(𝘊𝘩𝘦𝘭𝘴𝘦𝘢)
Habang nasa canteen ako, laman ng utak ko si Bermudez. Binalikan ko pa kanina ang liham niya pero naitapon na pala 'yon ng basurero. Halos patayin ko na ang sarili ko sa sobrang pag-iiisip kung ano ang dahilan ng paghingi ng tawad niya sa akin. May ginawa ba siyang mali sa akin?
"Miss Chelsea." Pagtingala ko, bumungad sa akin ang isa sa mga nag-obserba sa performance ko kanina. Hinila nito ang upuan sa bandang harapan ko at akma na siyang uupo roon. "May kasama ka ba? Am I disturbing you hija?"
"Hindi po ma'am, have a seat." Tumalima agad siya sa utos ko at inayos nito ang pagkakaupo niya. Nakatitig lang ito at na-o-awkward ako kaya binasag ko na ang katahimikan, "Bakit po? May mali po ba sa ginawa namin ni Cassey kanina?"
"Huwag mo nang alalahanin 'yon. You really look like your mommy, ano?" Ngumiti ito at hinaplos niya ang pisngi ko. "Ang laki ng itinulong ni Vivienne noon sa akin. Best friend ko siya at kahit may kaya sila hindi iba ang inisip niya sa akin. Chelsea, hija, you'll be a good teacher. Pasado ka na ngayon pa lang at kapag may eskandalo ka lapitan mo ako nang matulungan kita. That's the only way na maibalik ko ang itinulong sa akin ni Vivienne. Naging mataas ang katungkulan ko dahil tinulungan niya akong makapagtapos."
"Opo, at sana huwag ninyo akong itrato na close na close dahil ayaw ko pong isipin ng mga guro dito na sipsip ako."
"Hindi mangyayari 'yon. Sige, aalis na muna ako. Sinilip lang kita para sabihin na okay ka na at walang masyadong eksplanasyon sa'yo. Napansin lang ni Sally na madaling-madali ka magpaliwanag, but still naiintindihan ka namin."
Tumayo na ito at lumabas ng canteen. Naiwan lang ako sa kinauupuan ko na busy sa pagse-cellphone dahil 'di ko mapakalma ang sarili ko. Kapag ganitong may bagay ako na hindi makuha, napipikon ako dahil gusto ko na alam ko ang lahat.
Napagdesisyonan ko nang lumabas dahil sinabi ng tindera na isasara na ang canteen dahil dumidilim na. Naglakad ako sa hallway at natigil ako nang may humarang na babae sa akin.
"Ikaw, bago ka lang 'di ba?!" taas-kilay na tanong niya sa akin. May ipinakita itong uniporme na gusot at may hawak siyang face mask sa isang kamay niya. "Nauna ako sa paaralan na 'to. Kayong newbies, bago lang kayo at wala kayong alam sa akin. Ikaw ba ang nagsuot nito?!"
"Bakit mo ako pagbibintangan sa bagay na 'di mo nakitang ginawa ko?" mataray naman na sagot ko sa kaniya. "You may be older than me, pero sa tingin ko wala kang karapatan na pagtaasan ako ng boses at pagbintangan."
Natameme ito sa isinagot ko at pasimple niya akong tinarayan, "Duh, hindi na kung hindi! Salamat sa 'sagot' mo."
Paalis na ito pero bigla kong kinuha ang face mask mula sa kaniya. Tiningnan ko 'yon, at namukhaan ko ang nagsuot nito dahil sa dilaw na kulay no'n. Pamilyar din sa akin ang brooch na rosas ang disenyo sa bandang kwelyo ng uniporme. "Akin na 'to, itatapon ko na lang. Halughugin mo ang ibang guro doon at baka sila nga ang gumamit ng uniform mo."
Naghiwalay na ang mga landas namin at naglakad na ako papunta sa area kung saan ko ipinarada ang kotse ko. Sinilip ko ang face mask, halata namang gamit na 'yon at sa kabilang side halatang may marka ng tinted na lip gloss.
"Bakit naman gagawin ng babaeng 'yon na ipahamak ang presentation ko? Or baka, hindi niya talaga intensiyon 'yon. Kung titingnan ko naman ang mga mata niya, ambait niya talaga kung o-obserbahan at mahinhin."
Pumasok muna ako sa kotse para tumambay saglit. Nilitratuhan ko ang class record nang madali kong makabisado at binasa ko 'yon. Nakatabi rin sa isang folder ang mga card nila at hinanap ko agad ang card ni Bermudez.
"Matataas pala ang grades ng batang 'to, bagay sa kaniya ang maging presidente ng klase. Bakit naman kaya panay hingi siya ng tawad sa akin at nahihiya siya? May ginawa sigurong masama 'yon."
BINABASA MO ANG
How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]
RomanceSinasabi nila na kapag may karelasyon ka, kailangan mong dumaan sa butas ng karayom. Tanggapin ang bad sides niya, tanggapin ang masakit na reyalidad, at tanggapin ang katotohanan na hindi kayo magtatagal. Paano kung pinagtagpo kayo, sinira ng panah...