ENDING

3.9K 68 17
                                    

(𝘚𝘩𝘢𝘯𝘯𝘢𝘳𝘢)

"Delivery!"

Napasapo ako sa ulo ko nang pumasok si 'Nay Rowena na maraming dala na plastic na panay pagkain. Gano'n din kasi si Mommy Vivienne kanina na nakauwi na para bantayan sina Samantha. Nagpapahinga lang ang mga anak ko sa kama nila habang nasa gitna naman ako na 'di magkandaugaga sa pagbabantay sa mga bata.

Maliban sa therapy, kailangan rin na ma-confine pansamantala ang mga anak ko dahil masyadong humina ang mga katawan nila. Pasalin-salin ang tingin ko kina Victoria habang hawak ko ang mga kamay nila.

"Alam mo 'nay, may pagkain na kami kanina pa. Ang dami na niyan at tayong lima lang naman ang kakain. Itong mga bata tulog pa, oh." Tumawa lang ang nanay ko sa akin at nakita ko na napangiti na ito. Nakahinga na rin siya nang maluwag dahil ligtas na sina Veronica. "Nanay, I'm sorry if sinigawan kita. Nanay lang ako kaya nagalit ako sa pagtatago mo ng nangyari sa kambal namin."

"Ayos lang. Dapat nga ako pa ang humingi ng tawad sa'yo at sa mga anak mo. And also, may gustong kausapin ka. Miguel, pumasok ka na."

Napatayo agad ako sa pangalan na nadinig ko. Pumasok ang tatay ko sa silid ng mga bata, at kumunot ang noo ko para magpigil ng luha. Lumapit agad ito sa akin at hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya.

"Tatay, buti at nandito ka para makita ako. Ito ang mga apo mo sa akin, oh." Kumalas agad ako sa kaniya at ipinakita ko ang mga bata. Itinuro ko agad si Veronica sa gawing kaliwa namin. "Iyan po ang panganay ko 'tay, si Veronica. Sa kaliwa naman na mahaba ang buhok, si Vicky. Ang gaganda nila, ano?"

"Oo nga," nakangiting sagot nito. "I'm sorry kung ngayon lang ako nagpakita. Dapat hindi na talaga dahil sa ginawa ko sa'yo. Nakausap ko na ang nanay mo, e."

"Ah, oo. Kasi Shannara gusto ng tatay mo na hingan ka ng tawad. At saka.... gusto niya akong balikan." Ngumiti agad ang nanay ko nang matamis sa akin at kinuha niya ang kamay ng tatay ko. "Kasi 'di ba't matagal na 'yon? Baka puwede nang maging kami ulit tutal napatawad ko na siya. At saka nagbago na siya, 'di ba? Hindi na niya ako pagbubuhatan ng kamay at hindi na ulit siya maghahanap ng iba. Noon kasing mga panahon na wala ako sa bahay ninyo, siya ang binibisita ko. Hindi naman masama, 'di ba? Saka para 'di lang si Vivienne ang may asawa, ako rin dapat."

"Kung saan kayo masaya," pagbibigay ko ng permiso sa kanila. "Kung nagmamahalan po kayo, sige. Wala naman akong paghadlang dahil desisyon mo 'yan. Saka tatay, sana naman kapag ikinasal ako ilakad mo ako sa altar."

"Ikaw pa ba, Shannara? Hinding-hindi ako mawawala sa kasal mo, lalo na't gusto kong mas makilala ang mga apo ko. Kapag nakalabas na sila ng ospital, lagi kong dadalawin ang mga anak mo---"

"Love?" Narinig ko na bumukas ang pintuan at lumapit agad sa amin si Chelsea. Nadilat ito nang makita niya ang tatay ko, at napakunot naman ang noo nito sa kaniya. Kinuha naman agad ni Chelsea ang kamay nito at nagmano agad siya. "Good evening po tito, ako po si Chelsea."

"Ah Miguel, iyan 'yong si Chelsea. Siya 'yong tatay ng mga bata na sinasabi ko sa'yo."

"Pamilyar ka," sabi nito sa kaniya. "Nagkita na ba tayo, Chelsea?"

"H-Ha? Hindi pa po, sir." Kinuha agad ni Chelsea ang kamay ko at nagulat ako dahil parang nagpapawis 'yon at takut na takot ito sa tatay ko. "Baka po iba ang nakita niyo, sir. Ako po ang karelasyon ng anak mo."

"Parang pamilyar ka talaga---"

"Hay naku, ginigising mo ang mga bata," saway ng nanay ko rito. "Tara na Miguel, umalis na tayo. Baka kamukha lang ni Chelsea ang nakita mo. Ikaw talaga, maglilipat pa tayo ng mga gamit mo."

How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon