(𝘚𝘩𝘢𝘯𝘯𝘢𝘳𝘢)
"Tell me what happened, Shan. Go, sabihin mo sa akin nang mahatulan iyang si Nami. She's wicked, paano ka niya basta-bastang sinaktan nang walang dahilan?" Naglapag si Mommy Vivienne ng baso na may malamig na tubig at straw sa loob. Medyo hirap pa akong i-angat ang kamay ko dahil kinailangang tahiin ang siko ko. Nasa tabi ko lang si Chelsea na nakatabi sa akin at nakahawak sa kaliwa kong kamay. "Chelsea, asikasuhin mo ang girlfriend mo. Hija, ano ba talaga ang ginawa niya sa'yo?"
"K-Kanina po k-kasi mommy..." Lalo akong nanginig habang nagpapaliwanag. Natatakot pa rin talaga ako sa ginawa ni Nami sa akin kanina. Itinakip ko na lang ang palad ko sa mga mata ko saka ako ulit umiyak. "I'm really sorry mommy, natatakot ako. Baka p-patayin talaga ako ni N-Nami. Natatakot pa rin ako."
"Shan! Paano naman natin makakasuhan si Nami niyan kung hindi ka magsasalita? Nag-check ako, there are no CCTV's in the area. I need your testimony, let's watch that damned woman while she's rotting in jail."
Itinaas ni Chelsea ang kamay niya kaya napatigil si Tita Vivienne sa panenermon. "Mommy, let her rest. Natatakot pa si Shannara and walang use if ipe-pressure mo siya. Love, mamaya ka na magpahinga dahil baka darating pa ang nanay mo. Don't be afraid, safe ka rito at kasama mo ako. Hindi ko hahayaang mapahamak ka."
Banayad na hinaplus-haplos ni Chelsea ang kamay ko kaya unti-unti na akong kumalma. Halos mag-hysterical na rin ako sa ospital kanina dahil akala ko 'di na titigil sa pagdugo ang siko ko. Medyo naiiyak naman ako ngayon sa sakit dahil nawala na ang anesthesia na inilagay roon. Kanina pa ako uminom ng pain reliever pero parang mahapdi pa rin talaga 'yon.
"Ikaw na lang ang tatanungin ko Chelsea, ano ba ang nangyari at late ka nang dumating? Bilang kasintahan niya, dapat maaga mo siyang sinusundo. If ever man na late ka, you could've told her to stay inside the campus. Kapag nasa labas na ang estudyante hindi na sakop ng paaralan kung sakali mang madisgrasya siya."
"Mommy, it's not my fault. It's all Nami's. Late akong nakarating dahil inasikaso ko ang pagkain ni Shannara, and also may tinapos din ako. Inaasikaso ko siya at hindi pinapabayaan. Pagdating ko sa bandang gate, I saw Nami pulling her hair. Agad ko silang inawat at wala na akong inaksaya na sandali."
"Anong plans ninyo? Ipakulong na natin ang babaeng 'yan, she almost killed Shannara. Shannara, sa bahay ka muna namin matulog. We'll take care of you, especially Chelsea. She'll check your condition from time to time." Tumango lang ako sa kaniya at pansin ko pa rin sa mga mata nito na nag-aalala siya sa akin. Nilapitan ako nito at sinusuklay-suklay ni mommy ang buhok ko habang pinagmamasdan niya ang pagmumukha ko. "Hija, pababantayan na lang kita sa guards sa tuwing aalis or lalabas ka. I'll hire those guards na dapat na ibibigay ni Jesse sa anak namin. Sila ang magbabantay sa'yo."
"Huwag na po mommy," magalang na pagtanggi ko sa kaniya. "Nakahihiya po na ginagastusan niyo pa ako. Ang pera po na nakukuha niyo sa businesses niyo, inyo po 'yon. Wala akong karapatan na magkaroon ng kahit na piso sa pera na pagmamay-ari ng mga Yu."
"You're Chelsea's girlfriend. Anong sinasabi mo sa pera at karapatan? That's rubbish. Magpahinga ka na lang Shan, pasasamahan na kita sa taas."
Pinainom muna ako ni Chelsea ng tubig bago niya ako pakainin. Nakarinig naman kami ng yapak sa hagdan, at nakita namin si Soo Hye na kamot nang kamot sa mga mata niya. Agad itong lumapit kay Mommy Vivienne at nagpabuhat siya roon.
"Eomma, jayo. Na jinja pigonhae." (Mommy, let's sleep. I'm tired.)
Hinele-hele ito ng mommy niya at hinalikan nito ang noo ni Soo Hye. Sunod nitong hinalikan ang noo ni Chelsea at bumeso ito sa akin.
Nagpaalam na 'di kalaunan si Mommy Vivienne sa amin, "Annyeonghi jumuseyo, Shanarrawa Chelsea." (Goodnight, Shannara and Chelsea.)
Pumanaog na sila sa hagdan at naiwan kami ni Chelsea sa sala. Nagkatitigan kami, at naramdaman ko ang paghaplus-haplos niya sa braso ko.
BINABASA MO ANG
How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]
RomanceSinasabi nila na kapag may karelasyon ka, kailangan mong dumaan sa butas ng karayom. Tanggapin ang bad sides niya, tanggapin ang masakit na reyalidad, at tanggapin ang katotohanan na hindi kayo magtatagal. Paano kung pinagtagpo kayo, sinira ng panah...