Chapter 19: Nightmare

1.6K 35 7
                                    

(𝘚𝘩𝘢𝘯𝘯𝘢𝘳𝘢)

Hawak ko ang mga kamay ng kambal habang umaakyat ako ng hagdan. Nakasunod naman si Chelsea sa amin, kaya lingon ako nang lingon sa kaniya dahil nakangisi ito sa akin. Pinapasok ko na ang kambal sa kuwarto at isinara ko ang pinto bago ko siya harapin.

"So.... where do I get to sleep?" 'di mawala-wala ang ngisi na tanong nito sa akin. "Baka kapag natulog ako sa kabilang kuwarto, maalala ko lang 'yong ginawa natin kagabi. Puwede naman siguro, basta't kapag tulog na ang mga bata susundan mo ako sa kuwarto natin."

"Una sa lahat, kuwarto 'yon ng bisita. Actually hindi ka nga bisita, buwisita ka. Irritating ka. Next, ang nangyari kagabi ay bunga ng kalasingan ko. Saka siyempre hindi naman ako nagalaw mula noong nanganak ako sa kambal kaya alam mo na, medyo sabik din. Kaya kung nagpapantasya ka na uulitin natin 'yon, maghanap ka ng ibang babae na gagawin 'yan kasama ka."

"I never dared to do it with another woman, Shan. Pakiramdam ko estranghero ang katalik ko at parang bumabalik sa akin ang nangyaring paglalapastangan ni Nami. Kapag ikaw ang kasama ko, nawawala 'yon. You're my cure, Shan. Ang nadarama ko para sa'yo ang nagpapalakas sa akin. And ang kambal, I love them so much." Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at nakipagtitigan siya sa akin. Sinubukan kong iwasan ang mga mata nito, pero para akong nahi-hipnotismo ng pagtitig niya. "Like I said before, iba ang sex sa make love. Ang sex, casual lang 'yon na parang libangan. Iba ang ginagawa natin."

"Hindi ba't mali na natin ito noon?" naiiyak na tanong ko sa kaniya. "Kahit sinabi na ng mommy mo na mali, ipinilit mo pa. Ginawa pa rin natin kaya nagbunga ang pagsuway natin sa bilin niya. You assured me na alam mo ang ginagawa mo pero may nabuo."

"Pero hindi naman natin pinagsisisihan na may nabuo. Nandiyan na ang mga bata. Ipinanganak na sila, and handa akong buhayin kayong tatlo."

"Paano ang kambal mo, 'yong sina Samantha? Paano na sila kung ganito na nasa amin ka?"

"Hindi sila problema. Kaya sila ni Nami, and inaalagaan ko kayo at bumabawi ako sa inyo. Samantha is a good girl na masunurin kay Nami, and takot si Severo sa nanay niya. Don't see them as hindrances, okay? Tapos na ang issue sa kanila. Sapat na ang limang taon para makilala ko ang mga bata at mahalin sila nang walang poot sa puso ko. Now, I'm going back to your arms again. Gusto ko lang na tanggapin mo na ulit ako. I'm sorry sa sinabi ko noon, simula sa sinabi ko na malabsaw ang utak mo and such. I don't know, hindi ko ma-control ang sarili ko. Gusto ko lang no'n na tumigil ka, and maybe you'll realize na mahal mo ako at bumalik ka sa akin."

"No, huwag kang humingi ng tawad sa akin. I'm sorry. Ako ang hihingi ng tawad. Magkakahalo ang laman ng utak ko, Chel. I pity the kids, and akala ko magiging masaya sila kasama kayo na buo ang pamilya ninyo. I thought na kaya ko ang mga bata, but ends up na umiiyak ako gabi-gabi wishing na sana nasa tabi kita. Mahirap."

Namalayan ko na lang na umiiyak na ako nang maglabas siya ng panyo. Ipinunas niya 'yon sa mga mata ko at niyakap agad ako nito nang mahigpit.

"Hahayaan mo na ba na bumawi ako sa mga bata at sa'yo? Gusto ko na maging kumpleto tayo, dahil kayo ng mga bata ang pamilya ko. Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin, at hindi ko kayo ipagpapalit sa kahit na ano."

Kumalas agad ako sa pagkakayakap dito nang maramdaman ko na umiikot ang doorknob sa likuran ko. Tumambad sa amin si Veronica, at nakita nito na umiiyak ako kaya nag-alala agad siya, "Mommy? Why are you crying po?"

"Ah wala anak, may napag-usapan lang kami na namayapang tao ni Shannara," eksplanasyon ni Chelsea rito. Umirap naman sa kaniya ang bata, saka ito pumasok sa kuwarto. Nakita ko na lang ang pag-iling ni Chelsea at sa akin na ito tumingin. "I'll sleep sa guest room. Malinis na sa kuwarto, 'di ba? Tanggal na ang lahat ng bakas ng nangyari kagabi. Don't worry, I'm not forcing you to do it again with me. Last night was amazing, and ayos na 'yon."

How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon