Chapter 20: Collaboration

1.6K 32 18
                                    

(𝘊𝘩𝘦𝘭𝘴𝘦𝘢)

Lumabas na ako ng kuwarto nang masigurado ko na okay lang si Shannara. Wala na rin ang bukol nito na may maliit na umbok na lang, at hindi naman seryoso na hinimatay siya dahil saglit lang siya nakatulog at okay na ulit.

"Nanay," pagtawag ko kay 'Nay Rowena. Nakaupo lang ito sa gilid at napaangat ang ulo niya nang tawagin ko siya. May bahid pa rin ng galit dito, pero 'di na gaya ng kanina na parang gusto niya akong ipakain sa piranha. "I'm sorry po if nasagot kita, it's just mahal ko ang mga apo mo—especially your only child kaya po ako ganito. Mahal na mahal ko ang pamilya ko."

"May iba kang anak, 'di ba? Mas mabuti na sila na lang ang pagtuunan mo ng pansin dahil ayos lang ang anak at mga apo ko rito. Lumayas ka na lang para walang gulo."

"Nanay, hindi ko gustong dalhin si Shannara sa gulo. Simula umpisa pa lang, you do know na mahal na mahal ko siya. She's very precious to me, and now na may mga anak na kami, mas tumindi ang nararamdaman ko sa kaniya. Aaminin ko 'nay na may mali rin ako pero mahal din po ako ni Shannara. We love each other and gusto namin na buo ang pamilya ng kambal."

"Desidido na ako, lumayas ka na dahil wala namang mapapala sa'yo ang anak ko. Mahirap sa akin na makita 'yong epekto ng ginawa mong pananakit sa kaniya."

"Pero 'nay, even if hindi ko sinabi 'yon sa kaniya.... she'd still feel lonely. She'd still crave for my presence. Hahanapin pa rin niya ako at ngayon na walang issue sa amin, gusto ko na balikan siya. Gaya pa rin dati ang pangako ko, I'll love her and magiging mabuti ako sa kaniya." Inilabas ko ang singsing ni Shannara mula sa bulsa ko at ipinakita ko 'yon sa nanay niya. "Nanay, ito 'yong singsing noon na ibigay ko kay Shannara. Kilala mo 'to. Lagi ko 'tong dala sa kahit saan dahil kumakalma ako kapag nakikita ko 'to. Gusto ko lang na ma-approve mo ang namamagitan sa amin 'nay, at magiging mabuti akong kasintahan sa anak mo."

"Uy, si Nanay Rowena ba 'yon?" nadinig ko na tanong sa likuran namin. "Siya nga, oh! Kausap niya ang mama natin!"

Itinago ko sa bulsa ko ang singsing nang lumapit sa amin ang mga bata. Nagmano sila kay 'Nay Rowena, at nang matapos sila agad silang nagpunta sa magkabilang gilid ko.

"Bakit naman gising pa kayo?" nakangiting tanong ko sa kanila. "Gabi na, oh. Naglalaro pa ba kayong dalawa?"

"Hindi po mama, ah!" sagot ni Veronica sa akin. Nakayakap lang ito sa teddy bear niya at gano'n din si Vicky na yakap ang laruang baboy na iniregalo ko rito. "Mama, we heard na nag-uusap kayo ni Nanay Rowena. May away po ba kayo? Parang sumigaw po kasi siya kanina."

"Ate, huwag na tayong sumali," sabat naman ni Vicky sa kaniya. "You know ate, usapang matatanda 'yon at bawal sa bata. You okay, nanay?"

"Okay naman ako," nakangiting sagot nito sa kanila. Tumayo na si Nanay Rowena, at lumapit ito sa akin. "Uuwi na ako, babalik na lang ako kapag ayos na si Shannara. Pakisabi, sorry. Sige na."

"Nanay, tanggap mo na ba ako para sa anak mo?" mahinang tanong ko sa kaniya, sapat na siya lang ang makarinig. "Please 'nay, mahal ko po si Shan at ang mga anak namin. Huwag mo na ulit silang ilayo sa akin dahil wala akong lihim na galit sa asawa ko at pati sa'yo."

"Bahala ka na."

Hindi na ako nito pinansin, saka siya bumaba ng hagdan at pinanood ko ito hanggang sa isara na niya ang pintuan. Lumapit naman si Veronica sa pintuan, at binuksan niya 'yon. Pumasok na kaming tatlo at sinamahan ko na sila sa ibabaw ng kama para pagmasdan si Shannara na nagpapahinga at may yelo na nakapatong sa noo.

"Mommy? What happened to you po?" Itinagilid ni Victoria ang ulo niya at mas pinagmasdan pa nito si Shan. "Are you hurt, mommy?"

"May maliit lang na aksidenteng nangyari kanina," pagpapaliwanag ko sa mga bata. "You know, mga bagay na hindi natin inaasahan. Your mommy's doing good, humihinga pa siya and she's asleep. At kayo, gabi na. Matulog na kayong dalawa kung hindi baka kainin kayo ng monster sa ilalim ng mga kama ninyo."

How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon