(𝘊𝘩𝘦𝘭𝘴𝘦𝘢) [5 Years Later]
Mabilis na lumipas ang limang taon, at nagsipaglakihan na ang mga anak ko kay Nami. Nasa kinder pa lang ang kambal pero halatang matatalino ang mga ito gaya ng sinabi ng guro nila. Minsan nga lang, basagulero si Severo at wala akong magawa kung hindi ang alisin ito lagi sa gusot niya.
"Hello, kayo po ba ang nanay ni Severo Velez?" Idinikit ko agad sa tenga ko ang phone dahil sa tono na 'yon. Kabisado ko na ang boses na 'yon dahil sa tuwing may kinakasangkutan na gulo ang anak ko, siya agad ang tumatawag sa akin. "Ma'am? Well, patapos na po ang school year ng mga bata at may sinuntok po ulit ang anak ninyo. Narito po siya, at kasama niya ang bunso niyang kapatid na si Samantha. Galit na galit po ang tatay ng nadisgrasya niya."
"Ma'am, ano po ba ang nangyari?"
"I'll explain it pagdating mo rito. See you in a bit, ma'am."
Inayos ko na agad ang bag ko at nagpalit ako ng damit para magmukha akong presentable sa paaralan nila. Hindi na ako masyadong nagbihis at nadatnan ko si Nami na may kausap na kaibigan niya sa sala nang makababa ako.
"Nami," pagtawag ko sa kaniya. Natahimik sila ng kaibigan niya at ngumiti naman ito sa akin. "May gusot na naman si Severo. Hindi ba't tinuruan na kita na dapat kapag may kasalanan o kaya'y nakikita mo na may mali sa bata paluin mo? Itinuro ko na 'yon sa'yo, pero busy na busy ka sa pakikipagkaibigan at sa 'luxurious' na buhay mo. Get your act together."
"A-Ah! Ako na ang susundo sa mga bata. Sige na, bumalik ka na sa kuwarto mo. Don't worry, ayos lang sa akin." Tinitigan ito ng kaibigan niya at napansin ko na napahiya si Nami sa sermon na ibinigay ko. Dumiretso na ako sa pinto pero nahinto ako nang hawakan niya ang braso ko. Agad ko namang hinawakan ang kamay nito nang mahigpit at tinanggal ko 'yon sa pagkakahawak sa akin. "Sabi ko kasi kanina, ako na. Pauuwiin ko na lang ang kaibigan ko, gawin mo na ang gusto mo."
"Huwag mo akong hawakan. Hayaan mo na, bihis na ako. Ako na ang di-disiplina sa bata. Bad record na si Severo nang dahil sa dami ng offense niya."
"Ang bait naman ng asawa mo!" papuri ng kaibigan nito na nasa gilid na pala namin. Inilahad niya ang palad niya sa akin na tinitigan ko lang, "Hi, I'm Jullyana. How about you?"
"You don't need to know my name because wala akong business sa'yo. I'm not her spouse, Nami is a kakilala of mine. Magandang hapon, aalis na ako."
Isinara ko na ang pintuan nang makalabas ako at sumakay na ako sa kotse. Halos magmadali na ako sa pagmamaneho dahil male-late na ako sa school nila. Pagdating ko roon, tinakbo ko na ang daan papunta ng guidance office at pagpasok ko, nakita ko agad si Severo na nilalagyan ng kapatid niya ng yelo sa pisngi.
"Nariyan na ang nanay ng mga bata."
Umupo agad ako sa isa sa dalawang upuan sa gawing kaliwa ng tapat ng mesa. Nakaupo sa gilid ko si Severo habang ikinandong ko naman si Samantha.
"Nagsumbong sa akin ang anak ko, sinuntok daw siya ng anak mo," panimula ng lalaking nasa tapat ko. "Walang breeding ang batang 'yan, bakit ba nag-aaral sa private school ang ganiyang bata na may ugali na pang-informal settlers? Dapat sa ganiyan, ibinibitin nang patiwarik habang hinahampas ng kawayan ang puwit."
"Kasi, e!" Nilingon namin si Severo na masama pa rin ang tingin sa batang nasa harapan niya. May benda naman ang braso ng nakasagupa nito at para pa nilang hinahamon ng suntukan ang isa't isa. "Mama, nakita ko na kinukuha niya ang lunch ni Samantha!"
"Iyon naman pala," sabi ng guidance counselor. "Mr. Chua, ang anak niyo naman po pala ang may kaso ng bullying. Ano po ba talaga ang gusto niyong mangyari?"
Tinitigan ako nito kaya tumayo na agad ako. "Let's go outside, let's settle this privately."
Iniupo ko muna si Samantha sa gilid ng kuya niya bago ako lumabas. Sumunod sa akin ang tatay na kausap ko kaya naglabas agad ako ng wallet.
BINABASA MO ANG
How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]
RomanceSinasabi nila na kapag may karelasyon ka, kailangan mong dumaan sa butas ng karayom. Tanggapin ang bad sides niya, tanggapin ang masakit na reyalidad, at tanggapin ang katotohanan na hindi kayo magtatagal. Paano kung pinagtagpo kayo, sinira ng panah...