(𝘊𝘩𝘦𝘭𝘴𝘦𝘢)
Maaga pa lang nang mag-abang ako sa labas ng bahay ni Shannara habang nasa kotse naman si Severo na sunod kong ipakikilala dahil umalis ulit para maglakwatsa si Nami at nasa bahay ni Mommy Vivienne si Samantha.
Ngayon naman ang simula ni Shannara ng paghahanap ng trabaho at dama kong totoo siyang galit sa akin lalo na't nadisgrasya ang anak naming dalawa.
"Marivic, bantayan mo nang maayos ang mga bata. Hindi ko sila hinayaang makipaglaro ngayon dahil pahinga nila. At sa makalawa, samahan mo ako dahil ie-enroll ko na silang dalawa." Bumukas na ang pintuan ng bahay at lumabas si Shannara na handa nang mag-apply dahil formal ang hitsura nito. Humakbang ito papunta sa direksyon ko, pero huminto rin siya at tumalikod ulit. "Siguraduhin mong kaya mo ang mga bata, okay? Si Vicky may gatas sa loob ng ref. Si Veron, may brownies siya roon, 'yong kinain niya kagabi. Saka pala si Vicky, gamutin mo ang kamay niya mamaya at palitan mo ang benda. Areglado?"
"Opo ma'am!" sagot sa kaniya ng kasambahay. Tumango lang si Shannara at naglakad na ito palabas. "Paalam po ma'am, ingat ka!"
"Shan." Nakita agad ni Shannara ang kotse ko at sunod akong lumapit sa kaniya. Hinarangan ko ito, kaya kumaliwa siya at lalo pang umiwas sa akin. "Love, please. I'm sorry sa nangyari sa anak natin. Sasamahan na kita, okay? Where ba ang interview mo?"
"Wala pa, at wala kang pakialam. Samahan mo ang anak mong demonyita."
"Love naman, kapag naging stepmom ka baka katakutan ka ng anak ko. Please, understand her. Iyak nga siya nang iyak at nagso-sorry sa akin."
"Pero sa anak ko, may balak ba siyang humingi ng tawad?" seryosong tanong nito. Umiling ako sa kaniya at nadinig ko na napahinga ito nang malalim. "See? Ni walang remorse ang anak mo sa ginawa niya kay Vicky. That kid of yours doesn't deserve my nice treatment, hindi siya karapat-dapat na pakitaan ng kabaitan dahil ibinabalik ko lang sa kaniya ang ginawa niya sa anak ko."
"Shannara, bata pa si Sam. She's still a kid at hindi niya alam ang ginagawa niya. She's like you and me, kapag nagseselos grabe sumipa ang insecurities." Hinawakan ko ang braso nito pero nagpumiglas lang siya sa akin. "Please, huwag ka namang ganito. Samantha is a good kid, and uunti-untiin ko siya."
"Pero hindi ako nananakit ng iba kapag nagseselos ako," mariin na iwinika niya. "Hindi mo alam kung kailan ako may pinagselosan sa'yo dahil hindi ko 'yon sinabi sa'yo. Sine-settle ko sa sarili ko lahat ng selos na nararamdaman ko. Alam na ni Vicky at Veron na may kapatid sila sa'yo, pero si Vicky mas naaawa ako dahil itinatanong sa akin ng bata kung normal lang ba na nagsasakitan ang magkapatid. Hindi deserve ng anak ko ang ginawa ng anak mo. Samantha called my daughter names—na hindi dapat marinig sa bibig ng musmos na bata."
"Si Nami ang nagturo no'n sa bata. I'll introduce Severo sa mga bata, he's a good kid at magiging mabuti siya sa baby sisters niya. Trust me." Binuksan ko ang pintuan ng kotse at nakita ni Shannara si Severo. Ibinaba nito ang tablet niya, bago siya bumaba ng kotse at lumapit sa amin. "Anak, here's Shannara. Greet her."
"Good morning po tita, nice meeting you." Kinuha ni Severo ang kamay ni Shannara at nagmano siya rito. "I'm hoping to see your twins po, I'll apologize in behalf of Samantha."
"It's okay, hindi naman ikaw ang kapatid mo. May oras pa siya para baguhin ang sarili niya at tanggapin na kapatid niya ang mga anak ko. Nice meeting you also, ang pogi mong bata."
Hinintay namin ni Severo na may huminto na taxi sa kalsada bago ko isakay roon si Shan. Nang makalayo ang taxi, nagpunta na kami ni Severo sa loob ng bahay. Nakita namin doon si Vicky na nakaupo sa maliit niyang mesa habang may kaharap itong mañika.
"Dolly, here's a special tea for you." Sinalinan niya ng imaginary tea ang maliit na teacup sa tapat niya. Ganoon din ang ginawa ng bata sa cup niya, at nagkunwari ito na uminom doon. "Ang sarap Dolly, 'no? Ang sabi ni Mama Chel ko mapait daw ang tsaa, pero 'yong atin masarap."
BINABASA MO ANG
How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]
RomanceSinasabi nila na kapag may karelasyon ka, kailangan mong dumaan sa butas ng karayom. Tanggapin ang bad sides niya, tanggapin ang masakit na reyalidad, at tanggapin ang katotohanan na hindi kayo magtatagal. Paano kung pinagtagpo kayo, sinira ng panah...