(𝘊𝘩𝘦𝘭𝘴𝘦𝘢)
"Hmm..." Tumagilid agad ako sa kama at napangiwi ako nang may maramdaman akong masakit sa bandang puson ko. Bigla naman akong nakaramdam ng ginhawa nang may humaplos sa tiyan ko, saka ko nadama na may malamig na bagay na ipinatong doon. "Ang sakit..."
"Okay na ba siya, mommy? Parang hindi pa okay si Chelsea, masama pa yata ang pakiramdam niya. Love?"
Unti-unti akong nagmulat ng mga mata at parang nanlalabo 'yon nang maaninag ko si Shannara. Naramdaman ko na lang na uminit ang mukha ko nang tumulo ang luha roon.
"Love, I'm so sorry. I'm really sorry. I hope hindi ka na galit sa akin." Sinikap kong umupo kahit na masakit pa ang tiyan ko. Agad namang umalalay si Shannara sa akin at kinuha nito ang kaliwang kamay ko. Nananatili lang itong nakatingin sa mukha ko, habang hindi ko talaga maawat ang pag-iyak. "Hindi ko gusto na ganoon ang mangyari, I hope gugustuhin mo nang ituloy ang relasyon natin. I love you, and ipapangako ko na hinding-hindi ko na pangungunahan ang mga desisyon mo. I'll take care of you nang hindi ka inuunahan."
"I'm sorry too, Chel. Forgive me. Hindi ako galit, I'm just tired noong nakaraan. Now, handa na ulit ako sa atin." Unti-unti niyang inilapit ang labi niya sa akin at naging mabilis naman ako na humalik doon. Namutla ako nang maghiwalay ang mga labi namin at nagnakaw ulit ako ng halik sa labi nito. "Chel, saan ka ba nanggaling? Sinabi ni mommy na may naghatid lang sa'yo then umalis na. Amoy alak ka pa kanina noong binibihisan kita, uminom ka?"
"Oo yata. Pero Shan, limot ko na ang mga nangyari kagabi. Uminom lang naman ako para makalimutan ang mga nangyari sa atin last time. At ngayon na okay na tayo, hindi na ako titikim ng alak. Promise ko 'yan, love."
"Promise naman pala ng anak ko," pagsingit ni mommy. Naglakad ito papunta sa pintuan at binuksan niya 'yon. Bago ito lumabas, sumilip muna ito sa amin. "Bumaba na kayo mamaya. I'll prepare our food. Soo Hye is in her room, kindly call her na lang para makakain tayo ng umagahan. And Shan, thanks for staying in here para bantayan ang anak ko. Malaking tulong 'yon."
Isinara na nito ang pintuan ng kuwarto at naiwan na talaga kami ni Shannara. Pilit ko itong pinasandal sa katawan ko kahit na masakit pa 'yon nang kaunti, at agad naman niya akong niyakap. Humalik lang ako sa noo nito at mas mahigpit na yakap ang iginawad ko sa kabuuhan niya.
"Gutom ka na, love?"
"Chel, bakit ka naman uminom?" pambabalewala niya sa itinanong ko. "Mahirap 'yan, baka mamaya mapahamak ka or mabangga. Nagmamaneho ka pa naman. Ano naman ang nangyari sa bar kagabi na pinanggalingan mo?"
"Ah, ewan ko talaga love. Baka siguro uminom lang ako hanggang sa mahilo. Ang alam ko kapag nagsusuka ako, tumitindi ang sakit ng tiyan ko. Siguro hang na hang talaga ako sa alak."
"Siguro nga. Tara, kumain na tayo kasama ng mommy mo at ni Soo Hye. Medyo kumukulo na ang tiyan ko. Dapat talaga Chel matagal na kitang pinatawad, kumuha lang ako ng kaunting time for myself at para makatapos ako ng school works. Now na marami na akong oras, sa'yo na lahat ng 'yon. At saka kagabi, katabi ko si Mommy Vivienne sa kama. Sumasaglit-saglit naman ako rito para bantayan ka at i-check. Akala ko kasi may sakit ka kaya 'di ka makabangon."
"Siguro nga may sakit ako kagabi, pero dahil nandito ka nawala na agad 'yon. Saka totoo na katabi mo si mommy? Kampante na nga talaga ang mommy sa'yo."
"Siyempre! Close na nga sila ni nanay, e! Saka pakakawalan pa ba niya ang isang manugang na gaya ko? At saka, loyal na loyal ka kaya wala na tayong problema."
"Oo naman love, loyal ako sa'yo. Kahit nga isang dekadang cool-off pa 'yon hihintayin kita at 'di ako lalapit sa ibang babae." Bahagya akong bumangon at nakita ko na may marka ng lipstick ang leeg ko. Pansin 'yon mula sa kinauupuan ko kaya agad ko 'yong pinunasan pero ayaw mawala. Kiniskis ko 'yon nang kiniskis, pero parang nakabakat 'yon sa balat ko. "Love, bakit ganito? May allergy yata ako sa alak o baka kagat ito ng ipis."
BINABASA MO ANG
How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]
RomanceSinasabi nila na kapag may karelasyon ka, kailangan mong dumaan sa butas ng karayom. Tanggapin ang bad sides niya, tanggapin ang masakit na reyalidad, at tanggapin ang katotohanan na hindi kayo magtatagal. Paano kung pinagtagpo kayo, sinira ng panah...