bumangon na ako at naligo. Pagkatapos kong maligo ay plinantsa ko ang damit na susuotin ko pati din yung panyo para maganda hehe.

  Habang namamalantsa ako ay may pumasok sa kwarto ko. Si Yoonah, may bitbit na juice at cookies sa magkabilaan niyang kamay. Napaka feel at home netong babaeng to!

  Tinignan ko ang oras at malapit na ang oras ng audition. Nagpalit na ako ng damit, sinuot ko na din ang sapatos ko. Binagsak ko nalang ang mahaba kong buhok. Kinuha ko ang panyo at cellphone ko at bumaba na kami ni Yoonah. Nagpaalam na ako kina mama. 

  Dumaan kami ni Yoonah sa malapit na convenience store para bumili ng banana at soya milk.

  Pagpasok namin sa loob ng audition room ay madami ng tao. May lumapit na babae sa akin at dinikitan ako ng number sa damit. Number 20 ang idinikit sa damit ko. Malapit na ako at feel ko na ang pawis na pumapatak sa mukha ko. Buti nalang dala dala ko ang panyo ni Robot.

“May panyo ka na palang panlalaki ngayon ha?” sabi ni Yoonah.

“Ito yung pinahiram ni Robot ahaha.” Sagot ko kay Yoonah.

“Asan yung burdang robot?” tanong ni Yoonah.

“Tinago ko haha.” Ako.

  Pagkatapos kong kausapin si Yoonah ay tinawag na ako sa loob.

“Applicant number 20!” tawag sa akin, tumayo na ako at pumasok sa loob para magpakitang gilas. Wala naman akong ginawa nag tumbling lang charot.

🎶Ttieosseugieopshibonaelgesarangingeotgatae

Baengmansongijangmikkocheul, narangpiweobollae?🎶

"Kamsahamnida" sabi ko pagkatapos kong kumanta. Nakatingin sa akin ng may ngiti sa labi ang mga judge.

“Kyung-Soon?” tanong sa akin nung CEO ng agency.

“Ne.” sagot ko ng nakangiti kahit kabado talaga ako.

“Blueming is a nice song, bakit mo ito napili?” tanong uli nung CEO.

“Habang nagiisip po kasi ako narinig ko po na pinatugtog ng kapit bahay.” Sagot ko na natawa naman sila.

“Okay” sagot uli ng CEO na natatawa pa.

“We enjoyed your song. Comeback tomorrow  and prepare your dance performance.” Sabi nilang tatlo at nginitian ako

“Kamsahamnida” sabi ko sakanila ng nakangiti pero wala ng kaba.

  Pagkalabas ko ay nakita ko si Yoonah. Lumapit ako sa kaniya at nagtatalon talon.

“Babalik daw ako bukas maghanda daw ako ng sasayawin buti nalang may alam na akong sayawin.” Sabi ko kay Yoonah.

“Ano?” tanong ni Yoonah

  At ngayon nakasuot lang ako ng brown knitted jacket at black shorts. Nakatayo nanaman ako sa harap ng mga judge. Hindi para kumanta dahil sasayaw ako ngayon hahaha.

“Annyeonghaseyo, Lee Kyung-Soon imnida” sabi ko at nagpatuloy. “Applicant number 20 I’ll do my best” pagpatuloy ko sa sinabi ko. At nagumpisa ng tumunog ang music.

🎶Don't know what to do
      I don't know what to do without you
     Yeah hey he
     I don't know what to do without you
    Yeah hey hey🎶

“Kamsahamnidaaaa!” bati ko ng matapos nanaman akong mapuri. Sinabi din sa akin na bukas ay itetext nalang nila ang resulta.

  Paglabas ko ay nakita ko si Yoonah kasama niya sina Yedam. Malungkot ko kunware silang nilapitan.

“Ayos ka lang?” tanong ni Yedam na halatang nag aalala na.

“Anong balita noona?” tanong ni Jeongwoo.

  Nakita ko na ang lungkot sa mga mukha nila kaya tumawa na ako.

“Hahahahaha! Ang papangit niyo wag nga kayong bubusangot hahahahaha! I did it!!” sabi ko sa kanila at binigyan ko sila ng friendly hug.

  Pagkatapos naming magdramahan ay pumunta kami sa favorite café namin. Syempre treat ko. Habang kumakain kami ay nagsalita si Jeongwoo.

“Noona ang ganda ng kuha ko dito oh iprofile mo wag puro si June ng iKon profile mo! Sige na noona!” pagmamakaawa ni Jeongwoo habang pinapakita ang picture na kuha niya sa cellphone ko.

“Akin na nga yan! Kumain na nalang!” sabi k okay Jeongwoo at kinuha ang cellphone ko.

  Pagkatapos naming kumain ay nagaya ng umuwi sina Yedam dahil baka hanapin na daw sila. Pagkauwi ko ay ang dilim ng bahay. Napatili nalang ako sa gulat ng magsindi ang ilaw at may mga confetti na nagputukan.

  Nakatayo silang apat sa may sala. May maliit na cake at nakasulat na ‘YOU DID IT’ napangiti ako ng abutan ako ng magandang bulaklak ni unnie. Siya daw ang nag ayos doon.

  Pagkatapos naming pagsalu saluhan ang cake ay nagpaalam na akong aakyat na ako sa kwarto ko.

  Pagpasok ko ay nagpalit na ako ng damit at nagayos ng higaan. Nilabhan ko ang panyo ni Robot at pinatuyo iyon. Kinuha ko ang cellphone ko para magbasa ng kalokohan ng mga kaibigan ko sa gc.

< SINGERIST SQUAD (Active Now)

Sang: ALAM NIYO BA NA MAY NABASA AKO. KUNG SINO DAW ANG MANALO SA AUDITON NG GYP AY ISASAMA SIYA SA GRUPO NA 3G. NAG BACK OUT DAW ATA KASI YUNG ISANG MEMBER. AT ISA PA MAY SARILI KA NG MANAGER KAYA SANA MANALO KA KYUNG-SOON.

Bang: halatang chismosa. Hahaha.

Park: opppss pasmado hyung hahaha.

Sang: BWISET KAYO!

Park: Noona palit ka na ng profile!

Lee: HAHAHAHA. Sige pagbibigayn kita pero…

Park: Ano yun noona? Sabihin ko kay Hyeonwoo Hyung na kambak kayo?

Lee: hindi. Kapag nanalo ako or napasama ako sa 3G magpapalit ako ng profile HAHAHA.

Bang: mag fface reveal na si Kyung-Soon sa social media yehey! Hahaha.

Sang: MAGDIWANG ANG SINGERIST SQUAD.

Park: */nagdiwang

Bang: Yoonah balitaan mo kami sino yung manager HAHAHAHA.

💎💎💎







Beautifully Disastered ₪ Asahi HamadaWhere stories live. Discover now